CHAPTER 13.

1.6K 106 2
                                    


Abe POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Jeth habang kaharap ang parents niya. May halong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon habang nakaupo sa harapan nila. Nakakatuwa lang dahil akala ko may sasabihin sila ng kung ano samin ni Jeth pero nagkamali ako.

"Alam na ba 'to ng parents mo, Ija?" tanong sakin ni Tita.

"Opo. Pero hindi pa po nila nakikita si Jeth." napapahiyang tugon ko.

"I see."

"Mas maganda ang relasyon niyo kung pareho kayong may basbas sa mga magulang niyo." sabi naman ni Tito.

"I'm happy for my, son, I'm happy for the both of you." nakangiti si Tita habang nakatingin samin ni Jeth. "Hindi na kayo mga bata para hindi niyo alam ang tama sa mali ha? Make sure na unahin niyo muna ang pag aaral."

"Of course, Ma." ani Jeth.

Pakatapos naming kumain. Nagpaalam na din akong uuwi na dahil gumagabe na din. Hindi na sana ako ihahatid ni Jeth dahil may susundo naman sakin na driver namin kaso si Tita naman, pinagalitan pa si Jeth at dapat daw obligasyon niya na ihahatid sundo ako. Kaya wala na din kaming nagawa at sumonod na lang sa gusto ng Mommy niya. Nakakatuwa lang dahil pakiramdam ko napaka supportive nila samin ni Jeth.

"Nakakatuwa naman ang parents mo." nakangiti kong sabi.

"Mabait talaga ang parents ko lalo na sa mga magandang kagaya mo." aniya at ilang segundo pang tumingin sakin at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

Nanatili ang ngiti sa kanyang labi.

"Sira." natatawa kong sabi. "Ako lang ba ang ipinakilala mo sa magulang mo?" curious kong tanong.

"Well, oo."

"Really? Nakakatuwa naman!"

Kinikilig kong sabi.

"May mga naging girlfriend din ako pero hindi ko sila pinakilala sa parents ko."

Napapangiwi akong napatingin sa kanya.

"Kasi alam kong dadating ka sa buhay ko at gusto ko ikaw ang una kong ipapakilala sa kanila." bumaling siya sakin at kinindatan ako.

Napangiti tuloy ako sa kanya at kinilig sa sinabi niya. Nang makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi pa ako bumababa sa sasakyan. Nanatili ang tingin namin sa isa't isa.

"I love you so much, Abe."

Napatingin ako sa mga mata niya at nakikita ko na sincere talaga siya at galing sa puso ang sinabi niya. Mas napatitig pa ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya.

"I love you always, Jeth." tugon ko. "Just don't hurt me or else...."

"Or else?"

"Or else..." ano ba. Hindi ko na kasi alam ang idudugtong ko dahil masyado akong natutunaw sa mga titig niya. "Ano... magagalit ako sayo." nagbaba ako ng tingin.

Sino ba naman kasi ang tatagal sa titigan lalo na kung ganito ka gwapo ang na sa harapan mo!

"Of course I won't do that. Hindi kita magagawang saktan, Love. Masyado na kitang mahal para saktan ka lang." iningat niya ang mukha ko gamit ang isang daliri niya.

"Promise?"

"Promise!"

Maya maya pa halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse at nakita ko si CJ na naka dungaw samn. Mariin akong napapikit at agad na lumabas, ganon din si Jeth.

"What are you two doing?" nag tatakang tanong niya habang papalit palit ang tingin samin ni Jeth. "Bakit nandito pa kayo sa labas?" dugtong niya pa.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now