Chapter 2 - Breakup

9.4K 298 3
                                    

Kinabukasan pagpasok ko ng school ay nakita ko si Zein na naka-abang sa entrance, "Oy, Tuazon." tawag niya. "Wala na ba talagang paraan para i-move yung punishment? I already told Denise at ayaw niya, kasi nga yung coupon ay mag-eexpire na by tomorrow, sayang." paliwanag niya.


"Wag ako kausapin mo, ako lang naman yung nagbigay ng punishment, yung principal ang gumawa. Si ma'am ang kausapin mo, and if I were her, I'd help you clean up." sinuggest ko. "Hindi naman ganun si Denise eh, hinding hindi niya ako ipapahiya neither do herself." paliwanag niya. "So bakit hindi siya nag-sakripisyo?" tanong ko.


"Wag kang magsalita like you know her." sabat ni Zein. "Totoo, hindi ko siya kilala, pero I don't think that's what a girlfriend would do. Mahal ka niya diba? Ang tagal niyo na diba? So bakit hindi siya marunong magsakripisyo? I'm not judging nor negating her, I'm just... doubtful." sagot ko at pumasok na ng office.


Dinig ko ang kanyang pagtawag, "Tuazon!" at sinabayan niya ako sa paglakad sa hallway, "C'mon, please?" tanong niya. "Sabi ko nga, si ma'am ang kausapin mo wag ako." paliwanag ko muli. "What do you need ba para payagan mo ako?" tanong niya nanaman.


"Ang kulit mo rin eh no?" tanong ko ng tumigil ako sa paglakad at humarap sa kanya, "That's the only option you've got, kausapin mo ang principal. Kahit nga ako bilang student council president am already giving you permission to speak to the head, kasi bihira lang ang makakuha ng pagkakataon na makausap siya. She's a busy woman." paliwanag ko.


Ipinagpatuloy ko, "And if you really want to move that punishment at masamahan si Denise for your date mamaya, you'll take risks. Pero on your side na ayaw niya well... that's not my problem anymore. Goodluck and wag kang malalate sa klase mo, yung records mo baka sumagad." paalala ko't ipinagpatuloy ang paglakbay patungo sa council room.


Pagpasok ko sa room ay hindi na niya ako sinundan, "Pres? Parang pagod ka ah? Tumakbo ka?" tanong ni Lenz, ang secretary ng student council. "Ah- hindi, nagmadali lang." sabi ko. "Si Zein?" tanong niya, "Oo.." sagot ko. "Pagpasensyahan mo na yun, ganun talaga ka-committed pagdating sa relasyon." paliwanag ni Lenz, naalala ko na magkaklase sila't magkatabi pa sa classroom.


"Oo nga pero hindi committed sa pag-aaral..." reklamo ko. "May pinagdadaanan lang yun sa pamilya. Hayaan mo na. Alam mo naman, wala yung magulang niya ngayon." dagdag ni Lenz. "We need to organize a meeting by next week tungkol sa feast. Start arranging and mag-announce ka na by the end of the week about sa proposals para makapag-start na yung school as early as possible." paliwanag ko.


Ngumiti si Lenz habang nagtungo ako sa aking upuan, "Sige sige. Yung photocopy ba?" tanong niya. "Si sir Arji na bahala dun." paliwanag ko. "Sige, sabihin ko nalang mamaya pagkatapos niya magklase sa amin." sagot niya. "Good, sige."


Nag-ring ang bell, a signal na five minutes na lamang ang first class ay magaganap na. "Oh. Bell na pala. Tara." pag-aaya ni Lenz at umalis na kami ng council room pagkatapos kong ibaba ang gamit para mamaya sa aking table.


Magkatabi lang naman ang classroom namin nila Lenz kaya sabay na kami ng ruta na pinuntahan. Pagdating ay nagsimula na ang klase namin.


After school...


Dumeretso na ako kaagad sa council room at nakita ko na binabantayan ako kaagad ni Zein. "Ugh, ano nanaman?" tanong ko. "Look, sabi ko, si ma'am ang kausapin mo, hindi ako-"


"We broke up."


"..." Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, "Ano?" tanong ko, "We broke up, Denise at ako. Wala na kami." sagot niya. "At ikaw ang dahilan nun, because of your stupid punishment deadline, nagalit siya sa akin, sinasabi na hindi na raw ako marunong magbigay importansiya sa kanya." paliwanag niya.


"So ako pa ang sinisisi mo sa pag-break ninyo? You wouldn't be in this mess kung hindi mo pinaglaruan ang trash bag." reklamo ko naman. "All I asked for was a reschedule. Napakahirap ba nun tuparin?!" sigaw niya.


Hininaan ko ang boses ko't binulong ng may galit, "No shouting in the hallways, Mr. Eskribano. That policy is strictly upheld in this academy." sabat ko. "You don't talk to me like that." sabat niya ng kinuha niya ang aking kolyar at hinila papunta sa kanya ng may galit sa kanyang mga mata ng pabulong na pagbigkas.


"Oo, pwede, dahil meron akong karapatan. Even if I'm the student council president, I only follow the rules, then report those who don't, same goes to you. Parehas tayong estudyante dito sa school na'to, but we're in our own leagues." paliwanag ko.


"I swear, kung ako sa'yo tigil-tigilan mo na yang pagmamayabang mo kung hindi baka kung ano magawa ko sa'yo." sabat niya. "I'm stating a fact. That threatening sentence can also be trouble. Swerte ka walang nakakakita sa atin ngayon dahil lahat ay nag-sisi-uwian na." sabat ko at binitawan niya ako.


Inayos ko ang aking sarili at sinabi, "Take that as a warning, Mr. Eskribano. We may be on the same school, but our positions in this school are far more different. The student council is the agent of the school's admins, we uphold justice to those who oppose our rules. Ikaw ang pumasok sa school na'to, so I suggest you follow those rules for your own sake as well. Good day... and take care on your way home." sabi ko't pumasok sa loob ng council room.


Ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang malalakas na kalabog niya sa pagbaba ng hagdan. "Wow. Nice statement, Pres." dinig ko ng hindi ko namalayan na si Lenz ay nasa water dispenser, hindi kasi ito kita dahil nahaharangan ng pader sa cubicle ni sir Arji.


"Ay... sorry, nakita mo pa yun." paliwanag ko. "Okay lang. He deserved it, really." pagsang-ayon ni Lenz. "Ha?"


"Look, I know he has his friendship terms at yung ugali niyang mabait sa akin pero, I tell you, when it comes to rules, man he's really an a-hole." paliwanag niya't sumipsip sa kanyang mug. "I already warned him, pero... alam mo naman yun, minsan desperate talaga." paliwanag niya.


Umupo ako sa aking upuan katapat ng aking table at umupo na rin si Lenz sa kanyang upuan, katapat naman ng kanyang lamesa. "I never really liked, Denise. Desparada yun eh. I think she only liked him because of his looks. So, I'm on your side wag ka mag-alala." paliwanag ni Lenz.


"Thanks pero... hindi kaya makaka-apekto yun?" tanong ko naman. "Saan?" tanong niya pabalik. "Sa pag-aaral niya...? Diba kamo ilang taon na rin sila. Sure ang saklap nun." paliwanag ko. "Hmm... tama pero... minsan din kasi iba ang pagtingin ng mga tao sa bawat sitwasyon." bigkas ni Lenz.


Inubos niya ang kanyang iniinom mula sa mug at nagpatuloy, "Unlike Zein, si Denise may pamilya, maraming kaibigan... may nakakasama. Si Zein, bihira makita ang magulang, only child, tapos nahihirapan pa sa pag-aral ang resulta, kaso hindi siya desperado. That would be Denise, first relationship ng dalawa eh." kwento ni Lenz.


"So... you're saying na... ang campus crush of St. Aedan is heartbroken?" tanong ko. "Yeah, dude, napakagandang title yun ng isang article profile. 'The Heartbroken Campus Crush', diba?" tanong ni Lenz.


"Alam kong nasa St. Aedan Times ka pero, seriously? A profile article? Hindi pa parang... masyadong confidential at personal yun?" tanong ko naman. "Right right pero and cheesy kasi nung issue eh. Haha, nadala lang." paliwanag niya.


Bigla kaming nakarinig ng notif na text mula sa kanyang phone, "Oh, ito oh. Confirmed, over. Hindi na sila magbabalikan." sabi ni Lenz sabay pakita ng phone na nagsasabing:


"Tell Zein it's over, for good. We've had too many problems na talaga, and this is the last one. Hindi ko na kaya, he wouldn't stop bugging me at baka ma-embarrass pa ako sa pagmamaka-awa niya sa akin sa kalsada."


"See? Desperada yet ayaw masaktan. I think it was already the seventh time that they had huge misunderstandings and mistakes." paliwanag ni Lenz. "Mistakes are a proof that your relationship is good, but too many mistakes? Eh... not so good." dagdag niya.


Ngumisi siya't sinabi, "Don't blame yourself for their breakup. It's his fault, consequences naman kasi eh, diba? You're right, if it wasn't for him na pinaglalaruan niya yung trash bag with the lab's gloves, hindi siya makakarma ng sobra." sagot niya.


Halos wala akong masabi kasi sadyang pinagsisisihan ko pa kahit nagmamatapang ako sa harap ni Zein kanina lamang...


please vote and comment!~

The Heartbroken Campus Crush (boyxboy) [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن