Chapter 52 - Confrontation

2.3K 72 5
                                    

[Ang parte na ito ay nasa ikatlong perspektibo (3rd Person Perspective)]


Sa likod ng stage ng field...


Nang nagpatuloy ang araw ay nagpakita si Denise sa isa sa mga kaklase niya, "Sure ka ba dito, Denise? Paano ba yung plano mo?" tanong ng babae niyang kaklase.


"Simple lang. Sa likod tayo ng library mamayang lunch at habang kinakausap ko siya, i-record mo lang. Ako na bahala pagkatapos. May acting na magaganap." sabi ni Denise sa babae.


"O-okay... basta wala ako ng kinalaman dito ah." sabi ng babae.


"Ako bahala. Promise, si Dylan lang naman ang mananagot. Ang kapal din naman kasi niyang agawin si Zein sa akin, ngayon ko lang namalayan na balak niya palang agawin si Zein mula sa akin." tugon ni Denise.


"Ano ba talaga kasi ginawa niya sa'yo?" tanong ng babae.


"I-plinano niya ang lahat. Nung nagkasala si Zein, itinangka pa niya talagang itapat ang punishment sa araw ng date namin. Tapos ba naman, ayaw pa niyang i-move nalang." tugon ni Denise.


"Eh bakit sa principal nalang kaya?" tanong ng babae.


"Sampalin ko yun eh. Tinanong na nga, simpleng pag-mo-move lang ayaw pa." tugon muli ni Denise.


"Uy, wag ka ganyan baka ma-report ka." sabi ni ng babae.


"Wala akong pake, ano ka ba, tayo lang naman ang nandito. At tsaka promise, kung meron mang ebidensya, sure ako na bahala sa'yo." sabi ni Denise.


"O-okay..." tugon ng babae.


"Oh c'mon, don't be such a wuss." tukso ni Denise.


"Teka- pano mo naman siya mapapakausap sa likod ng library?" tanong ng babae.


"Simple. He's a very gullible man. Sabihin ko lang na kailangan kong makipag-usap makikipag-usap agad yun." tugon ni Denise.


(Dylan's POV)


Nakapunta na ako sa aking classroom at binati ako ni Kyle at Lance, "Mukhang nag-aalala ka. Or galit ka?" tanong ni Lance.


"Don't get me started." sabi ko.


"Oh c'mon, kwento ni Lenz maaga ka raw umalis sa meeting, bakit?" tanong ni Kyle.


"Denise. Apparently, nung nag-date kami ni Zein hindi ko akalain na may pagka-trend pala yung ginawa ko." sabi ko.


"You mean yung High Striker?" tanong ni Kyle.


"Paano mo naman nalaman yun?" tanong ko.


Napansin ko kaagad ang kabadong paggalaw at pag-iwas ng mga mata ni Kyle.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now