Chapter 32 - Maghihintay Ako

3.5K 108 5
                                    

(Zein's POV)


Ganito na ba ako katanga?


"..." Napatahimik ako sa kanyang sinabi, hindi ko naman akalain na ganito ang isasagot niya, sadynag nauna nga ang aking nararamdaman para sa kanya, kahit hindi pa ako sigurado rito.


(A/N: Ba naman bes...)


Ilang mga segundo ang aming katahimikan hanggang sa sinabi niya, "Pero alam mo... okay lang din naman." bigkas niya.


"Hm? Bakit?" tanong ko.


"Hindi ako sure pero sa tingin ko... mahal mo pa ata si Denise kaya... okay lang. Maghihintay ako." ng binigkas niya ito, nanlaki ang aking mga mata sa gulat.


Napayuko ako't unti unting nabuo ang aking galit sa kanya, "... Ganun ba ang tingin mo?" tanong ko.


"Ha? O-oo... eh... ga-" bago niya pa maipatuloy ang kanyang pangungusap ay agad kong hinila ang kanyang braso patungo sa kama't umibabaw sa kanya.


"Ito ang itatak mo sa utak mo, Dylan." bigkas ko't inilapit ang aking mukha sa kanya. Nagtagpo ang nanlalaki niyang mga mata sa gulat at ako naman ang aking matutulis sa seryosong mga mata.


"Hindi ko na mahal si Denise." sabi ko sa kanyang harapan.


"Kung gusto mo malaman ang naguguluhan kong nararamdaman sa'yo. Bigyan mo ko ng pagkakataon at panahon, tsaka mo ako sugurin at sabihan lahat ng mga gusto mong ibato sa akin. Magalit ka man o hindi, kahit ano pa. Basta maghintay ka." sabi ko sa kanya.


"... Zein... tumataas ang lagnat mo." bigkas niya ng idinampi niya ang kanyang palad sa aking noo.


"..." Napatahimik ako't binitawan siya't tumayo na.


"K-kukuha lang ako ng tuwalya tsaka malamig na tubig." bigkas niya't umalis na.


(A/N: Lahat tayo... tanga sa pag-ibig...)


(Dylan's POV)


Nang makalabas ako mula sa kanyang kwarto't nakarating sa baba ay inihanda ko na ang malamig na tubig na may kasamang yelo pati na rin ang tuwalya.


Pag-akyat ko ay sinabi ko sa kanya, "Isang oras. Tapos maligo ka na para makapaghanda na ako ng tanghalian mo." bigkas ko ng marinig ko ang patuloy na ulan mula sa labas.


"... Mukhang magluluto ako..." komento ko sa aking sarili't nakita kong nakapikit siya, mukhang nagdesisyon siya na magpahinga na lamang sa ngayon, buti naman.


Nang ipinatong ko ang basang tuwalya sa kanya at pasalamat at malamig ito ay nagpahinga na lamang ako sa upuan habang nagbabasa na rin ng ilang lessons para sa susunod na pasukan, sure bukas malaki ang mga pagkakataong mawalan man o hindi.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now