Chapter 33 - Rason ng Pagbalik

3.3K 102 2
                                    

"Now, kung totoo ngang mahal ka talaga niya, pupunta yun."


Naalala ko ang mga sinabi ni Rex sa akin nung araw na yun. Hindi ko man alam ang rason ng kanyang pagbalik, kailangan ko itong malaman.


Hindi ko alam kung pinaglalaruan lamang ba ako ni Zein o ano, pero kailangan ko lang talaga ito malaman para hindi na ako maguluhan sa nararamdaman ko para sa kanya.


Sinalubong ako ni Rylie na nagsasabing aalis na raw siya ulit, "Sige. Mag-iingat ka." sabi ko naman.


"Um- bago yun, Dylan." bigkas niya habang nagpupunas ako ng plato.


"Hm?" tanong ko naman.


"Um..." tumango siya't ipinagpatuloy ng may ngiti, "Ingatan mo si insan ah." wika niya.


Ngumiti naman ako't sinabi, "Sige." ang aking sagot.


Pagbalik ko sa kwarto ni Zein ay nakita ko nanamang tulog siya sa kanyang kama. Bumuntong-hininga ako't ipinatong ang malamig na tuwalya sa kanyang noo't sinabi, "Pagaling ka na nga..." komento ko.


Nang marinig ko ang mga pagbuhos ng ulan ay nakita ko na wala talagang tao sa labas at ilang mga sasakyan lamang.


Bumuntong-hininga ako't patuloy na inalagaan na lamang si Zein...


Sumunod na araw...


Humina na ang ulan at tuloy na rin ang pasok ngunit dahil sa baha ay marami rin ang nag-absent sa araw na ito.


Pagdating ko sa student council lahat ay nakatingin sa akin, "... W-what?" tanong ko.


"So... ginawa niyo na?" tanong niya.


Bumuntong-hininga ako't nagpaliwanag na, "He has a fever. I don't know why, but no. We did not." sagot ko naman.


Bumuntong-hininga si Yanna't sinabi, "Sayang naman, nasayang pa tuloy yung pagpapakitang gilas ko sa inyo." paliwang ni Yanna.


"He told me." sabi ko naman.


"Okay, well... tara. Pag-usapan na natin yung Skull Campus." sabi ni Tiana't nagsimula na ang aming meeting. "So... paano ba natin aasikasuhin yung Trick or Treat Race?" tanong ni Lenz.


"There are-" bago pa kami makapagsimula ng meeting ay na-interrupt kami ng assistant principal.


"Excuse me." sabi ng assistant principal.


"Yes, sir?" tanong namin.


"A letter... for you, Mr. Tuazon." sabi niya't ibinigay sa aking ang isang letra.


Nang matanggap ko ito ay umalis kaagad ang assistant principal at itinago nalang muna ito sa aking bag.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon