Chapter 21 - Bagong Iba

4K 144 10
                                    

"Oh diba? Sabi sa'yo eh." sabi ni Tiana.

"Ano nanaman meron?" tanong ni Lenz.

"Nag-aalala na nga si Zein kay Dylan, kaya ayun, sulya-sulyap lang naman kami." bigkas ni Tiana tapos tumingin sa akin para sabihin, "Wag ka mag-alala, hanggang sulyap lang talaga kami, babantayan ka rin namin."

Bumuntong hininga ako't sinabi, "Mukhang maglalaro lang ata kayo eh." sabi ko naman sa kanila.

"Part 2 na yun syempre, well- at least habang nagbabantay kami." sabi ni Yanna.

"Sabi ng taong hindi gumagala." komento ko.

"Eeh, nagpaalam naman na ako ah." sabi ni Yanna.

"Oo na, oo na..." at bumuntong hininga muli ako, "Good luck!" sabi ni Lenz. "Ingat ka." sabi naman ni Zein.

Pagdating ko kay Sam meron kaagad siyang binili na cotton candy, at meron pang hotdog, tapos shake, at ibang pagkain na rin. Napangiti naman ako ng kaonti't sinabi, "Grabe ka." komento ko.

"Gutom ako eh." sagot niya.

"Pero ang daya... hindi ka tumataba." sabi ko.

"Ganun talaga, nasa dugo na namin yun." sagot niya muli sa aking sinabi. "Pahingi naman ako." sabi ko. "Edi bumili ka." sabi niya sabay ngiti. Napangiti na rin naman na ako at umupo sa kanyang tabi.

Ganito si Sam, hindi talaga siya nahihiyang magpakatotoo, isang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya, talagang masiyahin siya.

Ilang saglit lamang ay habang siya'y kumakain ay tumawag siya ng isang pangalan, "Rafael!" at may lumingon sabay lapit ng dalawang lalake sa kanya. 

"Uy, Sam." sabi ng lalake. 

"Kaklase mo?" tanong ng lalake. "Oo. Dati." sabi niya sabay tawa ng kaonti.

"Sino kasama mo?" tanong niya. 

"Ah, ito- si Jaden." sabi niya ng binigyan nitong si Jaden si Rafael ng masamang tingin, "Tara na... hahaba na yung pila..." sabi ni Jaden. 

"Oo na... teka." at tumawa ng kaonti si Rafael, at mukhang nagtatampo si Jaden.

Natawa naman ng kaonti si Sam at sinabi, "Ayun oh. Sweet naman." sabi niya. 

"Oh eh, ano, una na kami, at eh baka nga humaba pa yung pila dun sa gusto niyang puntahan." sabi ni Rafael at nagpaalam na.

"Kaklase ko si Rafael ngayon. At eh, tingnan mo naman, may jowa na." sabi ni Sam.

"Magaling kumanta yun, si Rafael. Naku po, may channel na nga siya sa YouTube eh." sabi naman ni Sam.

"Mukhang close talaga kayo." komento ko. 

"Oo naman, lakas namin mag-jamming kasama mga kaibigan namin." sabi niya.

"Tara, mag-rides na rin tayo." sabi ni Sam. 

"Eh ka-ka-kain mo lang eh." sabi ko naman. "Okay lang yun, tara na!" sabi niya sabay hila sa akin papunta sa isa sa mga rides.

(Zein's POV)

Nang makita ko na umalis na ang dalawang lalake ay namukhaan ko kaagad ang Rafael, nakita ko na siya sa isang YouTube video na ipinakita sa akin ni Denise. Ewan ko lang kung ano ang una kong impression dun kay Jaden.

"Tara guys. Ride rin tayo dun." sabi ko.

"HA!? A-ayoko nga." sabi ni Lenz. "Teka... nahihilo ka sa rides no?" tanong ko.

"H-hindi ah..." sabi ni Lenz naman. 

"Tara guys. Hilahin natin si Lenz." sabi ko.

"On it!" sabi ni Tiana sabay hila kay Lenz papunta sa Space Shuttle Max.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now