Chapter 38 - Skull Campus: Scare Game (Part 2)

2.7K 106 2
                                    

(Zein's POV)


"R-right. Okay..." sabi ko naman sa pagsang-ayon kay Tiana.


"I'll count on you. Alagaan mo siya, kapag na-out man siya, kahit i-escort mo lang siya palabas papunta sa medic tapos balik ka na sa game." paliwanag niya.


"I'll think about that one. Thanks." at pumasok na ako sa building pagkatapos.


Una kong objective: hanapin si Dylan.


Hay naman, akala ko naman matatakot ko siya, pero kailangan ko pa ngayon bantayan ang natatakot niyang kaluluwa, ba naman, hayaan na nga.

Nakarating ako sa floor ng lab at isang sulyap lamang ay nakakita ako ng mabuhok na costume sa dulo ng hallway, walang duda si Dylan yun. Agad naman akong nakaramdam ng isang kamay sa aking balikat ngunit agad ko itong nakuha't ibinaliktad ang tao.


Ramdam ko na hindi ko 'to kilala kaya malamang isa ito sa Quartet kaya agad kong iniba ang tono ng aking boses, "Haa? Tatakutin mo ba ako?" tanong ko ng binigyan ko siya ng isang maliit na pagtawa.


Naglabas ako ng mainit na hininga't binigyan ito ng isang malaking nakakatakot na ngiti. Nakatanggap ako ng isang malakas na sigaw mula sa kanya't pagmamaka-awa. Ilang saglit lamang ay nag-alarm ang kanyang device. "You're out." sabi ko't ngumisi.


Sunod ko namang pinuntahan si Dylan sa loob ng laboratoryo. Dinig ko ang mga paghinga niya, pero bahagya lamang ang nararamdaman ko sa kanyang hininga. Nagmumula ito sa cabinet kung saan may cleaning materials.


Pagbukas ko nito agad kong sinabi, "Nahanap din kita." sabi ko naman.


Bumungad sa akin ang mga nagluluhang mga mata ni Dylan, "Ba't hindi ka naka-contact lens?" tanong ko.


"A-ayoko... ma... masakit eh." sabi niya't dinig ang kanyang mga luha.


"'Di bale na. Dali. Buti nakakakita ka pa sa ganyang kondisyon. Seryoso? Alang salamin?" tanong ko naman.


"Baka kapag nagsalamina ko makikita ako sa malayo, may ilaw na pwedeng tumama eh." paliwanag niya.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Nga naman." at sumang-ayon din.


"Talagang ayaw mo ng nakakatakot no?" tanong ko ng pinalabas ko siya sa cabinet at pina-upo habang ako naman ay naka-upo sa lamesa. "Oo... dati kasi, nakakita ako ng multo bago ko makilala si Mama Rose.


Pauwi ako nun sa sementeryo. Mag-aalasais na ng gabi, biglang nag-ring yung bell mula sa loob, pero naka-sara naman yung gate nito, akala ko may tao sa loob. Sumilip ako mula sa labas dun sa gate... hanggang sa may nakita akong naka-puti na damit, isang pari.


"Pari lang naman pala eh." sabi ko naman.


"... Na walang ulo." dagdag niya.


Nanlaki ang mga mata ko't natahimik. Kita ko ang nanginginig niyang mga kamay dahil sa pagpapa-alala ko sa kanya ng pangyayaring ito.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon