Chapter 22 - Tibok ng Damdamin

4K 138 6
                                    

Nakauwi ako sa bahay ng hindi ko nakasalubong sina Tiana. At pagdating ko rito ay sadyang nakita kaagad ni Mama Rose ang aking kalagayan at nagtimpla ng maiinom. "Upo ka muna." saib niya.

At ilang saglit lamay ay nagkuwento ako, "... Ano na nangyari?" tanong ni Mama Rose.

"Halos kasiyahan naman talaga kaso... ganun din... wala na talagang pag-asa." Sagot ko.

"Ganun talaga ang buhay, hindi lahat masusunod sa kung ano gusto mo." sabi ni Mama Rose.

"Siguro nga... pero, may sinabi si Sam..." sabi ko naman.

"... Ano yun?" tanong ni Mama Rose.

"Na... halatang may gusto raw ako kay Zein." sagot ko kaagad.

"... Eh totoo ba?" tanong ni Mama Rose muli.

"Ha?" tanong ko.

"... May gusto ka ba kay Zein?" tanong niya muli.

"H-hindi ko alam..." sagot kong katotohanan, "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman... naguguluhan na'ko... bakit sa tuwing nakikita ko yung mukha niya eh biglang lumalakas yung tunog sa dibdib ko...?" dagdag ko.

Tumayo si Mama Rose para yakapin ako't sinabi, "Hindi mo pa alam... hindi ka pa naman sigurado, pero alam kong magkakatotoo... hindi man sa ngayon... pero at least may nararamdaman ka na para sa kanya..." sabi ni Mama Rose.

"Magpahinga ka na sa taas. May pasok ka pa sa Monday, bukas samahan mo ako, mag-g-grocery tayo kasama si Gelo't Bryana." sabi ni Mama Rose at umakyat na ako para magpahinga. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Gelo na nag-aaral, "Ah! Kuya Dyla-n...." naputol ang masiyahin niyang tono ng nakitang luhaan ang aking mga mata.

"Okay ka lang?" tanong niya nang makita ko ang malungkot niyang mukha.

"Oo, medyo maarte lang ako ngayon." sabi ko naman at umupo ako sa kama't tinabihan niya ako.

"Tanong ko... may crush ka ba sa school?" tanong ko kay Gelo.

"Oo, si Gabriela, diba nga?" sagot niya, at natandaan ko na sinabi niya ito sa akin dati.

"Ahh... alam mo, yang pagkakaroon mo ng crush... magandang bagay yan, pero minsan nakasasama rin. Tandaan mo ah... gawin mong positibo ang lahat. Wag ka magpapabaya sa mga paligid mo, tumingin ka lagi sa positibo..." sabi ko sa kanya.

"Sige!" sabi niya ng makita ko ang kanyang ngiti at napangiti na rin ako.

Kinabukasan...

Habang nasa grocery store kami ay nakakita ako ng pamilyar na mukha, kasama niya ang tatlong tao, sure kaibigan niya. "Oh? Hindi ba si Zein yun?" tanong ni Mama Rose.

"Ah- oo..." sagot ko.

"... Gusto mo ba mauna na muna kami?" tanong ni Mama Rose.

"Hindi na... baka bumibili para manood ng pelikula..." hula ko.

"Oh sige." sabi ni Mama Rose at nagpatuloy kami sa aming pagbili.

Matapos naming bumili ay biglang tumawag sa aking pangalan, "Dylan!" at pagtalikod ko ay nasa harapan ko kaagad si Zein, "Ay- hello po." sabi ni Zein kay Mama Rose at tumango siya.

"Manonood kami ng pelikula, gusto mo sumama?" tanong niya.

Itinaas ko ng saglit ang mga kamay ko, buhat ang ilang plastic, "Ay... sorry sorry." sabi niya't tumawa sabay ngiti. "Sige, una na kami, baka mawalan pa kami ng upuan. Eh 'tong mga 'to gusto nila dito bumili, ala kasing binebenta na iba dun sa mismong area." paliwanag niya.

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon