Chapter 34 - Kagat ng Takot

3.5K 97 2
                                    

Nalalapit na ang Skull Campus, ang pinaka-ayaw kong event sa buong St. Aedan High. Maraming takutan ang magaganap.


Nasa loob kami ng Student Council room para sa isang meeting, ang nakalagay sa labas ay open for suggestions na sign para sa Skull Campus. Kulang kami sa ideas kahit meron na kaming mga main event, ang kailangan nalang namin is yung mga stands sa labas ng building.


"Dun ba sa clubroom building?" tanong ko.


"Hmm... wala pang plano dun eh. Ang naiisipan namin puro booths nalang ng bawat club kaso may time pa kaya tayo para makapaghanda sila dun?" tanong ni Tiana.


"Right. Hmm... siguro nga wag na muna natin ilagay sa loob ng building, masyadong cramped dun dahil marami rin ang mag-s-stay dun habang on-going yung games." komento ko naman.


"Edi scattered yung booths ng clubs?" tanong nila.


"Oo. Make a request form stat, by tomorrow dapat makagawa na tayo ng signs and spots para sa bawat club, paunahan sila ng spot kung ganun." paliwanag ko.


Ilang saglit lamang naman ay pumasok si Zein sa loob ng room at sinabi, "Um- open kayo for suggestions, right?" tanong niya.


"Yes, got anything? We need all the help we need." sabi naman ni Yanna.


"Um- here." sabi niya sabay bigay ng papel kay Tiana.


Matapos niyang tingnan ito ay ngumiti siya't sinabi, "This is actually good." sabi niya.


"Patingin." sabi ko sabay bigay sa akin ng papel.


Nang binasa ko ito ay simple lamang pala ang nakalagay, Halloween costumes for attire. "Denied." sabi ko.


"Ha? Bakit naman?" tanong ni Tiana.


"Too much of a hassle at tsaka magastos para sa mga estudyante." komento ko naman.


"Oh c'mon, they have weeks to prepare." paliwanag ni Tiana.


"Ano ba yun?" tanong ni Lenz.


"Halloween costumes as attire." sabi ni Tiana.


"That's actually not bad, para may effect na rin sa Scare Game at sa Trick or Treat Race." sabi ni Yanna.


"Ugh. Fine, approved. Pero if the complaints get to a 100 then it's denied. We can't let the students spend a lot for this." sabi ko naman.


"Deal. And... I want something." sabi naman ni Zein.


"What?" tanong ko.


"If it gets approved, I get to pick your costume. Wag ka mag-alala, wala kang gagastusin, ako bahala." bigla niyang sabi.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon