Chapter 48 - Going Out

2.6K 93 1
                                    

Huwebes...


Isang araw bago ako lumabas kasama si Zein.


Ubod ng tahimik ang bahay, si Mama Rose madalang lang magsalita, kakamustahin lamang ang pasok nila Gelo at Bryana pati rin kapag uutos siya.


Matapos ang hapunan, habang naghuhugas ako ng mga plato't nagpupunas ng lamesa si Mama Rose ay, "Mama Rose... wala bang tumawag sa inyo? Magulang ninyo?" tanong ko.


"Iho wag na natin pag-usapan... nasabi ko na nga. Nadala lang ako sa nararamdaman ko. Hindi ko lang na-kontrol ng maayos." sabi niya.


"Pero- sure po ba kayo na... hanggang ganyan nalang?" tanong ko.


"Anong hanggang ganyan?" tanong niya.


"... Ganito nalang po ba palagi na... puro away... wala na po ba kayong pagkakataon na makipagbati...?" tanong ko muling pagpapaliwanag.


Bumuntong-hininga si Mama Rose at sinabi, "Napansin na rin yan nila Bryana't Gelo. Sinasabi na nga nila na magbati na kami nila tatay, kung yun ang makapagpapasaya sa inyo... sige, pag-iisipan ko." bigkas niya't napangiti.


"Salamat naman." komento ko.


"Ikaw ba? Kamusta na kayo ng magulang niyo?" tanong niya.


"Ayun... wala rin. At tsaka dinaan ko nalang sa dasal sa simbahan yung panalangin..." sagot ko.


"Pag-isipan mo iho ah. Nandito lang ako, tutulong ako sa'yo." sabi niya.


"Mama Rose... laki na ng utang ko sa'yo. Promise talaga kapag nanalo ako dun sa contest sure na lalabas tayong lahat nila Bryana't Gelo!" sabi ko naman.


"Speaking of contest, sabi nila sa akin you'll have rehearsals the day before. Madali lang naman daw yung gagawin niyo. Kaya yun isang hapon lang." sabi ni Mama Rose at tumango ako't sumang-ayon.


"So si Zein ba? Natulungan ka na ba niya?" tanong niya.


"Dapat nga eh. Pero oo, nanghingi na ako ng tulong. Sabi pa nga niya magcontact lense ako, pero nung first time na sinuot ko yun nung tinulungan niya ako isang beses dati... well- balik ako sa salamin pagkatapos. Pero hanggang pagbabasa lang naman kasi ang salamin ko." sagot kong paliwanag.


"Ah, naiirita yung mata mo?" tanong niya.


"Opo." sagot ko naman.


"May plans ba kayong lumabas?" tanong niya.


"Po?" tanong ko naman.


"Date, ganun. 'Di ka pa ba niya inaaya?" tanong niya muli.


"Ah- opo. Inaya niya na po ako, yun nga po sana sasabihin ko sa inyo ngayon, papaalam ako ngayong Friday, bukas." sabi ko.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now