Chapter 7 - Sportsfest

5.5K 154 2
                                    

Ilang araw ang lumipas...

Dumating ang sportsfest ng school ni Gelo at agad kaming pumunta dun sa school niya kasama si Bryana at Mama Rose. "Oh, iho, samahan ko na si Bryana ah." paalam ni mama Rose at tumango naman ako.

Nagtungo na kami ni Gelo sa isang court at umupo na ako sa bleachers hawak ang camera. Nagkaroon ng ilang mga laro at ilan dun ay kasama si Gelo, nakangiti at sadyang natutuwa sa kanyang ginagawa. Maraming napalanunan ang kanyang grupo, ang green team, kaya dapat, naka-green din ako kahit ito ang pinaka-ayokong kulay, 'di bagay sa akin...

(A/N: Panindigan mo nalang, bes. Hiyang hiya naman ako sa'yo. Gwapo gwapo na nga eh choosy pa sa kulay)

Nang matapos ang mga laro, "Okay. Everyone we will have a break po. If you don't have lunch prepared meron pong provided lunch." sabi ng announcer.

Pumunta sa akin si Gelo at kumain kami ng binili kong fast food mula sa labas. "Sila Mama Rose?" tanong niya. "Nagtext, kumakain na rin yun. Binilhan ko rin naman sila ng pagkain." sabi ko. "Ahh, mamaya may awarding, pag natawag ako punta ka ah!" sabi niya. Napangiti naman ako at sumang-ayon.

Grupo ng mga minuto ang lumipas at nagbalik na ang lahat sa court at nagsimula ang awarding. "Good Afternoon everyone! We would like to deeply thank you all for coming today! Ikinagagalak ko pong makasama kayo sa aming mga palaro. Ngayon po, ay i-aannounce na po namin ang mga nanalo sa sports fest ng Sports Fest Primary Level!" sigaw ng announcer.

"For fourth place... Red Team!" sigaw ng announcer at ubod ng palakpak ang bumati ng pumunta sa stage ang mga leader ng team, tatlong guro sila, dalawang babae't isang lalake.

"For third place... Yellow Team!" sigaw ng announcer at mga palakpak muli ang bumati ng umakyat sa stage ang dalawang leader ng team, ang kanilang mga guro.

"And now... I will first announce the champion and the first runner-up! Miss Universe vibe po tayong lahat." sabi ng announcer at dead quiet ang paligid. "Okay... this year's champion of Sports Fest Primary Level is... Green Team!!! Blue Team you are our first runner up!" sigaw ng announcer at puro mga palakpak ang aming mga narinig, pati na rin ako ay masigabog na pumalakpak ng nanalo ang team ni Gelo.

Pagkatapos nito ay sumunod naman ang special awarding, "Special Awards contains the following: Best in Cheer, Best in Sportsmanship, Best in Camaraderie, Best in Behavior, and Best in Competitive Spirit. Yung Best in Cheer is by team as well as the sportsmanship, camaraderie, and behavior. Competitive Spirit will be like the MVP award to one student who showed great fighting spirit that keeps the tension alive." paliwanag ng announcer.

"Best in Cheer goes to... Blue Team!" sigaw ng announcer at kinuha na ang award.

"Best in Sportsmanship! Red Team!"

"Best in Camaraderie is... Green Team!"

"Best in Behavior is... Yellow Team!"

"And now. This award goes to the student who participated in most games and also had shown great characteristics of a true sportsman. And this award goes to... Angelo Atayde from Green Team!" sigaw ng announcer. Napatayo ako't pumalakpak at humihiyaw na rin ang Green Team.

Nang umakyat si Gelo ay, "Yung kasama po niya, please come up on stage rin po!" at umakyat na ako. Maraming mata ang nasa amin at ako pa ang nagsuot ng kanyang medal. Nginitian ko siya at bumaba na kami.

Pagkatapos...

Nagkasalubong na kami nila Bryana at Mama Rose, "Mama Rose. Si Gelo, nanalo as Best Competitive Spirit!" deklara ko't pinakita ni Gelo ang medal. "Yes naman. Si Bryana nanalo ng Queen of Chess." sabi ni Mama Rose.

Matapos ang isang picture naming apat ay umuwi na kami, kaso ako naman ay nagtungo na sa school ng naka-uniform. Pero marami pa rin ang hindi sanay sa new look ko na ito. Kadalasan nakasalamin pa rin ako, bihira lang ako mag-contact lenses kasi masakit, kapag gagala lamang.

