Chapter 39 - Skull Campus: Scare Game (Part 3)

2.8K 106 2
                                    

"Kahit na magtago tayo dito merong mga patibong." sabi ko naman kay Zein habang naglalakad kami sa mga hallway. "Bakit parang ala tayong na-da-da-anan na mga mananakot?" tanong ko muli.


"Wag ka nga maingay. Edi kapag narinig nila tayo sure magpaplano agad yun ng jumpscare at ikaw lalo ang malalagot." sabi niya naman.


"O-okay..." sumang-ayon na lamang ako't patuloy kami sa paglalakad.


"Anong room ba yung walang CCTV? Yung walang patibong? Dun na muna kita itatago." sabi ni Zein.


"... Um- 3C. Sa pagkaka-alam ko nasira yung CCTV nun two days ago at walang patibong na nilagay kasi nga under maintenance yung CCTV." paliwanag ko.


"Edi dun tayo." sabi niya't nagtungo na kami sa 3C.


Nakarating kam isa hallway ng 3 pero walang labels ang mga classroom, "P-paano natin malalaman?" tanong ko.


"Isa-isahin nalang natin." sabi niya't nagtungo kami sa unang classroom. Hindi ko rin alam kung aling order ang mga classroom, baka ito yung dulo or yung una.


Nang binuksan namin ang pinto ay bumungad sa amin ang isang patibong na naglabas ng isang nakakatakot na letrato sa aming harapan. Bigla akong napakapit ng mahigpit sa braso ni Zein at napayuko.


(Zein's POV)


Hindi ko naman alam na ganito talaga siya matatakutin, siguro hindi nga dito yun, syempre may patibong sa una palang.


Nagtungo kami sa ikalawang room, pero ramdam ko ang presensya ng isang mananakot dito, naghihintay ito sure. "... Wag tayo dito." bulong ko't nagtungo na kami sa ikatlong room, third time's the charm.


Nang binuksan namin ang pinto, jackpot!


Mga upuan lamang at mga cabinet ang meron, walang patibong na kahit ano, at meron ding tapakan para sa maintenance ng CCTV sa dulo ng classroom. "Jackpot, nice." komento kong bulong at nagtungo na kami sa loob at nakapagpahinga.


"Hay nako... naman. Tumahan ka na..." sabi ko ng makita kong umiiyak si Dylan.


"Ganun ka ba talaga matatakutin? Eh parang isa kang halimaw kapag galit ka eh." pagrason ko naman.


"E-eh bakit ba?" tanong niya ng nakatingin siya sa akin.


"Ayoko lang talagang matakot..." reklamo niya.


Katulad ko rin. Ayokong matakot, natatakot ako na dumating yung panahon na mawawala ka sa piling ko...


T-teka-! Ano ba 'tong iniisip ko?!


(A/N: Hehehe...)


Napatigin naman ako sa bintana at nakita ang mga special effects na nakadikit dito. "Ano ba 'to?" tanong ko.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now