Chapter 47 - Mama Rose

2.6K 92 1
                                    

Araw ng mga patay...


"Dylan yung mga kandila't posporo?" tanong ni Mama Rose habang nag-aayos ng kanyang buhok sa harap ng salamin habang ako'y umiinom ng tubig. "Nasa bag na po." sabi ko namang sagot.


"Sina Gelo at Bryana ba?" tanong niya naman.


"Nasa taas kabibihis lang." sagot ko.


"Sige." sagot niya.


Sunod na akong nag-ayos ng aking mga damit at naligo na. Pagkatapos naman ay nagsuot na ako ng shirt, shorts, at ng aking sapatos bago bumaba, kumpleto na silang lahat.


"Okay, game?" tanong ko.


"Tara." sabi ni Mama Rose at umalis na kaming apat sa bahay at nagtungo na sa sementeryo para dalawin ang kapatid ni Mama Rose.


"Sina nanay po ba uuwi?" tanong ni Gelo.


"Sa susunod na buwan na siya uuwi! Excited ka na ba?" tanong ni Mama Rose.


"Dito rin po siya mag-ba-bagong taon?" tanong ni Bryana.


"Ang sabi niya sa akin titingnan pa niya, pero sure ako dito yun magbabakasyon." sabi ni Mama Rose habang naglalakad kami.


Matapos ang lakbay at nakarating na kami sa sementeryo, "Dylan." bungad sa akin ni Lenz, naalala ko dito rin nga pala nakalibing lolo at lola niya.


"Uy, Lenz. Musta?" tanong ko.


"Okay naman. Musta bakasyon mo?" tanong niya.


"Okay rin. Nga pala, first thing in the morning sa pasukan, brief meeting na tayo para sa St. Aedan's Star." bigkas ko.


"Got it. Hello po Ms. Kalderno." bigkas ni Lenz.


"Hello, Lenz. Kamusta ka na, iho?" tanong niya.


"Okay naman po." sabi niya naman.


"Nga po pala, pwede ko ba mahiram si Dylan ng saglit?" tanong ni Lenz.


"Ay sige sige. Una na kami, oh pano Dylan? Sunod ka ah." sabi niya't tumango ako bago silang tatlo'y pumasok na.


"Ano meron?" tanong ko.


"It's about your relationship with Zein." pabulong niya.


"I heard rumors na nagkakalat sa social media, pero it's very little palang, some say it was impossible since yun nga, kilala ang mga interactions niyo sa punishments." bigkas ni Lenz.


"Keep quiet, if we talk lalong malaki ang chance na lalala ang rumor at kakalat pa lalo." banggit ko.


"True. For now... be careful. Especially when it comes to both Denise and Rex. I have the strangest feeling na baka nagsanib-puwersa na yung dalawa." sabi niya naman.


"I'll dethrone him or take their money if I have to." sabi ko naman.


"Take their money?" tanong ni Lenz.


"Oh you'll see. But not this year, maghintay ka nalang ng dalawa pang buwan. Tsaka mo malalaman." sabi ko naman.


"Revenge is sweet, I agree. Still, be careful." sabi ni Lenz.


"Sige. Salamat." sabi ko naman.


"Lenz, anak! Tara na, uwi na tayo." sabi ng kanyang ina at bumati naman ako't nagmano sa kanyang mga magulang.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें