Chapter 1 - Punishment

24.4K 392 8
                                    

"Edi pabuhatin mo 'ko. Kaya ko naman gawin yan eh." ang paliwanag ni Zein sa aking harapan. "Look, madali na nga lang pinagagawa ko. Malala na nga yung magkalat ka ng isang bag ng basurahan sa hallway, pero bubuhatin mo na nga lang yung supplies ni manong gardener, diba?" paliwanag ko.


"Oo nga, kaya nga tatanggapin ko na. Ano ka ba? Kahit sabihin nating hindi naman ako yung may kasalanan kung bakit kami nagbabatuhan ng bag ng basura sa hallway, sige lang." sagot naman niya. "Eh bakit ba naman kasi pumayag ka? At tsaka hindi ka ba nadudumihan dun!?" tanong ko muli.


Ngumisi siya't sinabi, "Meron naman kaming elastic gloves mula dun sa laboratory." nang sinabi niya ito, napaface palm ako. "Mayghad... ginamit niyo pa yung gloves mula sa lab?!" tanong ko nanaman.


"Oh bakit? Pede naman gamitin diba?"

"Oo pero hindi para paglaruan!"


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Fine- ganito nalang. Pasalamat ka na I can do only very little chore-punishment. Kaya instead of helping manong gardener's tools, you will be the one to collect the trash after school hours tomorrow." paliwanag ko.


"What!? Ano ka, sira? Nakakadiri kaya yun!" reklamo niya, "Oo, nakakadiri pero ikaw nga kaya mo ngang paglaruan yung plastic bag puno ng basura." reklamo ko pabalik, "Teka, bakit ako lang ang pinarurusahan mo? Eh si Eniel din naman kasali ah!"


Muli akong bumuntong-hininga at nagpaliwanag, "We already set a different punishment for him, tutulungan niyang magbuhat ng mga kahon na may laman na departmentalized reviewers. Sa dami natin dito sa academy, surely that would be very fitting for him. One whole day lang naman din." paliwanag ko.


"This is b*llsh*t..." bigkas niya.


"Yes it is. But that's also considered as a consequence. Face it." sabi ko't tumayo at tsaka tinanggal ang aking salamin tsaka tinapat ito sa kanyang dibdib. "Mr. Eskribano, I've given much worse punishments and all those were suggested by the principal herself. Kahit nga yung iba na nasa options mas mahirap kaysa sa pinagagawa ko sa'yo ngayon like- mop all the hallways clean after school hours, arrange the rooftop chairs, at sobrang dami pa." paliwanag ko.


"In this school, it's all about making the right decisions in the right time and place, if not, face the consequences." nang sinabi ko ito nakarinig ako ng isang notif text mula sa kanyang phone. Pagkatapos niya itong makita ay, "... Sh*t. Look, inaya ako ni Denise na mag-date kami bukas. Okay lang ba if sa susunod nalang 'tong punishment na 'to?" tanong niya.


Nang ako'y bumuntong-hininga, "... Then i-explain mo. You can't avoid punishments or I might have to file an avoiding paper statement to the principal at baka lumala yung parusa mo, ayaw mo naman siguro ng ganun diba?" tanong ko.


"Ugh, fine. Kapag nagalit yun sa akin ikaw ang mananagot." sabi niya at bigla na lamang umalis ng council room. Hay nako, halos bawat linggo lagi kong nakakaharap yung pagmumukha niya.


Based on his profile, ang tatay niya ay pinoy at ang nanay niya ay isang Amerikana na blonde ang buhok and apparently, sa nanay niya siya kinuha ang mga trato. Ang tatay niya rin kasi ay half-American kaya medyo reasonable, pero siguro dahil sa financial problem dito siya pinag-aral sa Pilipinas since dito na rin naman daw siya lumaki.


Ang mga magulang niya ay nasa Amerika para matustusan ang kanyang pag-aaral dito sa Pilipinas at ang pamilya ng pinsan niya ang nag-aalaga sa kanya ngayon. I can already tell kung bakit ganun ang katawan niya kasi kilala ang gym ng kanyang tito dito sa probinsiya.


Matapos kong asikasuhin siya ay nagpunta na ako sa sarili kong gawain, ubod ng mga papeles pa ang mga kailangan kong tapusin at i-approve. At isang buwan na lamang ay "Aedan's Feast" na.


Isa siyang pagdiriwang para kay St. Aedan na magtatagal ng tatlong araw, parang school fair lang. At by next week sadyang mag-checheck or mag-rereject ng mga proposals para sa gagawin ng bawat section para sa school fair. Ugh, puyat na naman, tapos meron pang academics.


Ako si Dylan Gerald Tuazon, ang student council president ng St. Aedan High. Napunta sa akin ang posisyon na'to pagkatapos ng aking paghihirap. Naging biktima kasi ako ng bullying noong gradeschool ako tapos lagi pang nag-aaway ang mga magulang ko kaya nagpursigi akong mabuhay mag-isa.


Yun ay hanggang dumating si Mama Roseta or Aling Rose sa aking buhay, namatay ang kaniyang kababatang kapatid dahil sa isang aksidente, ligaw na bala. Tapos halos kamukha ko raw ang kapatid niya. Nagkakilala kami noong nakita ko siya na may dala-dalang sako ng bigas at nakadamit siya na parang pang-contest.


Nagmula raw kasi siya sa isang miss gay contest at nanalo sa top 5 at ang prize na natanggap niya is one thousand plus isang sako ng bigas. Syempre sa kaibahang palad ay talagang tinulungan ko siya magbuhat ng sako.


Doon nagsimula ang pagbabago ng aking buhay, tinulungan niya akong matustusan ang aking pag-aaral, binigyan ako ng tahanan, pinakain at inalagaan ako na parang isang magulang. Sa bahay ng pinsan niya na lamang daw siya nakatira dahil pinalayas daw siya ng pamilya niya sa kadahilanan bilang isang bakla.


Enough about me, lahat yan mas lalo pa nating malalaman at maiintindihan kapag nagkwento na ako ng husto sa tamang panahon para magpaliwanag na rin.


Nang matapos ang araw ay bumalik na ako sa bahay ng may dalang hapunan. "Mama Rose. Nandito na po ako." bigkas ko. "Oh, iho, musta school?" tanong ko. "Ayun, yung pasaway na Mr. Eskribano ini-scold ko na naman." paliwanag ko. "Oh bakit? Ano nanaman ba ginawa niya?" tanong niya sa akin pabalik.


"Ayun, pinaglaruan yung trash bag ng may laman, tapos ginamit pa yung gloves ng science lab." paliwanag ko. "Alam mo, sayang siya, kung tutuusin maliban sa pagiging gwapo... yung ugali niya lang talaga may problema." reklamo ni Mama Rose.



Hindi ko naman mapigilang sumang-ayon sa kanya since totoo naman talaga, "Oo nga eh. Tapos get this ah, may date raw sila ng girlfriend niya bukas at gustong ipa-move ang punishment na binigay sa kanya." kwento ko. "Bakit? Gaano na ba sila katagal?" tanong niya.


"Halos... I think mag-t-three years? Naging sila nung first year kami, ilang buwan lang siya nanligaw tapos sagot agad. Hu nako, si Denise talaga madaling mahulog." sabi ko. "Eh wala kang magagawa, gwapo yung lalake eh at tsaka malay mo naman agad agad na-pass ng standards ni Denise ang katauhan ni Zein." paliwanag ni Mama Rose.


"Teka teka... nako, nahawa na talaga ako sa pagiging chismosa niyo ah. Tara na nga kain na tayo, may dala akong pansit." paliwanag ko't tumawa si Aling Rose. "Alam mo naman kami, hindi talaga titigil ang mga bibig namin." sabi niya't tinawag na ang kanyang mga pinsan mula sa itaas.


Habang kumakain...


"Kuya Dylan, hindi niyo po ba na-iisipang magpagupit?" tanong ni Bryana. "Ha? Bakit? Nagpapagupit naman ako ah." sagot ko. "Hindi, I mean- magpasalon ganun. Katulad ni Mama Rose kapag magcocontest." dagdag ni Bryana.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Wag na, magastos lang. At tsaka okay na 'to oh. Forty pesos lang naman eh." sagot ko. "Hmm... sa bagay minsan maganda na mag-iba rin. Don't worry, next time isasama kita kapag magpapasalon ako kay kumare Ivy." pag-aaya ni Mama Rose.


"Ay- hindi na po. Magastos lang." ang hindi ko pagsang-ayon sa kanyang sinabi, "Ano ka ba, okay lang yan. May discount naman sure yun." paliwanag ni Mama Rose at nagpatuloy na kami sa aming pagkain ng hapunan.


"Kuya Dylan, may sports fest po kami sa susunod na linggo sa Huwebes at Biyernes. Nood kayo ah!" sabi ni Gelo, ang pinakabata sa aming pamilya. "Nako, titingnan ko pa kasi may pasok ako ng mga araw na yun." paliwanag ko naman. "Oh sige, basta siguraduhin niyo na at least man lang makapunta kayo." sabi niya.


Ngumiti ako't sumagot ng, "Oo naman, 'kaw pa. Gagawa ako ng paraan." sabi ko naman. "Nga pala, Dylan, naka-isip ka na ba ng pupuntahan mong kolehiyo?" tanong ni Mama Rose. "Hindi pa eh. At tsaka Halos end of the year pa naman yung mga test. May ilang buwan pa. July pa lang." paliwanag ko. "Oh sige, basta ah. Sabi mo kukuha ka ng scholarship, galingan mo." paalala ni Mama Rose.


"Opo." sagot ko ng may ngiti at nagpatuloy na kaming kumain ng aming hapunan.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon