EPILOGUE

1.7K 54 26
                                    

"One dozen of red rose, please." Sabi ko sa babaeng medyo may pagkatanda na rin.

Napalingon naman ito at napangiti nang makita ako.

"Ikaw pala, Hijo." Sabi nito at kinuha ang 1 dozen red rose at inabot sakin. "Ilang taon ka ng bumibili sa akin ng bulaklak na iyan. At masasabi kong napakaswerte ng babaeng binibigyan mo. Kasintahan mo ba ang babaeng palaging binibigyan mo nito, hijo?" Tanong niya.

Napailing naman ako saka ngumiti.

"Hindi po. Pero po pinapangarap ko na sana balang araw maipag tapat ko na ang tunay kong nararamdaman para sakanya. Natatakot po kasi akong sabihin sakanya ang totoong nararamdaman ko. Natatakot ako na baka layuan niya ako kapag inamin ko na may gusto ako sakanya. Kaya hanggat maaari, hindi ko po muna sasabihin sakanya dahil sa tingin ko po.  Hindi pa ako handang harapin ang kung ano mang kalalabasan nito kung sakaling ma sabi ko man sakanya ang totoo."

Mas lalong napangiti ang matanda. Kinuha niya ang isang pirasong red rose saka muling tumingin sakin.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng bulaklak na ito?" Tanong niya. Napailing naman ako. "Ang kulay ng bulaklak na ito ang sumisimbolo ng tunay na pag mamahal. Mapula ang kulay nito dahil ibig sabihin kung gaano kaganda at kaaliwalas ito, ganun din kaganda at kaaliwalas ang nararamdaman ng isang taong totoong nag mamahal. Minsan, bago natin mapitas ang isang bulaklak na gusto natin, kailangan na muna natin dumaan sa isang mahirap na sitwasyon. At kahit ayaw mo, kailangan mong mahawakan ang tinik ng bulaklak para makuha mo ito at maramdaman mo ang sakit at hapdi dahil sa tinik na bumaon sa kamay mo para lang makuha ang gusto mo. Kagaya ng pag mamahal ng isang tao. Kailangan mo ring masaktan para malaman mo na buhay ka pa at patuloy pa rin sa pag tibok ang puso mo sa taong nag papatibok nito." Nakangiti pa rin siya habang sinasabi 'yun.

Ang lalim ng mga salitang binitawan niya pero naging malinaw ito sakin. At dahil sa sinabi niya. Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Mahirap man pero sa tingin ko kailangan ko ng gawin ito.

Tatanggapin ko kahit ano man ang maaring kakalabasan nito.

Pero habang tumatagal. Akala ko handa na ako. Akala ko nagkaroon na ako ng lakas na loob. Pero hindi pa pala. Dahil sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ng babaeng mahal ko. Mas lalo akong natatakot na baka, hindi ko na muling makita ang magagandang ngiti sa labi niya kapag nasabi ko na sakanya ang totoo. Kaya hanggat kaya ko pang itikom ang mga bibig ko. Mas pinili ko na lang manahimik at patago ko na lang siyang minamahal.

-Jethro Ramirez

-I'm Secretly In Love With My Bestfriend-

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Where stories live. Discover now