Chapter 31 - Likod ng Sulyap

3.2K 134 3
                                    

Nakarating kami sa sala at tsaka nag-usap ng mayroong isang baso ng malamig na tubig. "Iho, dederetsuhin ko na ah... may gusto ka ba kay Zein?" tanong ng kanyang tito.


"..."


Natahimik ako at napayuko pero sa tingin ko naman wala na akong ibang masasagot kundi, "Opo."


Bumuntong-hininga siya't sinabi, "Salamat. Alam mo, ikaw ang unang taong nagsabi niyan sa akin bago kayo ni Zein. Nung girlfriend niya kasi dati, aaminin ko hindi ko siya gusto. Una palang alam ko masasaktan si Zein, pero ikaw, I know. You'll be there for him." wika niya sa akin.


"I actually have a favor to ask." sabi niya.


"Ano po yun?" tanong ko naman.


"I won't actually be here tomorrow until 9 pm. I'll be on a school field trip with my daughter tomorrow early morning palang. Si Rylie naman, pupuntahan si mama niya. Is it okay if you could take care of Zein tomorrow?" tanong niya sa akin.


Napa-isip ako ng kaonti't isinagot ang, "Sige po." sabay akong tumango bilang pagsang-ayon dito sa pabor.


"Good. Thank you so much. I shouldn't keep you long, madilim na rin." sabi niya't hinatid ako sa terminal ng mga tricycle. "Salamat ulit, iho ah. Bukas ng umaga siguro kahit 8 am punta ka na. May ililista akong instructions nalang. I'll tell Zein to let you in." sabi niya't nagpaalam na ako.


Paguwi ko sa bahay ay bumati sa akin sina Mama Rose at nagkwento ako't nagpaalam para bukas, "Oh sige. Basta mag-iingat ka. baka mahawa ka sa lagnat niya." sabi niya naman.


"Opo. Mag-iingat po ako. Nakahanap na nga po ba kayo ng pagsasalihan ko nung sa contest?" tanong ko naman.


"Ala pa eh. Tatanong ko pa mga kumare ko tungkol dun pero wag ka mag-alala, by next week sure meron ka nang sasalihan sa November." sabi niya sa akin at tumango ako.


"Sige po. Salamat." sabi ko naman at umakyat na sa hagdan. Habang umaakyat ay biglang sabi ni Mama Rose.


"Nga pala, Dylan. Gusto mo paglutuan natin si Zein ng goto or lugaw? Pwede ako bumili sa madaling araw tapos ako nalang gagawa." sabi niya naman.


Sumagot ako ng, "Goto nalang po." at sumang-ayon siya sa salitang, "Sige." at ako'y umakyat na sa aking kwarto para magpahinga.


Kinabukasan...


Bumulaga sa akin ang isang malakas na sigaw ng kidlat sa mga ulap. Nahudyat ako't napa-upo sa aking kama. Tiningnan ko ang orasan ko at 5 am palang ng madaling araw sa isang Martes.


Isang higab at binuksan ko ang TV para manood ng news. Bumungad naman sa akin ang pagkakasakto ng balita ukol sa panahon.


"Asahan po ang maulan na panahon ngayong umaga hanggang mamayang tanghali, at bahagyang pag-ulan naman sa hapon hanggang gabi. Nalalapit na po ang buwan ng Nobyembre at sadyang ang taglamig ay nagsisimula na. Laging magdadala ng payong kapag lalabas ng bahay o kaya naman ng bota kapag bumaha na. Laging mag-iingat." banggit ng news reporter.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now