Chapter 55 - Square One

2.3K 79 3
                                    

Lunch sa parehas na araw...


(Zein's POV)


"If you can't easily beat your enemies, befriend them. Once we have the evidence, we can turn her supporters against her and she'll be powerless."


Isang quote na nagmula kay Dylan bago ko gagawin ang kailangan kong gawin. Lord, tulungan Niyo ako.


"Denise. I need to talk to you." bigkas ko matapos ko siyang lapitan habang nasa hallway siya sa labas ng kanyang classroom.


Nang lumingon siya sa akin ay binigyan niya ako ng masamang tingin, "An kailangan mo?" tanong niya.


"Could you- please leave us for a sec?" tanong ko sa kanyang mga kasamahan.


Bumuntong-hininga si Denise at sinabi, "Fine. Sige, una na kayo sa loob." sabi niya't umalis na sila.


"Ano ba gusto mong pag-usapan?" tanong niya.


"I'm sorry. I'm sorry dahil hindi kita napagtanggol kanina." sabi ko.


"Sorry? Anong sorry sorry?" tanong niya.


"Look- alam kong galit ka sa akin for dating Dylan but- now I see... na... ikaw lang. Ikaw lang talaga ang tama, ang tamang tao para sa akin." sabi ko.


Ilang saglit lamang ay lumambot ang kanyang paningin sa akin, "I see. Well... that's so sweet of you." sabi niya.


"H-how could I make it up to you? A date? This Saturday, pwede ka?" tanong ko.


"Oh! Perfect timing. Wait lang." sabi niya bago pumasok sa loob at pagbalik niya ay may dala siyang envelope na may design at red ito.


"This is an invitation. Diba sinabi ko na hindi nakaka-uwi si Mama sa birthday ko, and lucky na this year ay maaga ang bakasyon niya ang she'll be in my 18th birthday. Well- although tapos na yung mismong day, pero yung celebration postponed. Nevermind- but I expect you to be there, okay?" tanong niya.


"Yes! Of course." sabi ko naman at ngumit tsaka nag-ring ang bell.


"That's my cue. Sige. I'll see you on Saturday?" tanong ko.


"Sure, hun." sabi niya't umalis na ako.


After school hours sa isang cafe...


"So kamusta na?" tanong ni Rosa sa akin.


"Easy." sabi ko naman sabay pakita ng envelope na red.


"Good. That's phase 1 done. Teka- nasaan nga ba si Dylan?" tanong ni Rosa.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now