Chapter 9 - Aedan's Feast: Opening Day

5.7K 144 7
                                    

Walang nangyari sa amin pagkatapos ng gabing yun. Paggising namin ay naka-unlock na agad ang pinto. Nagbihis na kami't umalis na lamang bigla. Lukot na lukot ang mga damit namin, pero pinanindigan na lamang namin ang mga ito.

Dumating ang Aedan's Feast...

"Good Morning, guys." sabi ko sa buong student council ng lahat sila ay present. "Late ng 10 minutes... grabe ka naman, Dylan." tukso ni Lenz. "Pasensya na, late na nga ako nagising, marami pang estudyante ang nag-aabang dun sa entrance..." paliwanag ko. "Oh sige. Meeting na guys. Magbubukas na yung gates..." sabi ko.

Nang umupo kami sa meeting table, bigla ko naalala ang gabing na-lock kami sa student council room ni Zein. Sinubukan kong mag-pokus sa meeting. "Okay, first we'll have the introductory program in... 40 minutes?" tanong ko at tumango sila. "Lenz, okay lang ba kung dito ka muna sa student council room, arrange mo yung mga fliers for the contest? Then after mo ayusin, tawagin mo na yung mga nag-volunteer na magpapamigay nito. Mamayang hapon na yung pagaent." sabi ko.

"No problem, mas maganda na since malamig dito unlike sa labas." pagsang-ayon niya't pagpapaliwanag.

"Okay, si Olivia ba, ready na para mamaya?" tanong ko kay Tiana, "Yup, nakasalubong ko siya kanina lang on her way to the field's stage." sagot ni Tiana. "Okay, good. Budget, ala na tayong problema diyan. Yung, contestants?" tanong ko. "They're on the stage, already took their attendance, nandun na sila lahat, yung mga artists at tiga-ayos nalang nila ang kulang." sagot ni Lenz.

"Good. Well, c'mon, let's head to the stage, at sure ilang mga minuto na lamang at eh magpapapasok na yung mga guards." sabi ko. "Maraming bisita ngayon, so... good luck." sabi ko at nagtungo na kaming lima sa stage ng aming field. Sa likod nito ay na-upo ang mga pageant contestants namin.

Pumunta ako sa kanila't kinuha ang kanilang atensyon, "Good, you're all here. Just a few reminders on what you must do. You are here because of your imperfections that stand out, the uniqueness of your personality, and also your passion in being a role model. St. Aedan's lucky to have all different body types join our contest today." sabi ko't napatingin sa ilang mga estudyante na plus size ang kanilang katawan at napangiti.

"Tiana will explain what you'll do exactly." bigkas ko at humarap naman si Tiana. "Okay, guys. Ganito. Since you all have your numbers na, we'll go with that. Contestant one from the girls and contestant one from the boys for example, pupunta kayo sa gitna a-awra, tapos magpapakilala, alternate. So, sa first pair, ang unang mag-iintro, ay si girl, then si boy. Sa next pair, si boy ang first, then si girl naman. Then, sunod sunod na..." bigkas niya. "What you have to say is your intro, kahit ano, basta nandun yung name, age and section, okay?" tanong niya.

"Yes, po!" sabi ng mga contestants. "Okay. Good luck!" sabi ni Tiana. "Good. Guys, one last thing. For each pair, you only have one to two minutes to make the runway stage. Tandaan niyo, introduction palang 'to ng pageant and of course, first impressions are always important." paalala ni Lenz.

Ipinagpatuloy naman niya, "Okay. Continue your preparation." sabi niya't umalis na kami at na-meet si Olivia, "Bes, ready ka na?" tanong ni Tiana at tumango si Olivia sabay sabi ng, "Yup. Actually, namemorize ko na yung script." sabi niya. "Well, hold on to it just in case." sabi ko naman. "Got it." sagot niya.

Ilang saglit lamang ay nakita ko ng nagsisipasok na ang mga tao mula sa iba't ibang gate ng school. "... Here we go..." sabi ko. At ilang mga minuto lamang ay marami na ang nagtipon-tipon sa field. 

"Pass me a stick." sabi ko sa isang member ng technical team at kinuha nila ako ng wireless mic.

Pumunta ako sa stage at sinabi, "The program will start in 10 minutes." at ibinalik ang mic sa isang miyembro ng technical team. Isang buntong-hininga ang nagmula sa akin ng may kumalabit sa likod ko.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now