Chapter 54 - Bulaklak

2.3K 78 1
                                    

(Zein's POV)


"Dylan!" sigaw ko ng nakita ko siya na nasa malayo pa.


Ilang saglit ay nakita ko siya na umupo sa isang gazebo, mag-isa.


"Dylan." bigkas ko ng naka-abot na ako sa kanya.


"Hm?" At lumingon siya sa akin na may mga nanlalaki na mga mata, at may kaonting luha. Napa-utal ako sa mga dapat kong sasabihin hanggang sa bumuntong-hininga ako't tinabihan siya.


"Kung gusto mo umiyak... nandi-" bago pa ako makapagpatuloy ay agad akong nakatanggap ng yakap, ngunit walang mga luha na lumalabas, "... Sorry... nasama pa kita sa gulo na ito." bigkas niya sa ilalim ng nakatakip niyang boses dahil sa aking dibdib.


"... Ako nga dapat mag-sorry. Kung hindi namin ginawa ni Nyro yun eh hindi ako magkakapunishment... pero tingnan mo ngayon, because of that... nakilala kita ng maayos." tugon ko.


Ilang minuto kami sa ganitong posisyon habang yinayakap ko rin siya pabalik, hindi halata pero may ilang luha akong nararamdaman, ngunit kaonti lamang.


"Tutulungan kita... promise, ipaglalaban kita." sabi ko naman at ilang saglit lang ay umupo na siya ng maayos habang hawak ang aking kamay, "No... laban ko 'to. Ayokong masama pa kita sa gulo katulad ng dati." sabi niya.


"Dylan. Mahal kita, sana malaman mo na kahit na anong mangyari, nandito ako." sabi ko naman sabay tingin sa kanya ng deretso sa mata ng nagtagpo ito.


"... Salamat." bigkas niya.


Binilhan ko siya ng pagkain since nag-ring na rin naman na ang bell para sa break. Pagbalik ko ay nagtetext si Dylan, "Nag-aalala sila... pati yung student council. Nagsisimula na raw magkalat si Denise." sabi sa akin ni Dylan.


"Pabayaan mo siya, ang kailangan natin ngayon ay ebidensya hindi katulong. Kahit ilan ang alagad niya, isang ebidensya lang kaya siyang patumbahin." bigkas ko.


"... Eh sino naman ang nai-isip mo na pwede natin na kakampi?" tanong ko.


"I think I might be of help." bigkas ng isang babaeng tono.


"Rylie?" tugon ko.


"Well- I might be of some help but I know someone who has the evidence you need." sabi niya.


"Wait- so narinig mo lahat ng sinasabi namin?" tanong ko.


"Nope. Yung sa office lang. Call it 'nagkataong nandun ako'." bigkas niya't nagbigay kindat.


"Anyway, I've brought a friend, well- most likely sure kilala mo siya, she had some interesting history with Denise." sabi ni Rylie at nagpakita sa amin ang isang babae, pamilyar din ang kanyang mukha.


"Rosalia!" tugon ko ng silang dalawa ay nagpunta sa loob ng gazebo.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now