Chapter 40 - Skull Campus: Terror's Help

2.9K 104 4
                                    

(Zein's POV)


Nasa loob na kami ng student council room ng gabing ito, buti nalang may ilan kaming binili na pagkain at meron ding portable na kama para sa aming dalawa. "Hay salamat at provided." komento niya.


"Ayaw mo ba matulog ng magkatabi?" tanong ko ng tukso.


"Wag ka nga!" reklamo niya.


"Oo na, sorry." sabi ko't tumawa ng kaonti.


Ilang saglit pa ay naghanda na kaming matulog. "Hindi ka ba nalalamigan?" tanong ko sa kanya since naka-crop top lang siya.


"Okay lang..." sabi niya pero halatang niyayakap niya ang sarili niya.


"Bakit ka ba kasi hindi nagdala ng pantulog man lang o jacket?" tanong ko.


"E-eh nakalimutan ko yung bag ko sa bahay eh..." sabi niya naman.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Edi sana sinabi mo na kanina para nakuha na natin kaagad." sabi ko naman.


"..." Natahimik siya.


"Hoy. Dylan." tawag ko.


Pero hindi siya sumasagot, "Tingnan mo nga... tapos itutulog lang din pala." sabi ko naman at tumayo. Kinuha ko ang coat mula sa aking costume at ipinatong ito sa kanya parang isang kumot.


"Goodnight..." bulong ko't bumalik na sa kama para matulog.


Kinabukasan...


Bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Dylan. Hindi pa gaanong malakas ang tirik ng araw, maaga pa ata. Pagtingin ko sa orasan ay 6 am sakto pa lamang. Tumayo na ako't ginising si Dylan.


"Hoy, Dylan. Gising." bigkas ko.


Ilang pag-alog sa kanyang balikat ay nagising na siya, "Mmnh..." dinig ko mula sa kanya ng umupo siya sa kama.


"M-morning." sabi niya.


"Gandang umaga. Magbihis ka na, bibili lang ako almusal." sabi ko't nagsuot ng jacket at tsinelas tsaka lumabas ng student council room para magtungo sa labas ng campus at bumili ng almusal naming dalawa.


Habang nasa convenience store ako, "Ah- Zein!" Bungad sa akin ni Emily.


"Oh, Emily. Nanalo ba kayo kahapon?" tanong ko.


"Hindi eh. Yung Quartet ang nanalo, masyadong magaling yung leader nila..." komento niya.


"Nag-overnight ka?" tanong niya sa aking dagdag.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now