Chapter 50 - Isang Araw

2.5K 79 1
                                    

(Zein's POV)


Hindi ko akalain na sa akin na si Dylan, sa tagal tagal kong tiis at pagiging tanga, nandito na siya, hawak ko ang kanyang kamay.


"Ano pa gusto mong laruin?" tanong ko.


"Hmm... a test of strength?" tanong niya.


"You mean High Striker?" tanong ko.


"R-right. Sabi ko nga. Ay wait- kagagaling mo lang sa injury..." sabi niya't itinuro ako kung nasaan ito sa loob ng amusement park sabay, "Wag ka mag-alala..." tugon kong bulong sa kanya.


Nang nakarating kami ay may ilang nakapila't nanonood din.


"Sir, kayong dalawa po?" tanong ng isang babae na may hawak na papel at ballpen.


"Opo. Magkano po?" tanong ko matapos sumagot.


Matapos ang explanation, "Ako isa lang po."sabi ni Dylan.


"Sure ka?" tanong ko.


"Just wait and see." sabi niya.


"Okay, if you say so. Sige ate, thank you." sabi ko sabay kuha ng papel.


May ilan na nanonood din mula sa mga gilid ng mga humaharang na railing at nakita ko na ang martilyo, "Sir Eskribano, 3 hits. The prizes are in accordance to your highest score." sabi ng lalake naman na nakabantay.


Tumango ako't narinig ko ang sinabi ni Dylan na, "Good luck." at lumingon ako sa kanya para magbigay ng isang kindat at binuhat ang mabigat na martilyo gamit ang dalawa kong kamay at itinaas ito papunta sa aking likod at nagbigay ng malakas na puwersa sa pagbaba nito hanggang sa magtagpo ang platform at ang martilyo.


Ilang saglit nakita ko ang score na 12. "Not bad." komento ko sa aking sarili pero sa mga susunod na pagtira ko ng martilyo pababa ay 11 at 12 din.


"Mr. Tuazon, just one hit?" tanong ng nagbabantay na lalake, "Opo." sagot niya.


(Dylan's POV)


"Opo." sagot ko ng kinuha ko na ang martilyo gamit ang aking kanang kamay, "Good luck." sabi naman ni Zein sa akin bago ako nagposisyon.


Marami ang nagtataka pa lamang na bakit isang kamay lang, pero para sa akin higit pa 'to sa sapat.


Kumuha pa ako ng puwersa sa paggawa ko ng isang ikot at nangako na lamang sa tadhana na magtatagpo ang martilyo sa platform at swerto tumama ito ng may ubod na lakas mula sa akin.


Ilang saglit ay nakarinig ako ng isang tunog ng bell mula sa tuktok ng laro.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon