Chapter 27 - Liwanag ng Umaga

3.6K 122 0
                                    

"... Zein..." nang marinig ko ito ay agad akong napatingin kay Dylan pero nang makita ko ito ay nakapikit pa rin siya't tulog, siguro nananaginip siya at nandun ako.


Napangiti naman ako ng kaonti't sinabi, "Ba naman, wag mo naman ako paasahin..." bulong ko.


Tumabi ako sa kanya't hinimas ang kanyang ulo habang nakangiti, "Paggising mo, promise marami talaga tayong oras para mag-usap..." bigkas ko't bumuntong hininga.


Naghintay ako ng ilang mga oras sa pagbabantay kay Dylan hanggang sa nakuha ako ng text mula kila Kyle na paparating na sila nila Rylie at Emily. Naghanda na akong umalis at ilang mga minuto pa ang lumipas ay pumasok na sila sa loob.


"Hi." bigkas ni Rylie.


"Kamusta na si Dylan?" tanong ni Kyle.


"Ayan... tulog pa rin." sabi ko naman.


Nang pinalibot sa pag-upo nilang tatlo si Dylan ay, "Salamat, Zein." bigkas ni Emily.


"Wala yun. Ang mahalaga ligtas siya ngayon... kaso, ang kinatatakutan ko ngayon eh si Rex. Nakatakas siya." sabi ko naman.


"Wag mo na muna alalahanin si Rex, si Dylan nalang muna, insan." banggit ni Rylie.


"Ano na ba sabi ng doktor?" dagdag niyang tanong.


"Pumunta siya dito kanina sabi okay na rin naman daw ang lahat, kaonting pahinga nalang din naman at by the weekend makakalabas na siya, tapos next week makakapasok na siya." paliwanag ko.


"... Paano naman yung bayad nila dito sa ospital?" tanong ni Emily.


"..." Natahimik kami, lalo na ako dahil alam ko ang istorya niya. Naglayas siya sa bahay nila dahil sa patuloy na pag-aaway ng kanyang mga magulang at tsaka niya nakilala si Mama Rose.


"Insan, what if... mag-build tayo ng charity program? Sa school!" suhestiyon ni Rylie.


"Wag. Magtataka ang lahat. Edi malalaman nila kung ano nangyari, maka-a-apekto yan sa reputasyon ni Dylan." wika ni Kyle.


"... Wala ba sa atin naka-a-alam kung sino magulang niya?" tanong ni Rylie.


Muli kaming natahimik at ilang segundo pa ay tumayo na ako, "Oh, 'di bale. Tsaka na natin pag-usapan. Una na ako. Hanggang anong oras ba kayo?" tanong ko.


"Mga 7 siguro or before 8. Nagpaalam na rin naman na kami." sabi ni Emily.


"Sige sige. Ingat kayo." pagpapaalam ko naman at binuksan na ang pinto.


"Sige, ingat din." wika nila sa akin at ako'y umalis na.


Pag-uwi ko sa bahay...


"Tito nandito na po ako!" banggit ko naman.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon