Chapter 24 - Dahilan Ko

3.5K 123 6
                                    

Habang nasa kotse...

Napapa-isip ako kung itutuloy pa ba namin itong ginagawa namin, kinakabahan ako, baka mamaya wala na si Zein, o kaya naman ay sadyang ginusto na niyang umalis.

"Huy!" bigkas ni Tiana.

"H-ha? Um- s-sorry..." sabi ko naman at tuluyang nakayuko.

"Ugh... I tried calling him a bunch of times, he wouldn't answer." banggit ni Rylie.

"C'mon, guys, let's not lose hope naman!" bigkas ni Lenz.

"First of all, we're in the middle of traffic at we're still like- 5 to 10 kilometers away." bigkas ko naman.

"Dylan- kalma." banggit ni Tiana.

"... Wala na bang ibibilis, Lenz?" tanong ko sabay niyang pindot ng busina ng kotse

"'Ya think?" tanong niya sabay tingin sa traffic.

"Alam niyo..." bago ko pa ipagpatuloy ang aking sasabihin ay sinabi ni Rylie, "No- we are not stopping here." sabi niya.

"That's not it. Just go back to the academy, ako na ang bahala." sabi ko sabay labas ng kotse.

"D-dylan!? Dylan!" sigaw ni Tiana.

"I'm not letting myself be a burden, bumalik na kayo ng campus... that's an order." bigkas ko sabay takbo.

Sa bawat hakbang ng aking mga paa't bawa't kotse na aking nalalampasan ay nag-iisip na ako ng rason para kay Zein, para mapabalik lamang siya. "Zein..." bigkas ko sa aking hinihingal na bibig.

Pagod. Pawis. Sakit ng paa sa kakatakbo, para lamang maabutan ang flight niya.

Pagdating ko rito ay ubod ng hingal at pagod, pagkahabol ko ng aking hininga ay tinanong ko kaagad ang receptionist, "M-miss... yung- flight to- the States?! Nandyan pa po ba?" tanong ko.

"Sir... the flight already took off 10 minutes ago. I'm sorry. But we could schedule you for the next flight in three days." sabi niya.

sa aking gulat at kaba ko ay sinabing nauutal, "N-no thanks..." pag-upo ko sa waiting area ay agad nagdilim ang aking utak, wala na ba talaga?

...

...

"Ikaw lang naman talaga ang dahilan ko..." bigkas ko sa aking sarili.

Ginabi na ako pabalik sa aking bahay, ngunit sinubukan ko muna magpahinga sa isang parke. Wala akong dalang pera, na-iwan ko ang wallet ko sa bag ko, buti na nga lang ang phone ko ay naririto.

Sobrang daming text mula sa kanilang tatlo pati na rin kay Mama Rose...

"... Mukhang sumunod naman na pala siya." isang pamilyar na boses ang aking narinig. Pagtingin ko ay nakasandal siya sa poste't nakangiti, "... Rex." bigkas ko.

"The president is finding his long lost prince charming, the tale misleads as the big bad wolf comes to steal the president once more after a long negotiation with the prince." banggit niya.

"Ano naman ang pinagsasasabi mo?" tanong ko.

"Don't you get it?" tanong niya.

"The reason... why he left is because of me... and you." banggit niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sabay tayo.

"Nung nakita ko kayo sa likod ng library I thought... wow, no doubt the prince has taken a liking on you. I didn't care... hanggang sa nakita kong luhaan si Sam pag-uwi niya sa bahay. I thought you two were over...?" sabi niya.

"Oo. Tapos na kami, pinag-usapan na namin 'yan nung araw na yun! We've had our closure, and maybe it's time to have yours as well." bigkas ko.

"..." Napasama ang tingin niya sa akin at sinabi, "Dylan Derald Tuazon. Ignorance will get you nowhere." bigkas niya.

"Zein and I had a little talk- about you. I made my way through negotiation. I believe alam na niya ang mga nangyari diba? Na-kwento mo na sa kanya ang lahat ng meron sa ating dalawa? Ang nangyari sa atin at kay Sam? Ang nakaraan?" tanong niya.

"..." Napatahimik ako't tuluyang ipinagpatuloy ni Rex ang pag-eexplain.

"You still don't get it do you?" tanong niya.

"If he doesn't leave you alone, I too will never leave you alone. Ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko sa'yo, Mr. Tuazon. If he leaves, I'll let you go. But I guess him leaving you is what you can't stand?" tanong niya.

Ubod ng galit ang aking nararamdaman sa mga ganitong oras, gusto ko siyang suntikin, gusto ko siyang saktan.

"Rex!" isang sigaw ang aking nailabas ng matinding galit ang aking ibubuhos. Sinugod ko siya't bago ko pa maibigay ang isang suntok ay nakatanggap ako ng isang malakas na sakit sa aking tiyan.

Huli kong nakita ay ang kanyang ngisi't sinabi, "Kahit sa suntukan ala kang alam, wala ka talagang panlaban sa akin." bigkas niya't napatumba ako't hawak ko ang aking tiyan na nagmula lamang sa kanyang suntok.

"Alam mo, I'm not really a guy who makes promises. You should've seen the face when Zein was all mad at me for that deal. And damn he took it like every idiot there is, just like business." bigkas niya habang iniikutan niya ako.

"Learn some manners next time... especially to your seniors." bigkas niya sabay sipa sa aking katawan na nagdulot muli ng matinding sakit. "Ghaak!" agad akong nasaktan ng tumama ito sa akin.

Agad kong naramdaman ang pagpatong ng paa niya sa aking likod, "Isa ka lamang duwag... Rex." komento ko.

"Duwag? Baka ikaw. Ikaw 'tong nagpapaka-torpe kay Zein, tingnan mo ngayon... Kung naunahan mo lang sana ako, edi sana nasa tabi mo siya ngayon... hawak ang iyong kamay sa ilalim ng mabituwin na gabi." bigkas niya.

"Pero ano!? NASAN NA ANG TINATAWAG MONG 'DAHILAN MO'?!" dagdag niyang tanong pasigaw ng tuluyan niyang sinipa ang aking likod pagkatapos.

Matinding takot at nginig ang aking nararamdaman ng narinig ko ang kanyang tawa't maramdaman ko ang naranasan ko sa nakaraan sa kanya.

Isinabunot niya ang aking buhok para magtagpo ang aming mga mukha, "Oh? Ano 'to? Natatakot ka? Magmamaka-awa ka na ba?" tanong niya sabay suntok sa aking mukha na nagdulot ng pagdudugo ng aking bibig.

"..." Wala na akong maisabi hanggang sa pilit ko itong ibinigkas, "... You're- just a distraction." sabi ko.

"Yes, correct. Isa akong umeepal na tao, hanggang sa hindi mo nakikita ang tunay kong intensyon para sa'yo." bigkas niya at tuluyang nagdilim na ang aking paligid, wala akong makita...

(Rylie's POV)

"C'mon... Dylan..." bigkas ko ng tuluyan akong pumipilit sa pagtawag sa kanya.

"The number you have dialed..." nang marinig ko ito ay binaba ko kaagad ang tawag.

"Any luck?" tanong ni Tiana.

"Ala pa rin." sabi ko naman.

"... Dylan... mag-iingat ka." bigkas ko.

"... Si Zein...?" tanong ni Tiana.

"I asked the receptionist. We can't have their list of passengers. Bawal." paliwanag ni Zein.

"So... what now?" tanong ko.

"I suggest we go to Dylan's... baka nandun si Mama Rose. Pwede siya makatulong. Malay natin naka-uwi na siya. Wala na rin naman siyang pupuntahan." bigkas ni Tiana at nang sumang-ayon kami ay nagtungo na kami sa kotse muli.

please vote and comment!~

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now