Chapter 18 - Aedan's Feast: Makalimutan

4.1K 118 4
                                    

"... Dylan... wag tayo dito..." sabi niya at kinuha ang aking kamay, hinawakan ito't itinungo kami sa ibang lugar.


Nakarating kami sa likod ng library kung saan ubod ng tahimik ang aming paligid at ilang puno lamang, may fountain sa kalayuan pero halos ilan lamang ang poste na nag-iilaw sa mga daanan.


Binitawan niya ako't sinabi ko naman, "Bakit nandito tayo?"


"... Tutulangan kitang makalimutan at least... si Rex..." nang binigkas niya ito ay napatingin ako sa kanya ng nanlalaki ang aking mga mata't bigla niyang hinawakan ang aking mga pisngi, lumingon sa aking mukha't nagtagpo ang aming mga labi.


"Mh!" Nanlaki muli ang mga mata ko't unti-unti itong nagsara.


Nagsimulang mag-luha muli ang aking mga mata't nagsimula ang mga pag-urong ng nilaliman niya ang halik at ipinasok pa ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Nagtagpo ang mga ito't naramdaman ko ang kanyang mga kamay na bumaba sa aking likod para sa isang yakap.


Nang hindi ko kinaya't kinailangan kong huminga ay tinulak ko siya para maiputol ang halik.


"Haa... haa... haa... ano... problema mo!?" tanong ko.


"... Shh..." bigkas niya ng idinampi niya ang isang daliri niya sa aking labi. "Sa ngayon... ito nalang muna ang gawin natin." bigkas niya't hinawakan ang aking baba hanggang sa napasuko ako't lumingon muli siya para naman dilaan ang mga luha ko.


Ilang saglit pa ay binuhat niya ako't pina-upo sa platform ng pader. Medyo mababa lamang ito kaya nagsimula na muli ang halik niya sa akin.


Nagpatuloy ang mga pag-urong ko't unti-unting napa-yakap sa kanya. Nang pinutol niya ang halik ay, "Dylan... sorry... kung... ipinagpatuloy natin. Baka hindi ko mapigilan sarili ko." bigkas niya't ibinaba ako sa platform at hinawakan.


Napatahimik ako't sinabi, "... Okay lang... ano, basta- wag bigla-bigla naman." komento ko.


"Sorry, yun lang kasi alam kong paraan para makalimutan mo talaga." paliwanang niya. "... Pasensya sa abala." sabi ko.


"... Gusto mo na bang umuwi? Pwede kitang isundo." sabi niya. " Hindi na, okay lang ako." bigkas ko pero isang hakbang ko lamang ay nanghihina na ang aking mga paa.


"..." Bumuntong hininga si Zein at biglang pumunta sa aking harapan at tumalikod tsaka bumaba at sinabi, "Sakay na."


"Ha?" tanong ko.


"Sakay ka kako... bubuhatin kita." utos niya muli.


"Ano!? Malayo pa bahay ko. Ilang kanto pa yun." paliwanag ko't patuloy pa rin siyang nakababa. "..." Bumuntong-hininga ako't sumakay sa kanyang likod. Madali niya akong nabuhat at sinimulang maglakad.


Ang tigas ng likod niya, halata ang pag-wowork-out niya dahil dito, tska yung itsura ng braso niya, medyo galit yung mga braso niya. Napa-libot ko ang mga kamay ko sa kanya habang nakatago ang aking ulo sa kanyang americana.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now