Chapter 30 - Ang Paglabas

3.4K 121 6
                                    

Linggo...


"Congratulations po, sir sa paglabas niyo." sabi ni Nurse Enrique sa akin habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng aking gamit. "Maraming salamat din po sa inyo." bigkas ko naman.


"Trabaho lang po namin yun, sir." sabi niya sa akin.


"Saludo 'ko sa inyo, sa lahat ng doktor at nurse na nandirito." sabi ko naman.


"Salamat po." sabi niya naman.


"Sir, may gusto po sana akong tanungin." sabi niya naman.


"Ano yun?" tanong ko.


Sumunod na araw...


Dumating ang Lunes at agad naman akong nagtungo na sa aking classroom at mamayang uwian na lamang nagbalak na pumunta sa student council room para sa meeting ukol sa Skull Campus.


Pagdating ko dito ay agad na bumati sa akin ang aking mga kaklase ng maligayang pagbabalik at nagpasalamat naman ako sa kanila. Nang maka-upo na ako sa aking upuan ay agad akong yinakap ni Kyle at Emily na may mga pekeng pag-iyak pa.


"Dylannn." bungad nila.


"Oh? Ano?" tanong ko.


"Na-miss ka namin..." bigkas nila ng sabay.


"Para namang hindi niyo ko binibisita. Okay na 'ko." bigkas ko naman.


"Next time talaga. Babawi kami promise!" sabi nila sa akin.


Medyo nakapapagod maghabol sa mga lessons since halos isang linggo ako absent dahil sa nangyari. Pero sa isang araw na ito, marami na akong na-cover hindi lang naman ako laging nagpapahinga lamang sa ospital kaya nag-re-review rin ako para sa quizzes na na-miss ko.


Halos kaonti lang ang kinain ko ng lunch dahil lahat ng oras na ito ay inilaan ko sa pagsagot ng mga quiz na aking na-miss.


Nakapapagod pero kailangan, pagbalik ko sa aking classroom pagkatapos ng aking mga quiz ay binati muli ako nila Kyle at Emily pati ni Lance, isang kaklase ko.


"Musta na ba pakiramdam mo?" tanong ni Lance.


"Okay na rin naman." sagot ko.


Si Lance ang presidente ng klase, isang chinito at halos lahat ng kaklase naming babae may crush sa kanya dahil sa sobrang humble niyang ugali.


"Lance, paki-announce sa klase yung tungkol sa Skull Campus. Kung gusto kamo nila mag-invite ng outsider, friend or magulang, manghingi lang ng form kay Lenz or kay Rylie. May ID para sa mga guests." sabi ko naman. "Sige sige. I-eexplain ko ba kung ano yung mga events?" tanong niya.


"Wag na muna, bukas nalang yun." sabi ko naman.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now