Chapter 46 - Mensahe

2.6K 82 3
                                    

Linggo...


"AAAYY! DALAGA NA ANG ANAK KO!" sigaw ni Mama Rose.


"Mama Rose naman." sabi ko.


"Pero wait- seryoso. Kayo na?" tanong niya sa amin.


"Nanliligaw palang po." sagot naman ni Zein.


"*ehem* Whoo... I'm so glad. Super." sabi niya sa amin ng napagmasdan niya ang magkahawak naming kamay.


"Pero is it okay kung maka-usap ko muna si Zein ng saglit? Okay lang ba?" tanong niya.


"Ay sige po okay lang po. Bili nalang po ako ng pananghalian natin sa labas." sabi ko.


"Ayun, perfect. Sige. Ito pambili. Oh bili ka sa Jollibee, yung bucket." sabi niya sabay bigay ng isang libong piso.


"Sige po. Sina Gelo't Bryana nga pala?" sabi ko naman.


"Nasa labas naglalaro, sige sige ako na bahala tumawag mamaya." sabi niya't nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.


(Zein's POV)


Nang umalis na si Dylan ay sunod akong lumingon kay Mama Rose, "Ano po yung gusto niyong pag-usapan?" tanong ko.


"Syempre si Dylan. Kasi iho, sabi niya... actually matagal na nga niya nasabi na... mahal ka raw niya. At tsaka, kwento niya na rineject mo raw siya?" tanong niya sa akin.


"Opo. Hindi pa po rin ako siguro nakapag-move on ng maayos nung mga panahon na yun, may kurot pa rin po ng sakit." paliwanag kong sagot.


"Okay. Hindi naman kita masisisi... pero, alam mo naman na hindi naman talaga ako ang tunay na magulang ni Dylan, diba?" tanong niya.


"Opo." sagot ko.


"Naglayas lang si Dylan... ilang taon na nakalilipas, but look at it now. Kahit ang mga magulang niya walang ginawang paraan para lamang hanapin siya, sa pulis, or sa kahit na kanino." paliwanag niya.


"Ano po gusto niyong... iparating?" tanong ko.


"Of course alam mo na sinasabi kong alagaan mo si Dylan para sa akin pero higit pa dun..." sabi niya.


"Ano po yun?" tanong ko naman pabalik.


"Sa mundong ito... walang ligtas na lugar. Sa mapanghusgang kapaligiran, laging merong bibig na nagsasalita ng masama tungkol sa kahit na kaninong tao. Kami- well... tayo, tayong mga parte ng LGBT ay palaging hinuhusgahan. Marami nagsasabi na... makasalanan daw tayo dahil sa kasarian natin. Sabi ng iba mapupunta raw tayo sa impyerno dahil bakla tayo at lalake't babae lamang ang karapat dapat sa isa't isa. Pero... ayokong maka-apekto yun sa inyong dalawa. I-spesyal tayong lahat, hindi man tayo perpekto, pero sa piningin Niya, oo perpekto tayo." pagbabahagi niya sa akin.


"Wala po akong plano na manahimik, at plano ko pong ipagtanggol si Dylan, pati na rin ang pagmamahalan namin." sagot ko naman.


"Good." bigkas ni Mama Rose sabay tango, "Alam mo, ang swerte mo. You have someone na matapang, matuwid, magalang... at mapagmahal na taong nagmamahal sa'yo." sabi niya.


"Salamat po." bigkas ko naman.


"Hiling ko lang na makita ng mga magulang niya kung nasaan na siya ngayon. Ga-graduate na... Mag-ko-kolehiyo na. Matutupad niya na mga pangarap niya." dugtong niya.


"Hindi po ba nagkwento si Dylan tungkol sa magulang niya? Kahit isang beses lang?" tanong ko.


"Dalawang beses lang ata. Nung una kaming nagkakilala... at tsaka nung kaarawan niya." bigkas niya.


The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now