Chapter 26 - Nandito Ako

3.8K 115 4
                                    

(Zein's POV)


"Dylan!"


Sigaw ko pagdating sa activity room ay nakita ko ang sugatang Dylan. Sinugod ko si Rex at deretsong nakatanggap ng isang suntok at napatumba ko siya ng saglit, "REX!"


Nang makita ko si Dylan ay agad kong hinimas ang kanyang nagdudugong pisngi, "Dylan... nandito... nandito ako." bigkas ko pero agad akong nakatanggap ng isang sipa mula kay Rex at napahiga ako.


Sunod kong naramdaman ang sakit ng tinapakan niya ang aking tiyan, "Akh!" sigaw kong sakit ng hinigpitan ko ang kapit ng aking dalawang kamay sa kanyang paa't tinulak siya papalapit at bago pa siya matumba patungo sa akin ay agad ko namang sinuntok ang pagmumukha niya.


Pagtayo naming dalawa, "Mukhang hindi ka rin madaling patumbahin." komento niya.


"Parehas sa'yo." sabi ko naman.


"Hindi ako pinanganak kahapon, Zein." komento niya sa kanyang sarili.


"Pero naisipan mo pa ring lumabag sa usapan." bigkas ko naman.


"Tapos ikaw 'tong babalik? Sinungaling ka!" sigaw ni Rex at agad akong sinugod.


Hinawakan ko ang braso niyang nagtangkang suntukin ak at agad kong ginamit ang aking tuhod deretso sa kanyang tiyan.


Nang tumumba siya ay narinig na namin ang mga sirens mula sa labas at agad siyang tumayo ay tsaka kami nagpalitang ng mga suntok mula sa aming mga kamao. Inilalabas ko lahat ng galit ko sa aking mga suntok at mga atake sa kanya.


Nang marinig ko ang mga ilang mga paa na papalapit sa kwarto ay agad niya akong sinipa't natumba ako. Pagbangon ko ay nawala na kaagad sa aking paningin si Rex. Nakatakas siya...


"... Dylan!" agad kong naalala ang kalagayan ng lalakeng sugatan.


Tinanggal ko sa pagkakatali ang kanyang mga kamay at inalalayan siyang sumandal sa aking mga kamay. "Dylan!" sigaw kong tawag sa kanyang pangalan.


"... Wag... wag kang... wag kang susuko sa akin..." bigkas ko ng nagsimulang magpakita ang mga emosyon.


Ilang saglit lamang ay nakita ko sina Rylie, Yanna, Tiana, at Lenz na pumasok kasama ang mga pulis.


"Dylan!" sigaw ni Tiana at ni Lenz.


"A-ambulansya!" sigaw ni Yanna. "Paparating na." bigkas ni Rylie.


"Dylan... nandito lang ako... nandito kami... sige na... please..." pagmamaka-awa ko ng unti unting bumuhos na ang aking mga luha.


"Buksan mo lang mga mata mo... please..." bigkas ko ng inabot ko ang kanyang kamay sa aking pisngi, "... Dylan... wag... wag kang susuko..." pa-ulit ulit kong pagbigkas sa kanyang pangalan ngunit ala akong natatanggap na sagot. "Dylan..."

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now