Chapter 56 - Style

2.3K 82 1
                                    

Sa dumating na biyernes...


Sakto paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang isang kotse, dalawang babae at isang gwapong lalake.


(A/N: Hehe)


"... Teka- ala naman kayong sinabing mag-k-kotse tayo..." tugon ko.


"Good Morning." sarkastikong pagbigkas ni Rylie.


"R-right." sabi ko.


Paglabas ko ng gate ay agad na hinawakan ni Zein ang aking kamay at ipinagbuksan ako sa passenger's seat. Pagpasok namin sa loob at habang nag-s-seat belt.


"Daya naman si Dylan ang nasa tabi mo." reklamo ni Rosa.


"He's special." tugon ni Zein at umandar na ang kotse.


"Pabayaan mo na. Nga pala si Kyle sasama, kaso nandun na raw siya, kanonood lang ng pelikula." bigkas ni Rylie.


"First showing ah." komento ko.


"Ayaw kasi niya sumabay sa akin busy raw siya." tumawa naman ng kaonti si Rylie, "Kaya sinubukan kong mag-spoil tapos iniwasan niya ako." kwento ni Rylie.


"Talagang iiwas sa'yo yun, sa lahat ng taong hindi pa nakakanood ng gusto nilang panoorin na pelikula, ang pinaka-ayaw nila ay-" at sabay kami ni Zein na nagsalita ng, "- spoilers."


Sunod naman na binuksan ni Zein ang radyo at tumugtog ang ilang mga kanta, "Speaking of music, meron ba kayong theme song ni Dylan?" tanong ni Rosa kay Zein.


"Your body is a wonderland." pabirong sagot ni Rylie sabay tawa.


Natawa rin naman si Zein ng kaonti, "Siguro." sabi niya't nanlaki mga mata ko.


"T-teka-" pinutol niya naman ang magiging reklamo ko, "Joke lang. Siguro... Till I Met You...?" hindi niya siguradong pagsagot.


"Tuo Amore. Michael Pangilinan." sagot ko.


"Pwede rin." tugon ni Zein.


"Ayoon naman. Ginalingan, eh dapat may sampol kapag ganun." sabi ni Rosa.


"Hala. 'Di ako kumakanta," reklamo ni Zein, "pasayawin mo 'ko okay lang, eh kapag may kasamang kanta wag na." dagdag niya.


"Right." sarkastikong tono sa pagsagot ni Rylie ang kanyang ibinahagi.


Nang makarating na kami sa mall at nakapasok na kami, bumungad sa amin si Kyle, "Hi." bungad niya.


"Ayoon spare tire na ako." sabi ni Rosa.


"Wag ka naman ganyan, tara. Ikaw ang magiging critic namin sa mga damit na isusuot namin." sabi ni Rylie.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon