Chapter 45 - Permission

2.9K 92 5
                                    

Sabado...


"You ready?" tanong ni Zein sa akin habang nasa labas kami ng kanyang bahay, "Y-yeah..." sabi ko naman at pagpasok namin ay binati kami ni Rylie at ni Tito niya na nanonood ng TV.


"Oh? Hi Dylan!" bati ni Rylie at nag-bless naman ako sa tito ni Zein.


"Hello po." bati ko.


"Hello rin, iho." bati niya pabalik.


"Um, Tito, Rylie. Gusto po namin kayo maka-usap." bigkas ni Zein at umupo silang dalawa sa sopa sa harap namin.


"Na-- nais ko pong ligawan si Dylan." agad na bigkas ni Zein sabay hawak sa aking kamay. Kitang kita ko na nakatingin sila sa aming kamay.


Sunod silang tumingin sa isa't isa at tumawa, "It's about time!" sigaw ni Rylie at tumayo para yakapin kami, "Tito, tara pa-kain tayo!" sabi ni Rylie.


"Lunch is on me, sige." sabi ni Tito sabay labas ng phone.


(Zein's POV)


"In every man's pride, there will always be confidence and power. At proud ako sa inyo na ipinakita niyo sa akin yung tapang niyo na... kaya niyong ipaglaban ang ganyang klase ng pagmamahal sa mapanghusgang mundo na 'to ngayon." paliwanag ni Tito Rico sa amin.


Nang kanyang pagtatapos sa pagbigkas nito ay napatingin ako kay Dylan at ngumiti tsaka nagbigay ng halik sa kanyang ulo.


"Get yourselves comfortable. I'm ordering pizza." sabi ni tito habang nasa phone.


"Well? Ano na sabi ng mga tropa niyo?" tanong ni Rylie.


"The typical reaction, every reaction really." paliwanag ni Dylan.


"Let met guess: Emily at si Kyle." sabi ni Rylie.


"... Yeah." sagot ni Dylan sabay tawa ng kaonti.


"Bakit?" tanong ko naman.


"Ah, silang dalawa, si Emily at Kyle, lakas ng tandem nung dalawang yun. Akala mo talaga si Kris Aquino at Tito Boy Abunda kung makapag-interview." paliwanag niya.


"Ganun pala si Kyle?" tanong ko sabay tingin kay Rylie.


"Humor." sagot ni Rylie.


"So kailan niyo ba sasabihin sa magulang niyo?" tanong ni Rylie.


"We're thinking of that... ang na-isip nalang namin na paraan eh. Video chat." sagot ni Zein.


"Well what are you waiting for!?" tanong ni Rylie sabay hatak sa kamay namin ni Dylan. "Tito akyat lang kami." paalam niya at agad kaming hinatak papunta sa kanyang kwarto.


"I'm sure they're on break, weekend naman. I just hope online sila." sabi ni Rylie.


"T-teka-! Agad agad naman ata 'to?" tanong ko.


"Oh relax. Mukhang hindi naman kabado si Dylan oh." komento ni Rylie habang nakalingon sa amin bago tumungo muli sa pagupo niya kaharap ang laptop sa study table.


"You okay with this?" tanong ko sa kanya.


"I-I guess it's better to get this over with as early as possible..." sagot niya.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Well, I never go against your choices if you know it. Sige, Rylie. Connect mo na." sabi ko't tumango siya.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon