Chapter 29 - The Nurse

3.4K 116 3
                                    

Habang ako'y nagpapahinga at nanonood ng TV sa aking kwarto sa ospital ay agad na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nurse na naka-assign sa akin.


"Hello po, Sr. Tuazon." sabi niya.


"Hi." bati ko naman.


"Kamusta na pakiramdam niyo?" tanong niya sa akin.


"Medyo okay na rin naman, masakit pa rin yung mga sugat." sagot ko.


"Ahh, sige po ano, papalitan po natin yung mga bandage niyo." sabi niya sa akin at tumango ako bilang sagot.


Inilabas niya ang isang first aid kit at isang maliit na timba ng tubig tsaka malambot na tuwalya. Matapos niyang tanggalin ang bandage ng aking mga sugat ay dahan dahan niya itong pinunasan at dumadampi ang tuwalya.


Humudyat ang mata ko sa kaonting sakit at hapdi.


Pero pagkatapos niyang palitan ito lahat ay nakahiga na rin ako muli ng maayos, "Sige, sir. Mamaya po balik ako para sa gamot ninyo." sabi niya't umalis na, "Sige. Salamat." bungad ko't umalis na siya sa aking kwarto.


(Zein's POV)


Matapos ang aming araw sa eskuwelahan ay agad na kaming pumunta sa ospital matapos namin bumili ng pagkain para kay Dylan.


Nang makarating kami doon ay nagbungad sa amin ang isang lalakeng nurse. May itsura, siguro mga nasa 20's ang kanyang edad at halos magkasing tangkad lamang kami.


"Hi, Dylan." bati ni Yanna.


"Hi." bungad niya sa amin.


"Ah- si Nurse Enrique nga pala." sabi niya sa amin.


"Hello po." bati naman ni Tiana.


"Sige, sir. Iwan ko na po muna kayo ng kaibigan niyo, kukunin ko lang po yung report pati na rin yung schedule." bigkas niya't umalis na siya matapos magpaalam.


"Nurse?" tanong ko.


"Oo. Yung naka-assign sa akin." paliwanag ni Dylan.


"Bakit? Nag-se-selos ka ba?" tanong ni Tiana.


"Musta na ba?" tanong ni Lenz kay Dylan.


"Masama ba magtanong?" tanong ko naman kay Tiana't bumuntong hininga.


Nang naka-upo na kami ay sinabi naman ni Tiana, "Dylan, kailangan na natin pag-usapan yung Skull Campus event... ilang linggo nalang... 2 weeks? Tapos ala pa tayong napag-uusapan, yung scare game palang. Yung Trick or Treat Race ba?" tanong ni Tiana.


(Dylan's POV)


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Sige. Ang balak ko kasi dun sa Scare Game ay limang grupo with five members. Tapos, magtatakutan sila sa loob ng buong campus, they have 1 hour to scare the teams. Kapag time runs out yung may pinakamaraming members ang natitira ay mananalo, kung may tie man edi 5 minutes extension, sudden death." sabi ko naman.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon