Chapter 5 - Patak ng Ulan

6.5K 244 2
                                    

"Ah... ganun pala..." bigkas ko ng marinig ko na ang kwento ni Zein. Ilang mga saglit pa sa gitna ng katahimikan bukod sa ang aming naririnig ay ang ulan lamang, bigla kong naramdaman ang pagsandal niya sa aking balikat. Tumaas ang aking mga kilay at sinabi niya, "... Sorry... just a while."


Pero hinid na ako nagreklamo o kaya sumagot pa, hinayaan ko na lamang siya. Siguro nga naman masakit na madaanan mo muli yung mga ala-ala na malulungkot. "... Dad." ang isang mahinang bulong na narinig ko mula sa kanya at nakarinig ako ng mga senyales na siya'y luluha na.


"... A-ah, ano- teka-" hindi ako sanay ng may umiiyak sa aking tabi, at hindi ako marunong sa mga ganitong sitwasyon. Pero, naramdaman ko ng biglaan ang pagsabit ng kanyang mga kamay sa kabilang balikat ko na parang payakap. "Ah-!"

Nanlaki ang aking mga mata ng sinabi niya, "... Pasensya ka na..." bigkas niya kaya wala na akong choice kundi sabihin ang, "O-okay lang..." at hinayaan na lamang siyang magluha. Pagkatapos nito sure talagang patutulugin ko na siya't halata mapapagod siya kakaiyak.

Ramdam ko ang kanyang mga luha as aking balikat at ilang saglit lamang ay tumahan na siya't pinunasan ang kanyang mga nagluluhang mga mata. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin at nginitian ako kahit alam kong nagmula lamang sa pag-iyak ang kanyang mukha.

Napalayo naman ako kaagad ng tingin at sabi, "... Mag- ano... handa ka na matulog... para makapagpahinga na tayo." bigkas ko't tumango siya.

Sumunod na araw ng pasukan...

Nakarating na ako sa school kahit sobrang lakas pa rin ng ulan. Lately wala pa ring word mula sa mga nakatataas kung magsususpend ba ng klase or ano. Nakarating naman ako sa student council room at nakita si Lenz na nagrerelax ang nag-pho-phone lamang.

"Morning." bati ko. "Morning." sagot naman niya. 

"Kamusta si Zein?" tanong niya. "Ayun, nakipag-break na kay Denise." paliwanag ko. Natawa naman siya ng kaonti't sinabi, "Halata, ito oh." sabi niya sabay pakita ng phone na nagpapakita ng isang tweet ni Denise.

"No choice!? Eh paano naman ako!? Take risks kase, but that should be on my side!

#restlessbreak"

Napabuntong-hininga ako't ibinalik ang phone tapos sabi ni Lenz, "Wag ka mag-alala, ako bahala sa'yo kung i-dadamay ka niya sa mga tweet mo." sabi niya. "Sige, salamat." sagot ko naman at nagtungo sa aking table para kunin ang ilang gamit.

"Una na ako sa klase." bigkas ko.

"Sige, mamaya pa ako. Wala naman ngayon si Ma'am Salazar. At tsaka nakuha ko na rin naman yung pinagagawa niya para sa klase ngayon." paliwanag ni Lenz. "Oh sige. Yung attendance sheet para next week ah tsaka yung form of violations." paalala ko't tumango siya.

"Yes, boss." sagot niya't umalis na ako ng student council room at tumungo na sa aking classroom.

Pagdating ko dun ay binati ako nila Olin at Rita, "Hi, Dylan." bigkas nila. "Morning." sagot ko naman at umupo na.

"Ka-stress ba si Zein?" tanong ni Rita. "Malamang." sagot ko. "Hayaan mo na, ganun talaga, gwapo na nga yung lalake pero hindi pa rin marunong maka-unawa." banat ni Olin. "Ay grabe siya oh." bigkas ni Rita.

Natawa naman ako ng kaonti pero sinabi, "Siguro pero... at least natutunan niya yung tama. Ang problema na nga lang ngayon ay si Denise. Sana nga lang hindi ikaw ang sugurin niya-" at bigla kaming nakarinig ng biglaang pagbukas ng pinto sa aming classroom.

"Dylan!" sigaw na nagmula, kay Denise. "Hoy, ikaw! Bakit hindi mo minove yung punishment ni Zein!?" tanong niyang pasigaw. "Op, ayan na." sabi ni Olin at nag-backout sila ni Rita ng saglit at ako'y tumayo at inayos ang aking salamin.

"Ms. Talantig, hindi ko problema ang sitwasyon ninyo ngayon, sadyang si Zein ang may kasalanan kung bakit siya pinarusahan, dahil sa kanyang mga gawain sadyang tama lang na bigyan ito ng kapalit dahil labag ito sa mga palatuntunan ng ating paaralan." bigkas ko.

"Ano ba naman yang pinagsasasabi mo, ang korny mo rin eh no!? Alam mo, kung ako sa'yo, i-drop na yang acting acting mo na yan at magpakatotoo ka." sabi niya. "Ayoko and I have no intention in arguing with you about this simple matter, it's not my fault you two broke up, it's his and yours only. Ang mahirap kasi sa iyo masyado kang clingy and possessive kay Zein and masyado mo siyang sinasakal. I even gave him permission to talk to the principal about it, and that's the last thing I could do for him... for the both of you. I don't like ruining relationships, Ms. Talantig, but you caused your own relationship to fall." paliwanag ko.

Napatahimik ko siya at ilang saglit lang ng aming matulis na titigan ay umalis na siya ng classroom.

Palakpakan ang lahat at nakahinga na rin ako sa wakas. "As expected from the student council president." komento ni Rita. "Maliit na bagay, marami na akong na-encounter na ganyan." paliwanag ko at dumating na ang aming prof.

Lunch time...

Nakarating ako sa student council room at isang nakagugulat na mukha ang aking nakita, si Lenz at Zein nagkukuwentuhan, pero si Lenz lamang ang nakangiti, "Ah- Dylan! Buti nandito ka na, kanina pa si Zein, iniintay ka." paliwanag ni Lenz at bigla na lamang umalis at tinapik ang aking balikat. "Good luck." ang bulong niya, nagtaka naman ako bigla.

Kaming dalawa na lamang ang natira sa student council room. Napatingin ako kay Zein at tinanong, "Bakit ka nandito?" tanong niya. "Pumunta sa akin si Denise kanina... nag... ka-closure na kami, at tsaka, kinuwento niya yung sinabi niya sa'yo kanina." paliwanag niya.

"..." Ako naman ngayon ang napatahimik at nilayo ko ang aking tingin, "Sorry... pinagsabihan mo pa tuloy siya." sabi niya. "Okay lang. Parte ng trabaho ko na yun." sagot ko. "Ano, okay lang ba dito ako maglunch? Medyo wala pa ako sa mood eh, at tsaka umuulan sa labas, hindi ako makakain." paliwanag niya.

Sumang-ayon naman ako, "Oh sige. Upo ka na." at umupo na kaming dalawa. 

Nakatingin ako sa bintana na puro patak lamang ng ulan ang aking nakikita...

Tahimik lamang kami habang kumakain at namumutla pa rin ang itsura niya kahit nagka-closure na silang daalawa, siguro sa ngayon nahihirapan pa siyang tanggapin ang nangyari sa kanilang dalawa ni Denise.

"Alam kong mahirap pero... wag ka mag-alala, lilipas din yan. Mahihirapan ka lang tanggapin pero kapag nalaman mo lang naman ang katotohanan... promise, magiging okay ka na." sabi ko naman bigla at napatingin siya sa akin.

Ilang segundo lamang at nakita ko ang malambot niyang ngiti na nakatutok sa aking mga mata, nilayo ko kaagad ang tingin ko't inayos ang aking salamin, nag-iinit ang mukha ko. "... May ganyan ka pala na side." komento niya. "And ano naman meaning nun?" tanong ko.

"... Na... despite sa mga katapangan mo eh... marunong ka rin maging humble, tingnan mo nga oh. Ang cute mong tingnan ngayon." komento niya't hindi ko lamang ito pinansin kahit halata na ito sa namumula kong mukha.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon