Chapter 23 - Tunay na Damdamin

3.7K 134 8
                                    

"... I think... I like Zein." bigkas ko.

Tahimik.

"... Since when?" tanong ni Yanna.

"... I-I don't know... maybe... right after the pageant...?" tanong kong hindi sigurado.

"Fine then." sabi ni Lenz at biglang tumayo ng marinig niya ang bell. "Saan ka pupunta, Lenz?" tanong ni Tiana. "Mag-iisip ng paraan, malamang... at tsaka may klase na tayo." sagot niya.

"Paraan saan?" tanong ni Yanna.

"To get our Mr. President the heart of the Campus Crush." sabi niya't umalis na matapos niyang bigyan kami ng isang malaking ngiti.

Nanlaki ang mga mata ko't napatingin sa akin sina Yanna't Tiana, "... Guys, you don't-" pinutol nila ang aking pagbigkas sa mga salita nila na, "Okay."

"Tara. May klase pa tayo. And Lenz was right. We need to find a way." sabi ni Tiana at umalis na silang dalawa.

Napabuntong-hininga ako't pumunta na rin sa aking classroom. Binati ako ni Kyle pag-upo ko. "Oh? Ba't parang namumutla ka ata?" komento niya.

"Ala... pagod lang... siguro..." sabi ko naman. "Siguro talaga." komento niya pabalik.

Pagkatapos ng klase...

Habang nasa student council room ako ay biglaang sumugod si Lenz kasama si Yanna sabay sabi ng, "Pres!" sigaw nila. "No shouting." bigkas ko kaagad.

"No time for rules. We need you." sabi niya. "Does it have to be now?" tanong ko naman.

"Oo! Dali!" sabi ni Lenz sabay hila sa aking braso.

Bigla niya akong tinungo sa student council room at nakita ko na nandoroon si Zein na may kahon sa lamesa. Nang ipinasok ako ni Lenz ay agad niyang sinarado ang pinto at ni-lock ito.

"Hey..." sabi niya.

"Um- yeah... hi." bati ko naman at umupo.

"Ano meron?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh. Well- actually sa tingin ko kunin ko na rin yung pagkakataon." sabi niya naman at umupo sabay bukas ng kahon, puno ito ng donuts, iba't ibang klase.

"Mukhang kailangan mo rin kasi ng kausap eh. Yung... matino." sabi niya.

"You're the last person I'd want to talk to when I'm serious about something including me." bigkas ko naman.

"Oh c'mon. Dali na... so... got anything to say?" tanong niya.

"On what?" tanong ko.

"... Anything. Kahit ano, kung may... gusto kang pag-usapan. Nandito na rin naman na tayo eh." sabi niya.

"..." Natahimik ako ng saglit at napayuko habang nakasandal sa aking upuan.

Ilang saglit pa ay bumutnong hininga ako't sinabi, "I'm... thinking of leaving St. Aedan High..." s

"We all are. Graduating na tayo." banggit niya.

"No-... hindi yun. Mas... maaga." sabi ko naman.

"... Bakit naman?" tanong niya.

Ilang segundo bago pa ako makapagsagot ng, "Throughout my years of serving this school... hindi ko alam kung ano ba talaga kulang oh ano. Ginagawa ko na rin naman na lahat, but... I couldn't find a reason to stay." banggit ko.

"Then I'll help you." sabi niya naman.

Napatingala ako't nagtagpo ang aming mga mata ng narinig ko ang kanyang sinabi, "... A-ano?" tanong ko.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu