Chapter 28 - Okay lang

3.4K 105 5
                                    

"U-um, kumain ka na ba? Pwede kita pagbilhan kung gusto mo? Ano ba pwede ipakain sa'yo? May mga bawal ka bang kainin or may kailangan?" tanong ko agad-agad.


Unti siyang natawa at tiningnan ako sabay sagot ng, "Kahit alin okay lang." at tumango ako.


"S-sige, um, diyan ka lang. Bibili lang ako." sabi ko naman sabay kuha ng aking wallet at umalis ng kanyang kwarto matapos magpaalam sa kanya.


Ilang saglit lamang ay bumalik kaagad ako na may dala ring mga prutas para sa kanya.


Agad ko namang inihanda ang kanyang almusal salamat sa tulong ng ilang nurse na pinagtanungan ko.


"Kaya mo naman siguro pakainin sarili mo o...?" tanong ko.


"Hindi na, ako na." sagot niya't umupo na ako't nagsimula kaming kumain.


"Pasensya na, dapat pala naghanda nalang ako ng almusal." sabi ko naman.


"Okay lang yan, kahit next time nalang." sagot ni Dylan.


"Sila Mama Rose ba?" tanong niya.


"Mga lunch daw ata sila, yung student council after lunch at sila Rylie, Emily, at Kyle after school hours." paliwanag ko naman.


"Assignment mo? Tapos na?" tanong niya.


Natawa naman ako ng kaonti't naramdaman na unti-unti siyang bumabalik sa dati niyang sarili, "Opo, tapos na po, Mr. President. Kaya nga ako inantok eh." sabi ko naman at nginitian siya.


Ilang minuto pa...


"... Zein." tawag niya.


"Hm?" at lumingon naman ako sa kanya.


"... Tungkol... sa aitn." banggit niya, "Sa lahat ng mga sinabi ko... siguro sa ngayon, kalimutan mo nalang. Yung pag-amin ko... lahat ng yun." dagdag niya.


"... A-ano ibig mong sabihin?" tanong ko naman.


"I guess... after all that, there's no other ways for me to view the both of us... other than just friends." nang sinabi niya ito ay agad akong tinamaan, para bang pinagsisihan ko ang mga nangyari't aking mga sinabi.


"I know it's not about Rex that why I'm saying this pero... siguro if you don't-... no, if you can't... well-- not right now I think-- hopefully someday. Sana matanggap mo rin. Pero- I-I'll wait. Okay lang." bigkas niya sabay ngiti sa akin, pero halata na sa likod nito ay kaunti nalang ay bubuhos na ang kanyang mga luha.


"... I'm sorry-" bigkas ko pero pinutol niya ang aking pangungusap, "Okay lang..."


...


...


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now