Chapter 10 - Aedan's Feast: Zein's Inspiration

5.2K 168 2
                                    

(Zein's POV)


Thank God that the runway ended, and that's only the introduction. Bago pa ako makapunta kina Dylan at ang squad ng student council ay hinarangan ako ni Denise at ni Gab, "Hi." sabi ni Denise. "Ano kailangan mo?" tanong ko.


"Oh, nothing, really. I just wanted to say you did a great job out there. Galing mo ah." pagpuri niya.


"Same to you two as well." sabi ko naman. "Excuse me." sabi ko't dumaan sa pagitan nila. Ilang hakbang lamang ay, "Zein!" sigaw ni Denise. "This pageant will prove you na mali ang ginawa mo." deklara niya. "Fine. I don't even care if I win or not. Not much of a pageant guy anyway..." sabi ko't tuluyan ng umalis.


Nang makahabol ako kay Dylan, "Dylan!" tawag ko at ang squad ng student council ay napatingin sa akin, "Uy, Zein. Galing mo kanina ah." komento ni Lenz. "Oo nga." pagsang-ayon ni Tiana. Tumawa naman ako ng kaonti ng may ngiti, "Salamat. Pwede ko ba hiramin si Dylan ng saglit?" tanong ko.


"Oo naman, sunod ka nalang sa amin ah!" sabi ni Yanna at nanguna na sila. Nagpunta kami sa gilid sa tabi ng puno at nag-usap, "Galing mo kanina." komento niya. "Salamat." sabi ko naman, "Bakit mo nga pala 'ko kailangang hiramin?" tanong niya.


"Gusto ko sanang ayain ka pati yung student council na kumain sa labas, kasama natin mga kaibigan ko." pag-aaya ko naman. "Hmm, sige, pero... tatanungin ko pa sila. Medyo magiging busy rin kami bukas eh." sabi niya naman. "Sige, okay lang. 10 am naman ang start ng day bukas diba?" tanong ko't tumango siya.


Napangiti naman ako't sinabi, "Sige, text mo nalang ako kapag libre ka na, para makapaglibot pa tayo." sabi ko naman. "Sige. Eh... ikaw ba?" tanong ko. "Ah, mag-re-rehearse pa kami ni Rylie para sa performance namin mamaya, Sarah G. ang peg siya nung nag-practice kami eh." komento ko.


"Oh sige. Mamaya nalang, good luck sa practice mo." sabi niya. "Salamat ulit. Wag ka masyadong magpapagod ah." paalala ko ng tuluyan siyang umalis at nawala sa aking paningin ng pumasok na siya sa aming building.


"Zein." tawag sa akin ni Rylie ng lumingon ako sa likod. "Tara, practice na tayo." sabi niya. "Saan nga ba tayo magpapractice?" tanong ko. "Hmm... sa garden nalang, mahangin naman dun at tsaka tahimik din. Sure walang nagbukas ng stand dun." sabi niya at nagtungo na kami sa garden.


Wala ngang stand nor booth, parang lugar lang para mag-relax kahit alang tao rito kundi kami ni Rylie. "Yung squad papunta na raw." sabi niya habang nakatingin sa kanyang phone.


Ilang saglit lamang ay nakarating na sila, ang SquadRain, ang tawag sa dancing group na consisted lahat ay mga kaklase namin. Si Red ang leader, at sina Aly, Daryl, Guio, Kath, Rita, Yumi, at Gid.


"Okay, guys ah. Start na agad tayo. Review steps." sabi ni Red. "Aly, yung music." dagdag niya at nag-play na kaagad ang music. "Review muna tayo, game? Five, six, seven, eight!" bigkas ni Red at nagsimula na kaming sumayaw.


Nagpatuloy ang pagsayaw namin, kami ni Rylie ang nasa harapan, naka-trianggle ang aming posisyon. "Nice! Patuloy lang! Hataw!" sigaw ni Red sa amin ni Rylie. "Swag! Pakita niyo yung angas." komento niya muli.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon