Chapter 17 - Aedan's Feast: The King and Queen

3.7K 127 4
                                    

"This year's King and Queen of St. Aedan High is..."

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

"5! Kyle Andrew Angelo! and 13! Rylie Geraldine Fong!" sigaw ni Mark. Hiyaw, sigaw, at palakpak ang aming narinig mula sa audience, ubod ng tuwa at ingay ang bumalot sa dome. "Congratulations, to our new King & Queen! Take your first walk together as St. Aedan High's King and Queen." bigkas ni Mark matapos makakuha ng bulaklak si Rylie at suotan ng crown ni Gina. Si Kyle naman ay nilagyan ng sash at crown ni Rex.


Sunod silang nag-walk ng sabay at holding hands pa, malamang mag-jowa yung dalawa eh.


Nakita ko si Zein na nakangiti sa gilid kasama yung ibang mga contestants. Matapos ang pageant ay nagpunta na kaming lahat sa field muli para sa Advent Party. Habang sila ay nandoroon ay nag-aayos kami ng dome at ilang saglit pa ay nagunta na ang buong student council sa building namin, habang ako ay na-iwan para mag-facilitate ng Advent Party.


Lumapit sa akin si Zein pagpunta ko sa Advent Party. "Uy, buti nakarating ka. Mamaya may bibigay ako sa'yo. Ano, um, teka lang ah. Aasikasuhin ko lang si Rylie, nasakanya yung phone ko eh." sabi niya at umalis bigla. Naghintay naman ako sa ilalim ng puno.


Tinext ko si Zein na nagsasabi kung nasaan ako.


Habang naghihintay ay biglang lumapit sa akin si Rex na naka-suit and tie na kaagad. "Hi." sabi niya. "Ano kailangan mo?" tanong ko. "Wala lang naman... gusto lang kita makausap ng saglit... okay lang ba?" tanong ko.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Hay nako, bilisan mo lang." sabi niya at itinungo niya kaming dalawa sa isang madilim na parte malapit sa field, walang tao. Nang nandun na kami ay sumandal ako sa pader. "Ano ba talaga kailangan mo?" tanong ko. 


"Ganun nalang ba? Kausapin mo naman ako ng maayos kahit ngayon lang..." sabi niya. "Sa lahat ng ginawa mo sa akin sa tingin mo ganun kadaling patawarin ka? Humingi ako ng tulong sa'yo, Rex. Tapos ganun ang kapalit!?" tanong ko.


"Oh bakit...? At least nga hindi yun yung dahilan ng pag-break niyo ni Sam diba?" tanong niya't tsaka ako sasabog ng galit. Lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng kamao ko pero agad niyang kinuha ang aking kamay at itinulak ako pasandal sa pader at tiningnan ng deretso.


"Oh teka- wag ka muna magalit... gusto mo ba ulitin ko yung mga pinag-gagagawa ko sa'yo para maalala mo? Ganito yun oh." sabi niya ng bigla niya akong itinalikod at kinuha ang isa ko pang kamay at hinawakan ito gamit ang isang kamay niya lamang.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now