Chapter 42 - Kahinaan

3.1K 106 10
                                    

Sa dumating na weekend...


Hindi ko akalaing gagawin ko talaga 'to. Nang ako'y nasa harapan ng kanilang bahay ay agad naman akong sinalubong ng kanyang tito at ni Rylie. "Hi, Dylan!" bungad sa akin ni Rylie.


"H-hello." sabi ko naman.


"Si Zein naliligo. Kahit dun ka nalang maghintay sa kanya." sabi ni Rylie.


"San kayo pupunta?" tanong ko.


"Ah, si nanay ni Rylie, bibisitahin namin sa ospital. Alam mo naman. Sabi na rin naman niya na okay lang. Bukas na balik namin." sabi ng tito ni Zein.


"Sige po. Ingat po kayo." sabi ko naman at nakita silang umalis na.


Pumasok na ako sa loob ng kanilang bahay at umakyat sa hagdan. Nakarating ako sa kanyang kwarto't kumatok. Nang magbukas ito, bumungad sa akin si Zein ng may bandage at naka-arm sling siya.


"Ah... ikaw na pala yan." bigkas niya.


"P-pwede ba ako pumasok?" tanong ko naman at nagbigay daan siya.


Pagpasok ko sa loob ay agad niyang sinarado ang pinto. "Sa totoo lang hindi ko akalain na papayag kang alagaan ako." sabi niya naman.


"Sabihin na nating pasasalamat para sa pagligtas sa akin." sabi ko naman at bumuntong-hininga.


"Kamusta na ba?" dagdag kong tanong.


"Okay naman. Medyo mahirap pa rin gamitin, pero nagagalaw ko naman ng saglit." paliwanag niyang sagot.


"Meron akong dalang ointment dito, sabi ni Mama Rose nakakapagpagaling daw 'to." bigkas ko.


"Ah, ganun ba? Oh sige, kahit mamaya nalang pagkaligo ko ulit." sabi niya.


Nga pala, kaliligo niya lang at sayang hindi ko siya naabutan, sana na-apply na kaagad yung ointment para mabilis siyang gagaling.


"Ano ba kailangan mong tulong?" tanong ko.


"... Mga simpleng bagay... ako ang naka-assign sa gawaing bahay ngayon. Yun nga lang... alam mo naman." sabi niya sabay angat ng kanynag kaliwang braso.


"Anong gawaing bahay ba?" tanong ko.


"Pagwawalis. Pagtapon ng basura. Pagluto at pagpunas ng mga bintana." sagot niya.


"Ahh. Um, sige. kung gusto mo sa baba ka nalang muna habang naglilinis ako." paliwanag ko't agad siyang tumango sabay labas ng kwarto.


Nang makarating kami sa baba ay agad ko siyang pinahiga sa sopa't pinanood ng tv. Sunod ko namang binaba ang aking bag sa isa pang upuan at tinaggal ang aking suot na long sleeve na polo at ginamit ang mga mahaba nitong mga sleeves para itali sa aking bewang.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now