Chapter 4 - Kwento ng Nakaraan

6.6K 211 5
                                    

Ilang mga saglit ang lumipas at pagbalik ko ay kalalabas lamang nila Bryana at Gelo mula sa aking kwarto sabay sabi ng, "Kuya, paliguan niyo na siya, baka magkasakit siya." sabi nila. "Sige sige, salamat." sabi ko't bumaba na silang dalawa. Pagpasok ko ay ganun pa rin ang posisyon ni Zein sa upuan. "Tayo ka na, paliliguan na kita." sabi ko't tumayo nga siya.


Hindi ko naman aakalain na hindi siya tumanggi sa gagawin ko ngayon. Nagtungo kami sa banyo at hinubad niya ang kanyang pantalon, sapatos at medyas, iwan ang boxers na suot niya. Pinaupo ko siya sa upuan at tsaka pinakaramdaman ang mainit na tubig, tama lang naman ang init nito kaya, "Medyo mainit 'to ah." paalala ko't kinuha ang tabo na may laman na mainit na tubig at binuhos ito sa kanya.


Inulit ko itong gawin at binigay sa kanya ang sabon tsaka niya sinabon ang kanyang katawan ng mabagal, halatang nanlalata pa siya dahil sa nangyari. "Ako na nga." sabi ko't kinuha mula sa kanya ang sabon at ipinahid ito sa kanyang katawan, sa likod, sa bawat kamay pati sa kanyang harapan, hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang katawan since nga na pinaliliguan ko siya.


"..." Napa-urong ako ng mahina't sinabi, "Oh, ikaw na sa baba mo." sabi ko't kinuha niya ang sabon at tsaka siya nagpunas ng kanyang katawan sa kanyang paa at iba pang mga parte ng kanyang katawan.


Pagkatapos ay binuhusan ko na siya habang binabanlawan niya ang kanyang sarili. Ilang saglit lamang ay shinampoo ko naman ang buhok. Ngayon lamang ako nakahawak ng buhok na pure blonde ang kulay at sadyang malambot siya, madali itong maayusan.


Mga minuto ang lumipas at iniwan ko muna siya sa banyo para makapaghubad ng maayos. Paglabas niya ay nakatapiyas lamang si Zein at habang ako naman ay nag-aayos ng kanyang maisusuot. 


"Ito oh... iinitin ko nalang muna yung pagkain sa baba." sabi ko't ibinigay ang set ng mga damit sa kanya at tsaka bumaba dala ang paper bag ng McDo na aking binili kanina lamang. Pagbaba ko, "Oh, 'nak, musta na yung alaga mo?" tanong ni Mama Rose, "Ayun, nagbibihis- teka, 'di ko yun alaga." sabat ko at inilagay ang mga pagkain sa oven toaster at ilang mga minuto lamang ay umakyat na ako ulit sa aking kwarto at nakita si Zein na nakabihis na't naka-upo lamang sa kama.


Kinuha ko ang towel at sinabit ito sa aking upuan bago ako bumalik sa kanya't ibinigay ang burger, "Oh, kain ka muna. Ito tubig." sabi ko sabay lagay ng tray na may dalawang baso sa malapit na bed table.


Tahimik kaming kumakain hanggang sa, "... So... how did you meet her again?" tanong niya sa akin, siguro ang tinutukoy niya si Mama Rose. "It was in Grade 4... I was bullied so badly nag-cut classes ako, tapos pag-uwi ko naman, nag-aaway pa rin mga magulang ko... I grew tired and... well- I left home without a word. Nakita ko si Mama Rose na may dala-dalang sako ng bigas kaya tinulungan ko siya. She was on her way home from a miss gay contest." kwento ko.


====Flashback=== (Dylan's POV)


Mga luha ang pumapatak mula sa aking mga mata ng naka-upo ako sa tabi ng kalsada. "... Aray- aray... hu nako... ang bigat..." isang bulong na komento ang aking narinig. "...?" Paglingon ko sa aking kaliwa ay nakita ko ang isang... babae (?), na may dalang sako ng bigas. Tumayo ako't sabay punas ng aking luha.


Pumunta ako sa kanya't sinabi, "Tulungan ko na po kayo." at kinuha ko ang kabilang dulo ng sako ng bigas at sinimulang buhatin ito. "Ay naku, maraming salamat, iho." sabi niya, tapos tsaka ko nahalata na lalake pala siya. "Bakit nandito ka pa ng gabi?" tanong niya. "Ah-... long story po eh. Ako po si Dylan." pagpapakilala ko.


Tumigil siya sa pagbubuhat at binaba ang sako at nag-pose, "Ako ang diyosa ng inyong kalsada, sadyang isang sulyap biglang makikilala! Munting kagandahan tanging taglay ko, isang titig ko lamang, isang pana ni kupido'y tatama sa'yo~! My name is Roseta Kalderno!" gumawa siya ng intro na pang-contest talaga.


Napangiti ako't natawa pati namangha sa kanyang mga linya, napaka-malikhain ng paggawa't pati na rin ang pagbigkas niya. "Nanalo po kayo kanina?" tanong ko. "Ay hindi nga eh, Top 5 lang, pero at least matagalan na rin 'tong kanin na'to." sagot niya. "Wow, ang galing niyo naman po pala na nakapasok kayo sa Top 5. Nagcocontest po kayo palagi?" tanong ko. "Oo naman. Marami akong mga korona sa bahay namin, papakita ko sa'yo pagdating natin dun, ilang bloke nalang din naman."  paliwanag niya.


Pagdating namin sa isang bahay ay may pagkalakihan naman ito at okay naman talaga ang itsura ng kinalalabasan, "Gelo! Bryana!" tawag niya. Lumabas ang dalawang bata at binati siya. Pagpasok namin sa loob ay tsaka ako nagkwento, "Ano po kasi, biktima po ako ng bullying at... pati na rin po sa bahay ay yung mga magulang ko and... naglayas po ako. Dala ko na nga po lahat ng gamit ko dito eh." sabi ko sabay sa pagpapakita ng aking bag.


"Ah... ako naman kasi yung parents ko. Iniwan ako for being gay and... gusto ko sana alagaan yung kapatid ko pero... apparently, ayaw ng parents ko at... yumao siya, ayaw nga nila akong isama sa funeral ng kapatid ko eh kaya secret na lamang ang pagpunta ko. Then... nagsimula akong tumira dito kasama yung pinsan ko't alagaan itong mga 'to, si Gelo at si Bryana habang nag-OFW ang kanilang nanay, yung ate ko kasama niya rin yung tatay nila." kwento niya naman.


"Ah, ganun po ba? Sorry po ah, nakaka-abala pa tuloy ako." sabi ko. "Naku, iho, alam mo, obligasyon ko ang tulungan ang mga taong nangangailangan, kapag kailangan mo ng matutuluyan, tutulong ako for sure." sabi niya. "Bakit po...?" tanong ko muli. "Kasi tinulungan mo na rin naman akong buhatin itong sako ng kanin." paliwanag niya.


Napangiti naman ako't sinabi, "Nako, maraming salamat po talaga!" sagot ko. "Walang anuman, iho." sabi niya naman ng may ngiti.


"Apparently, I explained to her and she took me in. She supported and... binuhay niya ako." dagdag ko. "Ikaw ba?" tanong ko. "Much appreciated kapag nagkwento ka talaga... kaysa sa... tahimik lang tayo." bigkas ko.


Bumuntong-hininga siya, "Sure. My mom is an American and when she was on her vacation here she met my dad and apparently, they dated and got married so early, pero napaka-compatible nila, sobra. Hindi sila nag-aaway and parehas sila ng pinagdedesisyonan." kwento niya.


"When they got married and had me, mom went back to America to work for me. Tapos after some time when I learned how to take care of myself, he went to America too - para makapagtrabaho para sa kolehiyo ko while I live with my cousins on his side of the family." dagdag niya.


===Flashback=== (Zein's POV)


"... I'm gonna leave, okay? I already told you the reason so... be good to your cousins ah?" tanong ni dad sa akin habang nasa airport kami. "... Kailangan mo ba talaga, dad?" tanong ko. "I need to, it's for you rin naman eh. And promise, sa mga birthdays, Christmas, New Years, at promise, sa graduation mo rin." pangako ni dad.


Napangiti naman ako kahit kaonti't sinabi, "Okay... I understand... balik kayo dad ah." sabi ko. At isang huling halik sa noo ang aking natanggap bago umalis ang aking tatay at nawala na sa aking paningin...


Dun ko naramdaman yung sakit na maiwan ka ng mga magulang mo kahit alam mong para sa ikabubuti mo yun, pero ang kanilang pisikal na piling ay sadyang magkaiba kaysa sa ganito...


please vote and comment!!~

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now