Chapter 25 - Sigaw ng Puso

3.8K 128 7
                                    

Nagising na lamang ako ng nakatali ang aking mga paa't kamay sa isang upuan sa gitna ng isang madilim na kwarto, sadyang ilaw lamang ng gabi ang nagliliwanag sa paligid, "... Maligayang paggising, kagalang-galang na presidente." bigkas ni Rex ng makita ko ang nakangiti niyang mukha.


"Welcome. Wag ka mag-alala, hindi naman tayo gaanong kalayuan. Meron lang naman akong ilang mga alagad na tumulong para dalhin ka rito sa apartment na ito. Syempre kung ganun wala na rin namang tao na nakatira na rito." paliwanag niya.


Nakatakip ang aking bibig gamit ang isang panyo na naghihinggil sa akin sa pagbibigkas ng aking mga salita, ang kaya ko lamang ay ang bigyan siya ng masamang tingin.


"Don't give me that look, Gerald." bigkas niya ng aking ikalawang pangalan.


"Gerald... 'yang pangalan na yan... I know you still remember the time when I used to call you that. Sobrang nagmamaka-awa ka talaga nun. Grabe, ang sarap pakinggan ng boses mo. Pero... para bang gusto kong ulit-ulitin yun ngayon since may pagkakataon na ako." bigkas niya't unti unting lumapit sa akin.


Naramaman ko naman ang pagsabunot niya sa aking buhok muli at itinapat ang isang kutsilyo sa aking mukha at ramdam ko ang tulis nito na dumadapo sa aking balat, "... I used to love this thing." bigkas niya't nakaramdam ako ng maliit na sakit ng magbigay siya ng isang sugat sa aking pisngi.


Dugo ay dumapo sa aking pisngi't ngumiti siya.


Umalis siya sa aking paningin at sinabi, "Now let's wait." bigkas niya.


"Kay Zein." banggit niya.


Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan niya, "I wasn't born yesterday to not know he won't follow my deal, and so did I. Alam kong nandirito pa rin siya. Naghahanda. Tangkain niya lang kumuha ng pulis at sisiguraduhin kong ang huli niyang makikita ay ang mukha mong nasasaktan." bigkas niya.


"Now, kung totoo ngang mahal ka talaga niya, pupunta yun." banggit niya.


(Rylie's POV)


Pagdating namin sa bahay nina Mama Rose pinapasok kami kaagad.


Nanlaki ang aming mga mata ng makita naming may naka-upo sa mesa, "... Insan Zein!" sigaw ko sabay yakap sa kanya.


"Akala ko aalis ka na..." agad kong sabi't ilang luha ang lumabas mula sa aking mga mata.


"... I never would've left." bigkas niya.


"S-si... si Dylan?" tanong ko.


"Tumawag siya kanina kaso... si Rex ang sumagot. Mukhang nahuli niya akong hindi sumakay ng eroplano. Nagpaliwanag na siya kanina... ang sabi niya kung gusto raw nating makuha si Dylan. Kailangan ko siyang harapin, ako lang." sabi niya naman.


"H-ha!? Si Rex!?" tanong kong gulat.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now