Chapter 44 - Hot Seat

3K 87 2
                                    

"... Mahal kita." Isang bigkas na narinig ko mula kay Zein ng matapos ang halik.


Sunod na bumuhos ang mga luha ko ng marinig ko ito.


"... Ako rin... Zein, mahal din kita..." bigkas ko.


Pagkatapos...


Nakahiga kami sa kanyang kama hubo't hubad at walang suot kundi ang manipis na kumot na nasa ibabaw naming dalawa.


Nakaharap kami sa isa't isa, "... Sa sobrang katangahan ko. Siguro nga kinailangan ko lang talaga ng panahon." paliwanag niya.


"... Oh diba? Sabi sa'yo maghihintay ako eh." ngiti kong sabi sa kanya.


"Salamat... hindi mo 'ko sinukuan." sabi niya naman.


"Salamat din." sabi ko.


"Ha? Bakit naman?" tanong niya.


"Sa pagtanggap sa akin." nang ibinigkas ko ito ay lumingon muli ako para sa isa pang halik.


Ilang saglit pa ay agad niyang tinanong, "... So... paano natin 'to sasabihin sa mga kaibigan ko?"


"Hayaan nalang natin. At tsaka sigurado ako ang una nilang pupuntahan matapos nilang malaman agad sa'yo." sabi ko naman.


"Sino pa ba dapat puntahan?" tanong niya.


"Sasabihin ko rin 'to sa Student Council." sabi ko naman at tumawa ng kaonti.


"Sure agad hot seat ang abot natin." sabi niya naman.


Sumunod na araw...


"WEEEEHH!?" Isang sigaw mula sa student council ng nagpakita kami sa kanila ng magkahawak ang aming kamay.


"Oo nga." sabi naman ni Zein.


"So- so... kayo na!? Or... nanliligaw?" tanong ni Yanna.


"Nanliligaw syempre. Pero parang ilang linggo rin sasagutin ako nito eh." sabi ni Zein sa akin sabay halik sa aking ulo.


Nakita kong kinikilig na kaagad si Yanna't Tiana habang si Lenz ay tumawa.


"Well... better make this private. No scandals are beneficial at this time." komento ni Tiana.


"Figures. So? Nasabi mo na ba sa mga kaibigan niyo?" tanong ni Lenz.


"M-mamaya pa." sabi namin.


"... Ooh. Okie, well sure hot seat sa inyong dalawa yan. Maghanda nalang kayo." sabi ni Tiana.


Salamat naman at naintindihan na nilang tatlo ang meron sa amin.


(Zein's POV)


"WEEH!? TALAGA?!" Mga tanong na narinig ko mula sa aking mga kaibigan ko sa aking harapan.


"Okay, we've got... 15 minutes before the next class start. Guys, hot seat!" sabi ni Yca at agad nila akong pinalibutan gamit ang mga upuan.


"Who has questions?" tanong na dagdag ni Yca.


"Ako." bigkas ni Rick. "T-teka gagawin talaga natin 'to-?" agad akong pinatahimik ni Nyro, "Shh!"


"Is your relationship legal? To your parents, I mean." sabi niya.


"Um- hindi pa namin sinasabi... though, I already plan to. Uuwi sila dito sa pasko and I plant to tell them." sabi ko naman na pasagot.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now