Chapter 3 - Repaid

7.6K 230 3
                                    

"So... what's your move, Pres?" tanong ni Lenz. "Anong what's your move?" tanong ko pabalik. "Tutulungan mo ba siyang magmove-on or what?"


"Ha?!"


"Tutulungan mo ba siyang mag-" pinutol ko siya, "No, no... I get it, pero... bakit ako?" tanong ko naman na pareklamo. "Hey, you still have a part on this situation naman, aminin natin. So, think of it like a repayment. Tulungan mo siyang makaget over kay Denise and... problem solved. Tingnan mo, kung hindi mo siya icoconfront ngayon mas magagalit yun sa'yo at baka kung ano pa mangyari. Sayang lahi niya." paliwanag ni Lenz.


Bumuntong-hininga ako't nakarinig ng kulog, "Why should I even help him?" tanong ko naman. "Kasi estudyante't tao siya... katulad mo. Parehas kayong hindi nakikita ang magulang... parehas only child... at parehas na sa mga pinsan nakikitira. You had your past, and he had his, ikaw swerte mo may motivation ka to study harder, pero siya... not really." sagot niya.


Ipinagpatuloy niya naman ang rason, "It would be a huge problem if he were to be dropped out academically because of it. Magagalit mga magulang niya for sure at baka bumalik pa dito sa Pilipinas at sadyang malalagot yun." paliwanag ni Lenz, "Would the Student Council President not help a fellow student in need?" tanong niya. "Ayun oh, isa pang magandang article, SCP's Breakup Involvement: A Case Study article." sabi ni Lenz.


Bumuntong-hininga naman ako ng kaonti't sinabi, "Fine, I'll check on him. Nasan ba siya?" tanong ko. "Hmm... wait, text ko." sabi niya at matapos ang ilang minuto, "Nasa park sa likod ng McDo katabi ng parking lot, may playground din kasi dun so... hanapin mo nalang kung saan dun." sabi niya. "Okay. Tatapusin ko nalang 'to sa bahay pag-uwi... pasalamat at walang assignment ngayon." paliwanag ko at kinuha ang aking mga gamit at inilagay ito sa aking bag.


Sunod kong narinig ang malakas na buhos ng ulan at nagtungo na sa pinto, "Ay, pres! One last tip! Kung ako sa'yo bilhan mo siya ng kahit na anong pagkain at least! Para makapag-usap kayo." suggest ni Lenz, "Ha? Ano naman bibilhin ko?" tanong ko naman. "Edi sa McDo." sagot niya.


"Ugh, fine. I will. Wish me luck." pagpaalam ko, "Good Luck!" sigaw niya ng bumaba na ako ng hagdan. Pag-alis ko ng school campus ay nagtungo na ako sa McDo at bumili ng dalawang order ng pagkain. Buti nalang may extra cash ako.


Paglabas ko ay nagtungo na ako sa park at naglibot para hanapin siya, dapat naka-payong siya, pero wala akong nakikitang nakapayong, madilim dahil sa mga maiitim na ulap sa langit. "..." Ayokong tawagin ang pangalan niya, mapaghahalata niya ako.


Ilang minuto ang lumipas...


Ugh, nasaan ba siya...?


Dun nagsimula na makarinig ako ng ilang mga luha na bumubuhos. May nakita akong pigura sa swing sa playground at nakayuko ito, basang basa ng ulan. Lumapit ako ng dahan-dahan, "... Uy..." bigkas ko, "... Baka magkasakit ka." pag-aalala ko. Buhok pa lang, assured na si Zein nga ito.


"... Ano ba paki-elam mo, Tuazon?" tanong niya, nahalata niya na kaagad ang aking boses, hindi ako makapaniwala dun. "I may be an agent of the admins... pero as I said, estudyante rin ako katulad mo... at ayokong makakita ng isang estudyante na nasasaktan." paliwanag ko.


Tumingala siya sa akin at sinabi, "Talaga ba? Edi bakit hindi mo in-approve yung resched?" tanong niya. "Diba nga sabi ko si Ma'am lang ang makakagawa nun. I already told you, at ginawa mo naman diba? It's not my fault that she disagreed." paliwanag ko.


"Ako I already agreed and gave you permission to go tell her..." dagdag ko. Bumalik siya sa pagyuko at sinabi, "... Masakit kapag nawala ang first love mo, no?" tanong niya. "... Seriously...? Ngayon pa talaga. Mamaya ka na nga magsumimangot diyan. Dali, magkakasakit ka pa eh." sabi ko sabay hila sa kanya.


Buti na lamang at hindi siya lumaban at hinayaan akong akbayan niya ako para sumuporta sa paglakad sa kanya patungo sa isang waiting shed ng bus. Walang laman ito at wala rin namang mga tao sa paligid dahil sa ulan. Kinuha ko ang face towel ko mula sa bag at pinunasan ang kanyang mukha't buhok.


"Saan ka ba nakatira?" tanong ko. "... I don't feel like coming home..." sagot niya. "I already told tito..." dagdag niya. "Edi saan ka?" tanong ko. "Ewan ko ba." sagot niya ng mahina.


Bumuntong hininga ako't sinabi, "Look, alam kong may maliit din akong kasalanan sa'yo... at alam kong galit ka rin sa akin-" pinutol niya ang aking pagbigkas at sinabi, "What's the point in getting mad? Tama ka naman ah... ako naman yung may kasalanan. Siguro para sa'yo mababaw yung dahilan ng breakup namin ni Denise pero hindi rin... dahil sa problema ko sa pamilya hindi ako nakakapag-focus sa kanya kaya madalas nakakalimutan ko siya." paliwanag niya.


"Hindi niya naramdaman ang pagmamahal mo... kasi nga, wala ka rin namang naramdaman na pagmamahal mula sa mga tunay mo ng mga magulang. Okay lang yan, 'di ka naman nag-iisa eh." sagot ko. "... Wow... you too?" tanong niya sabay lingon sa akin. "Oo naman... mga magulang ko laging nag-aaway kaya naglayas ako." paliwanag ko.


"Then what happened?" tanong niya. "Alam mo, mamaya na nga tayo magkwentuhan, wag dito sa labas, basang basa ka na. Mag-t-tricycle na tayo." sabi ko. "Saan tayo pupunta?" tanong niya. "Sa bahay ko. Tara." sabi ko't inalalayan siya muli.


Nang makasakay kami sa tricycle ay nagtungo na kami sa aking bahay at tinext si Mama Rose. Sinundo kami ni Mama Rose ng may malaking payong at habang tinutulungan niya si Zein na pumasok sa loob ay binayad ko na ang pamasahe namin.


Pagpasok sa loob ay nagtungo kaagad kami sa taas sa aking kwarto, "Bryana, mag-init ka ng tubig para ipang-ligo niya at tsaka damit niya." utos ko. "Kuha ka dun sa cabinet ko." dagdag ko. "Gelo kuha ka ng paracetamol tsaka maligamgam na rin na tubig." utos ko naman. "Sige." sabi ng dalawa at bumaba na sila sa hagdan.


"Anak, kumain ka na ba?" tanong ni Mama Rose. "Okay lang, Mama Rose. May binili akong pagkain." sagot ko. "Oh sige. Oh ikaw na bahala sa kanya ah. Sabihan mo ko kapag may kailangan ka pa." sabi niya. "Sige po, salamat." pasasalamat ko't umalis na siya ng aking kwarto.


Pinaupo ko siya sa aking upuan at sinabi, "Hubarin mo na'yang pantaas mo't ibalot mo nalang 'to sa'yo." sabi ko sabay labas ng bath towel. "O-okay..." sagot niya at hindi na nagreklamo pa. Hinubad niya ang kanyang polo at sando, sadyang napatingin ako't iniwas ang aking tingin kaagad mula sa kanya ng makita ko ang pangangatawan niya.


(A/N: Swerte mo naman, bes...)


Kinuha ko ang kanyang damit at ibinalot sa kanya ang bath towel. "Baba lang ako." sabi ko't umalis ng kwarto, "Mama Rose?" tawag ko. "Yes, anak?" tanong niya, "Pakilaba nga po nito." sabi ko. "Ah oh sige ba. Ngayon ko na ibababad para bukas kusot nalang." sabi niya. "Okay." sagot ko.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now