Chapter 20 - Pagkumbinsi sa Nakaraan

4.1K 134 3
                                    

"Um- h-hi! Grabe, hindi ko akalaing makakasalubong kita sa sobrang busy mo." komento niya, nandito ang kanyang positibong ugali, talagang masiyahin ang paningin niya.

"Oo nga eh. Nagkataon lang siguro, um, ano, nakapaglibot-libot na ba kayo?" tanong ko naman. "Ah? Ahh... hindi pa masyado, kararating lang namin ngayon. Tour mo naman kami!" sabi niya. Tumango ako sabay sabi ng, "Sige" sa pagsang-ayon sa kanila.

"Tara guys!" sabi ni Sam.

"Oh. Uh. I'll tour you two around the campus." bigkas kaagad ni Zein. "Oh, well- okay then! Bye, Sam! Text text nalang!" bigkas ng babae't biglaan silang umalis kasama ni Zein.

Nang iniwan nila kaming dalawa ay napatawa si Sam, "Ano ba naman yan... hay, sige. Ano? Saan mo ba ako i-t-tour?" tanong niya. "Ah- oo. Sige, tara." sabi ko't nanguna na. Inikot ko siya sa buong building at pati na rin sa labas nito.

Habang naglalakad kami ay nagkwentuhan kami, "So... kamusta ka na?" tanong niya.

"Ito... presidente ng student council. Graduating..." sagot ko naman. "Ikaw ba?" tanong ko naman sa kanya. "Captain ng cheerleader group namin." sagot naman niya. "Ang... ang tagal na palang nakalipas no?" bigla niyang bigkas.

"Oo nga eh." sagot ko naman.

"... Alam mo, na-miss ko yun. Yung dating mga ginagawa natin. Pero alam mo, siguro itinadhana na na... ayun, paghiwalayin tayo." bigla niyang sabi habang napangiti siya ng malambot sa akin.

Nang mapatingin ako sa kanya ay ipinatong ko ang kamay ko sa kanyang ulo at sinabi, "Ikaw talaga." at binigyan siya ng isang ngiti. "Alam mo naman ako, mahilig sa flashbacks. Mapa-malungkot or masaya." banggit niya.

"Naaalala mo pa nun? Mahilig tayo mang-prank?" tanong niya.

"Ah oo, yung si Alvrin. Noong grade school tayo." at natawa siya ng kaonti. 

"Inis na inis nga siya nun eh." dagdag pa niya. 

"Eh sino ba naman hindi maiinis sa isang plastic ng powder babagsak sayo pagpasok mo?" tanong ko't natawa kami ng sabay.

Natahimik kami ng isang saglit at napaupo sa may gazeebo habang ang ilang mga tao ay dumadaan, "Nakaka-miss talaga. Babalik-balikan mo eh." sabi niya.

"Ay... ano, Sam." bigkas ko't huminga ng malalim.

"Hm? Ano yun?" tanong niya.

"... Meron kasi akong napalanunan na dalawang ticket... ano, gusto mo, labas tayo kahit ngayong Sabado lang?" tanong ko.

"Hmm... sige." biglaang sagot niya.

"T-talaga?" tanong ko.

"Oo naman. Hello, at tsaka libre kaya. Syempre sasama ako no. Tayo lang ba?" tanong niya.

"Ah, oo... dalawa lang kasi to eh." sabi ko naman.

"Ahh, oh sige sige. Edi sa Sabado... anong oras?" tanong niya. "... Mga 2 or 3?" tanong ko.

"2:45 pm dun sa harapan ng park na mismo." sabi niya. "O-oh sige sige." sabi ko naman at tumayo na kami at tsaka sumulyap siya sa kanyang orasan. "Oh, medyo nakatagal din pala tayo sa pag-tour mo." at biglang nag-ring ang phone niya.

"Oh, talagang sakto, nagtext na rin sila. Sige, Dylan, una na ako ah!" sabi niya't nagpaalam na.

"B-bye!" sabi ko't nakita ko siyang tumakbo paalis.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay bigla kong naramdaman ang pag-akbay sa aking balikat, "I can tell it went well?" isang tanong na narinig ko mula kay Zein ng siya'y nagpakita sa akin.

"... Oo. 2:45 sa Sabado." sabi ko naman.

"Edi mag-ready na tayo para sa plano mo." sabi niya.

"Ha? Anong plano?" tanong ko.

"Edi Operation: DylSam Ricochet to Love." sabi niya.

"... Hula ko... si Tiana ang nag-isip niyan no?" tanong ko't bumuntong-hininga.

"... O-oo... nakasalubong ko siya papunta dito. Meron na dapat akong pangalan kaso... sabi niya kailangan yun daw yung ipapangalan ko..." sabi niya naman.

Dumating ang Sabado...

"Mama Rose alis lang po ako." sabi ko naman. "Oh... good luck sa date niyo ni Sam ah." sabi niya. "Opo." sagot ko't umalis na ng bahay.

Pagpunta ko ay saktong 2:45 pm na. Ilang saglit lamang ay nakita ko na si Sam na naka-suot ng isang dilaw na shirt at pantalon, meron din siyang dalang maliit na bag. "Hi!" bati niya sa akin.

"Ayun eh, ginalingan. Si president ng St. Aedan eh... ano ba suot natin ngayon...?" tanong niya't pinagmasdan ang aking kasuotan. 

"Hmm... black shirt, jacket, tapos maong? Wait-" bigla niyang nakita ang aking bracelet. "Ooh, bume-bracelet ka na." komento niya.

"Tara na nga.." sabi ko naman ng may kabadong ngiti.

Habang pagpunta namin sa E.K. ay nagkwentuhan kami nang nakasakay na kami sa sinakyan namin. "Sino nga ba yung mga kasama mo nung Feast?" tanong ko. 

"Mga kaklase ko. Si Myca at si Ricky. Ay, nga pala... naku po, si Myca, grawong-gwapo kay Zein, yung nag-tour sa kanila. Naku, kagabi sa gc namin eto, pakita ko sa'yo." sabi niya sabay labas ng phone at ipinakita sa akin ang kanilang convo.

Myca: SAM! NAKU PO! KUNG KAILAN ALA KA, GRABE!

Ricky: Ooh. Ayan na siya.

Sam: Baket? Ano meron?

Myca: Shet! Gwapo nung nag-tour sa amin ni Ricky, yung si Zein! Sure win campus crush yung ng St. Aedan.

Ricky: Hu, nako, pero ikaw 'tong kinikilig tapos hiyang-hiya sa pagsasabi ng pangalan mo.

Sam: Hahaha! Ganun ba talaga?

Myca: Syempre namern! Sana nga single siya eh! Talaga, grabe...

Ricky: First time kong nakitang baliw si Myca sa lalake.

Sam: Hahahaha! Grabe siya oh.

Myca: Hayaan mo na! Tse! Hahaha!

At natawa si Sam muli. "May girlfriend si Zein." sagot ko.

"Ay weh?" at natawa siya.

"Oo... well- dati." sabi ko naman.

"Ay? Ano nangyari?" tanong niya.

"Actually... siguro ako na rin ang maliit na dahilan kung bakit sila naghiwalay." sabi ko naman. "Uy, chismis yan." at natawa siya, "Share naman." sabi niya.

Napabulong ako sa pagkwento, "Troublemaker 'yang si Zein. Nung binigyan ko siya ng araw ng punishment niya eh may date raw sila ng girlfriend niya, eh syempre bawal ko namang ibahin yung araw kasi na-determine na yun ng principal... nagreklamo tapos... hinayaan... tapos... ayun, nag-break." sabi ko naman.

"Ouch. Grabe naman si ate girl. 'Di marunong umintindi." komento niya.

"FYI tatlong taon na sila." sabi ko naman.

"False love." komento niya muli.

Nang makarating kami sa E.K. ay saktong pagpasok namin ay nagpahinga muna kami mula sa biyahe. Nagmula ako sa banyo at nakarinig ako ng isang pamilyar na boses na sinabing, "Shh. Wag ka maingay." at nang sumulyap ako sa paligid ay nakita ko ang pagmumukha nina Tiana, Lenz, Yanna, at si Zein na sumisilip.

Pinuntahan ko sila at kitang-kita ko ang kaba sa kanilang mga pagmumukha, "U-um..." sabi ni Lenz. "I don't know whether I should be mad or merciless." komento ko. "I-it was his idea." sabi ni Tiana sabay turo kay Zein kaagad.

"H-ha?! Ba't ako?!" tanong ni Zein, gulat.

"Eh ikaw 'tong nagkumbinsi sa amin, sabi mo nag-aalala ka sa kanya eh." sabi ni Yanna naman. 

please vote and comment!~  

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon