Chapter 19 - Aedan's Feast: The Cleanup

4.2K 116 5
                                    

Huling araw na ng St. Aedan's Feast...


"Dylan?" tanong ni Zein habang nag-p-patrol ako ay bigla niyang hinawakan ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatingin sa kanya. "... Ah- s-sorry..." sabi niya. "Bitawan mo nga ako." sabi ko't inalis ang kamay ko mula sa paghawak niya. 


"Usap naman tayo, tungkol kay Sam." sabi niya.


Biglang nanlaki muli ang mga mata ko't inilayo ang aking tingin, "Ayoko, I can't keep that promise anymore." sabi ko naman at umalis. Pinigilan niya ako muli ng sinabi, "Dylan, c'mon." pilit niya.


Tinanggal ko muli ang braso ko mula sa kanyang hawak at sinabi, "What I said is done." sabi ko.


"So hindi pala nagtutupad ang student council president ng kanyang mga salita?!" tanong niya, unti-unti siyang na-iinis.


"There are times that I must stand my ground to go against a decision I have already made. May it be a promise or a debt." bigkas ko. "... Wala na akong intensyon na makipagbalikan kay Sam." deklara ko.


"Fine. I'll give you time to think. Mamaya, sa susunod na makikita kita, kakausapin mo ko. Kapag hindi ikaw ang malalagot sa akin." deklara naman niya't umalis na si Zein.


Bumuntong-hininga ako't nagtungo muna sa student council room para magpahinga. Nakita niya rito si Lenz na nag-aayos ng mga papeles. "Oh? Ano meron?" tanong ko.


"Edi mga plano." sagot niya.


"Para saan?" tanong ko naman.


"Para sa Skull Campus." sagot muli niya.


Hay nako... Skull Campus, ang pinaka-ayaw kong event ng St. Aedan High. Isang Halloween event kung saan merong tinatawag na Scare Game, swerte last year absent ako, hindi ako nakapunta, pero ngayon mukhang wala akong kawala.


"Bukas na natin pag-usapan yan. Mamaya maglilinis pa tayo, mapapagod tayo mula sa paglilinis, baka ala ng enerhiya mag-isip yung iba." paliwanag ko naman.


"You're the boss." bigkas niya.


Tinulungan naman ako ni Lenz na mag-patroll at nag-uusap din kami habang naglalakad at pinagmamasdan ang paghahanda ng mga estudyante.


"May 10 minutes pa naman tayo." sabi ko.


"Nga pala... I think- I saw Sam earlier at the gates." biglang sabi ni Lenz.


"... Baka kamukha lang." sabi ko naman at tinanggihan ito.


"Not sure. Pero may kasama siyang mga kaibigan eh. Basta naka-pony tail. Tingnan mo nalang mamaya. Actually... about her... have you, well, decided?" tanong ni Lenz.


"Decided? On what?" tanong ko naman.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon