Chapter 36 - Skull Campus: Introductory Scare

3.3K 96 4
                                    

"Alis na po ako." sabi ko kay Mama Rose.


"Sige iho. Ingat sa school." sabi niya naman at nagtungo na ako sa eskuwelahan. Wala pang tao pero meron nang ngilan ngilan na naghihintayan. Nakarating na ako sa student council ngunit ala pang tao. Buti naman.


Kinuha ko na ang kahon na nasa ilalim ng aking table bilang presidente ng student council at pumunta sa restroom para magbihis. Sadyang hindi ko talaga gusto itong costume na'to. Pero wala na akong magagawa, legit naman siya, at natalo rin naman ako sa bet namin ni Zein.


Paglabas ko ay bumungad sa akin si Zein na agad na kumuha ng isang letrato mula sa kanyang phone, naka-elegante ang ayos at bampira ang costume niya. "V-vampire?" tanong ko.


"Oo. Ikaw ba, Big Bad Wolf, kamusta ka?" tanong niya ng bigla niyang ipinasok ang kanyang dailiri sa aking bibig at binuksan ito, "Hm? Teka, meron akong isang pares ng fangs dito." sabi niya.


Agad kong tinanggal ang kanyang mga daliri sa aking bibig at sinabi, "Anong fangs?" tanong ko.


"Dapat meron. Ako nga syempre dapat meron din. Vampire tas alang matulis na ngipin? Ikaw rin, wolf tapos alang pangain?" tanong niya't bumuntong hininga ako't sinuot ang peke na fangs.


"Ayan. Okay na?" tanong ko.


(Zein's POV)


Mukhang maayos naman ang itsura niya, buti nalang tama ang size na nakuha ko. "Oo naman." sabi ko.


Naka-paa lamang si Dylan at tights ang kanyang suot pang-sports ito at kulay grey, naka-crop top din siya kaya bahagyang kita ang kanyang katawan, ngayon ko lang napagmasdan na mapayat siya at bahagya lamang ang pagka-build niya, regular exercise. Naka-suot din siya ng malaking accessory sa ulo kung saan ang mismong ulo ng lobo ang nakikita at mahaba ang buhok nito pababa sa likod ni Dylan.


"Ako ba? Okay lang?" tanong ko.


"No point in answering naman kung nakita mo na sarili mo sa salamin." sabi niya at inilabas ko ang aking phone at ipinakita ang camera para makita niya ang kanyang sarili.


"... Fine." sabi niya't bumuntong-hininga.


"Why so down?" tanong ko naman.


"Eh ba naman 'tong suot ko kasi." reklamo niya.


"Bakit ayaw mo ba?" tanong ko ng tiningnan ko siya ng may nag-aalalang mga mata, syempre kunwari lang 'to't nagpapanggap lang na malungkot.


"U-um! Hinde- uh... okay lang din ano.. medyo... malamig lang..." sabi niya naman ng tiningnan niya ako ng may nagpapawis na noo.


Ngumisi ako't sinabi, "Ayun naman pala eh. Basta kapag napagod ka kakalakad sabihan mo ko, pwede naman kita buhatin."


"A-ayoko nga!" reklamo niya kaagad.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon