Chapter 57 - Square Two

2.2K 80 4
                                    

"You guys ready?" tanong ni Rosa habang lahat kami ay nakabihis na.


Suot ko ang waiter uniform ng staff. Ang apron sa lower body na black, at black na vest tsaka white long-sleeves pero naka fold tungo sa aking siko. "Yung suot mo nasa head ng staff, kunin mo nalang sa kanya." sabi ni Rosa at tumango ako.


Si Rylie ay may orange na short dress hanggang tuhod niya at naka-updo ang kanyang buhok habang si Rosa naman ay may black and red na dress. Si Zein naka-silver suit at black tie. Si Kyle ay simpleng suit at tucked in long-sleeve.


"Tara. Baka ma-late pa tayo." sabi ni Kyle at nagtungo na kami sa kotse.


"Alin ba yung venue?" tanong ko.


"20 minutes away. Ito oh." bigkas ni Rylie sabay labas ng phone at binigay kay Kyle na nag-d-drive habang si Rylie ay nasa passenger's seat.


Kaming 3 ay nasa likod.


"So overview and brief lang muna. Pagpasok ni Zein kailangan kaagad naka'y Dylan na ang invitation, pero nasa inyo na kung paano mo ibibigay sa kanya, I suppose wala namang makakakilala sa'yo sa dahil sa ayos mo. Give the invitation through Kyle at ibibigay niya na sa akin. When the party is nearing its end, that's when I'll make the move." sabi ni Rosa.


"Great. But first, mukhang matagal ang bantay sa kotse so mag-hihintay. Pa-gas muna tayo." komento ni Kyle.


"Right. Besides the fact that we are already 10 minutes late." komento ni Rylie.


Nang makarating kami sa venue...


"Okay, Dylan go. Una ka na, daan ka sa likod and after a minute papasok na sila Rylie. Ang pangalan nung nag-ma-manage ay si sir Ivan, at yung suot mo tanungin mo nalang." utos ni Rosa at bumaba na ako sa kotse't nagtungo sa likod ng venue. Maraming waiters at ilang mga staff ang nandoon.


Pumunta ako sa isang waiter at sinabi, "Um, excuse me. Do you know where sir Ivan is?" tanong ko.


"Ah, nasa buffet section po, sir." sabi niya't tumango ako't nagpasalamat.


Nagtungo na ako sa buffet section at halata dahil siya lang ang naiibang suot sa staff ay sinabi ko, "Hi po. Ako po yung friend ni Rosa." sabi ko.


"Ah, yes, your so called 'surprise' sige. Simple lang gagawin mo before your change of outfit. Just serve the people water. Inspect mo yung mga walang laman na baso, water service is important." sabi ni sir Ivan at tumango ako.


"Okay, you should go ahead and serve drinks." sabi ni sir Ivan.


Kumuha na ako nung pitsel at nagsimulang magbigay ng mga tubig sa mga tao na halos ubos na yung kanilang baso.


Mukhang hindi pa nagsisimula ang party, marami pang vacant na seats.


Pero ilang saglit lamang ay nakita kong pumasok na sina Zein at Rylie, agad ko siyang minataan at nakatanggap ako ng ngiti mula sa kanya ng magtagpo ang aming mga mata.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now