Pagdating ko sa student council room, nakita ko si Lenz. "Hm? Ano meron? Ala kang klase?" tanong ko. "Ah, ala. Absent si sir Timothy." paliwanag niya. "... Si Zein?" tanong ko naman. "May klase siya." sagot ni Lenz. 

Pumunta na ako sa aking klase at sakto kaka-alis lamang daw ng prof namin.

Matapos ang school...

Pumunta na ako sa student council room para sa isang meeting. "St. Aedan's Feast. Malapit na 'to. Kamusta na yung budget?" tanong ko. "We're good. Wala namang nagalaw and good news pa, tumataas yung pera natin, exceeded na siya from the needed funds." sabi ng aming treasurer na si Yanna. 

"Good. The Aedan High Pageant? Kamusta na?" tanong ko. "Okay na rin yun, kulang nalang is yung mga contestants. I already posted the fliers and informed the advisory teachers. Meron na tayong ilang mga contestants from each section. Kulang nalang ay yung ibang years and get this, Zein will be representing his class, as well as Denise on hers." sabi ni Lenz.

"Well that's interesting..." komento ni Tiana, ang Vice President ng Student Council. "A-anyway, yung fairs ng bawat section? Yung proposals?" tanong ko. "Updated and... ito na po yung listahan ng lahat ng proposals nila as well as the budget po, we need it by tomorrow para maipakita sa principal." sabi ni Baron, ang P.R.O namin. "Okay, good. Send it to her now. I think I saw her car earlier. Mahahabol mo pa siya." utos ko. "Sure." at lumabas si Yanna ng room.

"Next, yung program mismo? Yung introductory program?" tanong ko. "Okay na po yun. Ang kulang nalang natin is yung mga emcee para dun." sabi ni Lenz. "Why not the same nalang as the pageant?" tanong ko. "We can't. Kakaiba ang speech style ni Roxas, pang-pageant host talaga." paliwanag ni Tiana.

"Then ask someone to do it, Tiana I'll leave that to you." utos ko't tumango siya.

Isang katok ang narinig namin mula sa pinto at ng sumilip ang estudyante ay, "Um- ay- sorry... nag-me-meeting pala kayo." bigkas ng nakita ko si Zein. Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Ano kailangan mo?" tanong ko.

"Ikaw. Pero sige, mamaya nalang. Intayin kita sa labas sa entrance." sabi niya't umalis na. "Pres, ah. Hindi mo naman kami binalitaan na close na kayo ni Zein. Dati lagi mo siyang iniiscold pero ngayon-" bago pa man magpatuloy si Tiana ay binigyan ko siya ng masamang tingin at napabalik kami sa usapan.

"Okay, next, yung letter for parents' invitation?" tanong ko. "Okay na rin. We just need the print outs." sabi ni Lenz. "And yung budget ng printouts?" tanong ko kay Baron. "I think kasya naman siya, marami naman tayong exceeds." paliwanag niya. "Lastly, yung mga magpeperform?" tanong ko. "Done na. Sila na bahala sa practice nila." sabi ni Lenz.

"Okay good. Sige, let's just wait for-" bago pa ako makapagsalita ay bumalik na si Baron.

"So? How'd it go?" tanong ko. "Great! Natanggap na niya and bibigay niya raw bukas bandang umaga." sabi ni Baron at umupo na. "Great. That's all for today. Next week updates tayo ah. Yung contestants, budget fix na dapat, yung letters printed, validated, and distributed na rin dapat, yung emcees natin and also yung proposals. Understood?" tanong ko at sumang-ayon sila.

Ilang minuto pa ay lahat sila'y umalis na ng room, ako na lamang ang naiwan. "...? Dylan?" isang bati na narinig ko mula kay Zein ng pumasok siya ng student council room. "Oh? Eto na, patapos na 'ko teka lang." sabi ko habang nag-aayos ng gamit.

"Ay sige, kahit dito nalang." sabi niya't bumagal ang pag-aayos ko. "Oh sige, basta bilisan mo lang, bawal tayo magtagal dito, magsasara na yung school." paliwanag ko. "Gusto ko lang magbigay ng babala." sabi niya.

"Ha? Saan naman?" tanong ko ng may pagtataka. Pero dinig kong may kaba sa kanyang tono, "Mag-iingat ka pauwi. Lalo na pagdating ng pageant ah? May masama lang akong kutob na baka mamaya may mangyari." bigkas ni Zein.

"Kung ano man yun... edi sige, mag-iingat ako." sabi ko naman.

please vote and comment!

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon