Chapter 6 - Makeover

6.8K 206 8
                                    

Isang araw ang lumipas...

After school hours, medyo tinatamad pa akong umuwi kaya sa ngayon nakatambay lamang ako sa student council room, nag-b-browse ng aking feed. "..." At habang ginagawa ko ito ng nakaupo ay nakita ko ang isang notif sa aking instagram at nakita ko ang isang picture ni Sam...

Agad kong nakita ang aking nakaraan, ex ko si Sam, pero nagbreak kami dahil sa 'di kaaya ayang pagkakaintindihan. Ako yung nagkamali, at sadyang nasaktan ko siya kaya iniwan niya ako.

"Hm? Sino naman yan?" isang tanong na naghudyat ng aking gulat. Napalingon agad ako't nakita si Zein. Nga pala, madalas din siyang tumatambay dito dahil sa akin, hindi ko naman akalain na magiging magkaibigan kami. "Pano ka nakapasok?" tanong ko. "Ah nakasalubong ko si Lenz kanina sabi nandito ka raw kaya... nandito ko." paliwanag niya.

"Bakit? Ano ba kailangan mo?" tanong ko. "Sa ngayon gusto ko lang naman ng may tumulong sa akin umubos nito, at tsaka... isang kwento." sabi niya ng umupo siya sa aking harapan. "So sino yung babae?" tanong niya.

Napabuntong-hininga ako't sinabi, "Wala. Ano ba 'tong dala mo?" tanong ko.

"Takoyaki, sampu kasi pinabili nila Tyn pero kailangan niya na raw umuwi agad kaya... binigay nalang sa akin." paliwanag naman niya, "So sino nga?" tanong niya muli.

"Si Sam... ex ko." sagot ko naman at nagsimula na kaming kumain ng takoyaki.

Tumango siya ng mabagal at sinabi, "Ahh. Nasan na siya ngayon?" tanong naman niya. "Base sa picture na 'to eh... nagbabalik siya dito sa atin." sagot ko. "Bakit? Umalis ba siya dati?" tanong niya naman. "Oo. Actually what happened is lilipat daw siya ng school, but we were together then. I forced her to not leave me and... eventually hurt her- b-but hindi physical ah!" pagdeklara ko kaagad.

"... And at that instant, we broke up. We didn't have any closure, but hindi na rin naman ako umaasang magkakabalikan kaming dalawa." sabi ko.

"... Hey, are you free this Saturday?" tanong niya.

"... Hm? W-wala naman siguro akong kailangang gawin na assignment kaya... libre naman ako, bakit?" tanong ko pagkatapos sumagot. "Samahan mo'ko sa mall. May gagawin tayo." sabi niya. "Ha? Ano gagawin natin?" tanong ko.

"I just... need help with some stuff. It's for a project." pagpapaliwanag niya. "Fine. Anong oras ba?" tanong ko. "Saturday, 9:45 am. Mall, deretso tayo dun magkita at the fountain ground floor." sabi niya. "S-sure..." pagsang-ayon ko naman.

Dumating ang sabado...

Nakarating ako ng halos 9:50 sa tagpuan namin ni Zein. Nagsuot ako ng puti na polo-shirt, sapatos, at pantalon, simple lang. Nakita ko siyang naka-jacket na red at shirt na black na suot, tsaka sapatos. Nakita kong may ilang nagtitinginan sa kanya. "Tara?" tanong niya ng makita niya ako.

"Pasensya na, medyo natraffic lang." sabi ko. "Okay lang. Tara." sabi niya't sumunod na ako sa kanya. Napunta kami sa department store, puro damit ng lalake ang nandirito, "...? Bibili ka ng costume?" tanong ko.

"Well actually, I already have a plan on that. Actually, I want to help." bigkas niya. "Ha? Saan?" tanong ko naman. "Sa'yo, tungkol sa inyo ni Sam. I did some research on her and I already set the date of you meeting her." sabi niya bigla. "Ha!? ANO!?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Look, if my relationship's over because of my foolish acts, I ain't giving up on yours. Maybe that's how and why you scolded me. We were never really compatible, I realized that pero... I think you and Sam really are meant to be together, kailangan niyo lang ngayon is makipagbalikan." sabi ni Zein.

Bumuntong-hininga ako ng matagal at nag-isip. "Ba naman 'tong mga ginagawa mo..." komento ko. "Hey, I'm the campus crush, and that doesn't mean there's no room for helping someone out of each others' league." pagrarason niya.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now