Chapter 12 - Aedan's Feast: Top 10 Pairs

4.3K 146 4
                                    

Nagpunta na kila Emily at Kyle at nag-duet sila ng "You Belong With Me" ni Taylor Swift. Si Kyle ang nag-gigitara sabay kanta at si Emily ang kumakanta. Pero ang hindi namin inexpect ay may banda silang isinama sa kanilang performance, at may sayaw pa! Isang hindi inaakalang pasabog ang kanilang ibinigay.


Lastly, huling nagperform sina Zein at Rylie. Nang tumuntong sila sa stage, nandun din ang SquadRain bilang backup dancers nila. At nagsimula na ang kanilang sayaw.



Hindi ko alam kung bakit napangiti ako pero siguro dahil napaka-relatable ng kanyang piniling sayawin na kanta sa sitwasyon niya ngaoyn, "Me and My Broken Heart" ng Rixton.


Steps palang, alam mo ng polished na polished at sobrang sikip ng kanilang choreography, sadyang magaling talaga magturo sina Red. Factors palang ng pagsayaw alam na alam ko na... sumasayaw kasi ako dati, kahit tumigil ako matapos ng isang insidente na sobrang nakakahiya... hay nako, ayoko ng maalala pa yun.


Nakaka-trauma...


Nag-pokus na lamang ako sa kanilang sayaw at nang matapos sila, aba! May standing ovation pa mula sa judges! Oo nga pala, ang judges ay ang principal, administrator ng school, ang mayor nandito rin, isang famous na blogger, at marami pa. Sampu silang mga judges.


Pagakatapos ng talent portion ay may break ulit para sila'y makapagpahinga at makapagsuot na ng damit para sa pag-announce ng top 10 pairs of kings and queens!


Ilang mga minuto ang lumipas...


Nagtungo si Mark sa stage, "Welcome back to St. Aedan High: The Advent of the King and Queen. Again, we are live on Facebook and YouTube, tweet now with the hashtag #KingAndQueenAdvent with the names of whom you want to win!" sabi ni Mark.


"First, okay. Let's read some tweets. From... KingBae14 #KingAndQueenAdvent I love you, Emily! Fight ng fight! ... ayun eh, ginalingan din ni boyfriend eh." tukso ni Mark at mga patuksong kilig ang bumuo sa atmospera ng dome. "This one from... QueenTiana... oh, from our very own student council vice president. #KingAndQueenAdvent Dapat talaga sumali si #StudentCouncilPresident eh!" at puro tawanan ang aming narinig at hiyaw rin.


Tumingin ako kay Tiana na kanina pang nakatingin sa akin ng naka-peace sign. Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Ikaw talaga..." sabi ko at bigla kong narinig. "Well, why don't we try? I'd like to ask the presence of the Student Council President here on stage!" sabi ni Mark. Ba naman...


(A/N: Dali na kasi, bes! Wag na maarte pa, spotlight na diiizzz!)


Pumunta ako sa stage, talagang off-outfit ako. Nakasuot ako ng puti na polo na may black v-neck undershirt at maong na dark blue at syempre sapatos. "Wow, our president today is looking stylish." sabi ni Mark.


"Thanks." sabi ko naman. "So, Dylan. What's your opinion on people's cautiousness on global warming?" tanong niya kaagad. "First of all, I wasn't informed that I was part of the question and answer portion. And second is that my opinion on people's awareness is that it isn't enough. Sure we have seen some videos that people are trying to influence and make the world a better place, but that isn't enough the bring the whole world to a utopia, we must act now to create that utopia for the future generations." sabi ko naman at biglang hiyawan ang lahat ng mga tao.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now