Chapter 8 - Locked-In

5.2K 161 4
                                    

Habang nag-aayos ako ng aking gamit ay biglang namatay ang mga ilaw, nawala ang power ng aircon at pati ang mga ilaw na nakikita mula sa bintana ay namatay. "... Shet... blackout." komento ko. "Teka lang, ayusin ko lang 'to... sobrang dami ba naman kasing kailangang iuwi... nakalimutan kong ayusin table ko." paliwanag ko. "Bilisan mo lang, delikado since blackout na nga... gagabihin ka pa." komento niya. "Oo eto na." sabi ko naman.

Ilang minuto lamang ang lumipas at sabi ko, "Tara, alis na tayo."

"Obvious. Tara, mas delikado kapag nagtagal pa tayo." sabi niya't nagtungo na kami sa pinto pero paghawak ko nito't tinangkang buksan ay hindi ito gumagalaw.

"...?" Nagtaka kaming dalawa at hinigpitan ko pa ang pagbukas, "... A-ayaw..." sabi ko. "Ako nga." sabi niya't sinubukan niyang buksan din ang pinto pero hindi talaga ito gumagalaw. "... Shet... locked." sabi ko. "Ha? Paanong locked?" tanong ni Zein.

"Si manong guard ang nagsasara nito passed 6:30... pero... 6:12 palang sa relo ko..." paliwanag ko naman. "Baka dahil sa blackout kaya akala niya alang tao." hula ni Zein at napabuntong-hininga kami. "Cellphone mo?" tanong ko. "N-nasa bag... nakalimutan ko sa classroom..." sagot niya.

"... Naman pala." sabi ko.

"Eh ikaw ba?" tanong niya. "... A-alang charge... nakalimutan ko magcharge kagabi..." sagot ko naman. "Patay." komento niya. "Teka-" pagpapatuloy niya't tiningnan ang bintana. "Tara, gamiting natin yung bintana." sabi niya't binuksan ito. "Sure, tumalon ka from the 3rd floor ng walang makakapitan, tingnan natin..." sabi ko naman.

Napatahimik siya't sinarado ang bintana. "So... what now?" tanong niya. "... Ewan ko ba... Laptops... lahat inuwi nila, yung akin nasa bahay. Other devices; reception phone to the faculty, well... alang kuryente so... no way out." sabi ko.

"Great. Sleepover at the student council office with the president..." komento niya. "... Fine, it's my fault." pag-amin ko, kung binilisan ko pa sana o kaya planuhin na bukas na lamang ayusin 'to hindi kami makukulong sa room.

Umupo kami sa mga upuan at tahimik lamang kami, hindi nag-uusap at sadyang nakakabingi ang katahimikan ng paligid. "Hey, I uh- heard na i-rerepresent mo yung section niyo sa pageant." sabi ko. "Ah, oo. Pinilit lang naman nila ako since, alam mo na." sabi niya sabay pagrepresenta ng kanyang katawan gamit ang kanyang kamay.

"Right... and... Denise as well." sabi ko. "Yeah, she's paired up with Gab, ako naman, kay Rylie, swerte kasi alam na namin gagawin namin, mag-pinsan naman kami eh." paliwanag niya. "Ay talaga? Hindi ko naman alam na pinsan mo si Rylie." sabi ko.

"Ako rin eh. Pero nung sinabi niya na kapatid daw ng nanay niya ang nanay ko, eh ayun, lumipat daw kasi siya rito sa Pilipinas kasi medyo naghihirap sila financially." kwento ni Zein. "Alam mo na yung concept ng contest, diba?" tanong ko.

"Actually hindi eh, was hoping you could brief me about it." sabi niya. "Hindi pwede... bukas pa yun, at tsaka facilitator lang ako diyan, wala akong role sa pageant na yan. Si Lenz at Tiana ang tanungin mo diyan." sabi ko naman.

"No bother asking them ngayon in our situation... and at least it's tomorrow." komento niya.

"Hey... about... Sam, I'm not sure kung itutuloy ko pa 'to." sabi ko naman kaagad. "Why not?" tanong niya naman. "... I still haven't moved on, yes. Kaso... parang mas magandang tanggapin ko nalang na wala na siya... diba?" tanong ko't nakatanggap ng isang suntok sa aking braso.

Napa-aray ako't tinanong, "Ano naman yun!?"

Bumuntong-hininga siya't sumagot ng, "Don't be stupid, okay? Sayang ang effort kung hindi mo itutuloy. At tsaka ano ka ba, marami nang mas nagkakaroon ng interes sa'yo dahil sa makeover mo." paliwanag niya. "Yeah- that's true pero... si Sam 'to eh. I don't think you even know her." sabi ko.

"Oh believe me, I know her." sabi niya ng may tapang.

"... P-paano?" tanong ko. 

Ngumisi lamang siya't nahalata ko na ang ginawa niya, "... You stalked her...?" tanong ko. 

"Yyyup." sagot niya. 

"Oh c'mon... that's the worst-" pero pinutol niya ang pangungusap ko.

"Hey, better than meeting the girl in person. What process is there to know her?" tanong niya.

"... Uh, meet her?" sagot kong patanong.

"Right, as if I can, I'd look like a stranger in desperate matter, ba naman." komento niya. May point nga naman siya, aaminin ko. Hindi kasi ako yung tipong nang-iistalk.

(A/N: Pero kaya mong alamin ang background ni Zein, bes eh no?)

Well- fine, but that's only part of the rumors that he confirmed true, and people rarely just talk about that about him, it's all looks and words.

(A/N: Galing mo rin bes eh no? Uwian na! May nanalo na!)

Right, as if we can... locked in nga diba? Halata palang sa title eh.

(A/N: Ugh, right. Just get on with the story, bes)

"... You okay?" tanong ni Zein. "Hm? Oh- ah, oo." sagot ko.

Naglibot-libot kami sa room at napatingin sa bintana, malamig ang hangin ng gabi, "... Anong oras na?" tanong niya. "... 10:34 pm." sagot ko. Bumuntong-hininga siya't sinabi, "Tara, tulog na tayo. Ala nga namang all night tayong lalakwatsa sa wala." sabi niya.

"Great, saan?" tanong kong may kaonting inis.

"Edi sa sahig, saan pa ba?" tanong niya. "... Matutulog ako sa upuan ko." sabi ko. "What about the table?" tanong niya't tumigil ako sa pagtungo sa aking upuan. "Okay ka lang? Edi nagmukha kang tanga kung diyang ka matutulog." komento ko.

"Maybe we can even fit here..." bulong na komento niya. "Hoy, nakikinig ka ba?" tanong ko. "Hey, take off your clothes." biglang sabi niya. "HA?!" tanong ko. "Just strip." utos niya. "Anong strip!? Okay ka lang!? Para saan?" tanong ko kaagad.

Lumapit siya sa akin at sinabi, "Edi para sa table! Gagawin nating sapin yung damit natin at yung bag mo as unan." paliwanag niya. "Ayoko nga, edi ikaw matulog diyan!"

Pero in the end... hinubad niya ang aking pantaas at inilatag ito sa table at kinuha na rin ang aking bag. Wala siyang pantaas na nakahiga sa table, habang ako naman ay nakatayo lamang. Nakatagilid siya't nakatingin sa akin, "Dali na, higa ka na." utos niya.

"No." sagot ko.

"Suit yourself, meron naman ding tumatakip sa table na 'to, pasalamat tayo dun at walang makakahalata kahit sumilip sila mula sa pinto." sabi niya. Napatahimik ako... nga naman at may nakaharang kaya walang makakakita kahit anong silip pa ang gawin nila kundi pumasok para sadyang makita talaga, at madilim din.

"Fine, move." sabi ko't umakyat sa table at humiga sa kanyang tabi. "Oh diba? At least medyo komportable." sabi niya. "... K-kaso medyo malamig." komento ko. "At least hindi mainit. Ala nga namang sarado natin yung bintana." komento niya naman.

"..." Tumahimik na lamang ako habang nararamdaman ang ilang mga hangin mula sa labas kahit nasa kabilang dulo ito ng room.

"... Nilalamig ka talaga?" tanong niya habang yinayakap ko na ang sarili ko. "Malamang... hindi naman ako aso na kaya ang ganitong kababaw na hangin." sabi ko't bigla akong nakaramdam ng isang yakap mula sa likod. "Wag ka nalang masyadong magalaw..." utos niya.

Napataas ang aking mga kilay  nang dumapo ang kanyang matigas na dibdib sa aking likod, at ang kanyang kamay na nakabalot sa aking katawan. Para bang hindi ako makahinga kahit bumibilis ng bumibilis ang tibog ng puso ko. Nag-iinit na yung mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Ah- um... Zein-' bago pa ako makapagsalita ay, "Shh... matulog ka na... Dylan." pagbigkas niya ng pangalan ko alam kong may kakaiba akong naramdaman sa aking katawan, pero sinubukan ko na lamang itong dedmahin at nagpokus sa pagtulog.

please vote and comment!~

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now