2

11.4K 108 0
                                    

JHO

"Huy!!!"

"Anak ka ng----potek ka mich!"ako tas pinalo ko. Ayun sapol sa braso.

"Ouch naman!"si mich habang hinihimas ang pinalo ko.

Buti nga sayo! Kala mo ah.

"Ay ganern nananakit na sya oh."singit ni ate ells na kasama si jia.

Nasa sala na kame ngayon at hinihintay na lang ang iba para maumpisahan na namin ang movie na panonoorin namin. Nagsi paglinis muna kame ng katawan namin para kahit late na matapos ang movie ay tuloy tulog na kame.

Nagsitawanan ang tatlo at ako naman ay inirapan lang sila. Ay naku trip na naman nila ako.

"Ba't naka busangot ka?"si jia tas umupo sa tabi ko.

"Eh kayo eh. Trip nyo na naman ako."sabe ko na di tumitingin sa kanila. Narinig ko naman ang impit na tawa nila.

"Oy,di naman. Grabe 'to."si jia tas bahagyang itinulak ang balikat ko.

"Alam ko na kung bakit talaga naka busangot yang si ineng?"si ate ells tas binigyan ako ng mapang asar na tingin.

"Ako rin, parang alam ko na."si mich.

"So, naiisip mo ba ang naiisip ko?"si ate ells pa rin habang nakatingin kay mich.

"Oo ate ells!"sagot naman ni mich tas nag apir sila sa harapan ko.

"He.he.he.nakakatawa."sarcastic kong sabe tas inirapan ko sila.

At ang mga gaga lalo pang tumawa pati si jia nakitawa na rin. Ay talaga napipikon na ko. Magwa-walk out na sana ako ng mabilis nila akong hinila pabalik sa kinauupuan ko.

"Ang pikon mo naman ngayon bes."si jia tas inakbayan ako.

"Ang lakas nyo kasing mang trip eh."ako

"Oy mag sorry kayo."utos ni jia sa dalawa. Sumunod naman ang dalawa kaya eto kaming tatlo magkakatabing nakaupo sa isang sulok habang hinihintay ang iba.

"Seryoso bes. Nagulat ka 'no?"si Mich.

"Nagulat naman sa ano?"si jia na sumagot na para sa kin.

"Na kay bea galing yung dinner natin kanina."singit ni ate ells.

"Correction. Kay tita det."ako.

"MOMMY pa rin ni bea yun 'no."si ate ells."maka tita det din sya oh."

"Whatever."ako tas nag make face sa kanila.

"Pero bes, bakit ba ang init ng dugo mo kay Bea?"curious na tanong ni jia.

"Oo nga di ko gets, bes."sabat ni mich.

"Ang yabang nya kaya."ako." Ang ingay ingay pa."

"Oy, di naman,Makulit. Oo, pero mayabang?di naman ah."si ate ells.

"Na mimis judge mo lang sya."si jia.

"Oo nga!"segunda ni mich."saka girl, ang cool kaya nya."

"San banda bes?"sarcastic kong tanong sa kanya.

"Ewan ko ha,pero ako, ang cool sa kin ng dating ni bdl."si mich pa rin."alam nyo yung angas nya,ang cute lang saka yung arrived nya.... Alam nyo yung may swag."

"True!"kinikilig ba si donya? Kung maka react eh.... Ewan ko sa kanila. Basta, di ko feel yang rookie na yun! Taga nyo sa bilbil ni madam Ella! Lol!

"Wait nga lang,"sabat ni jia. "May nangyare ba sa nyong di maganda kaya ganyan na lang ang pagdis gusto mo kay de leon?"

Napabuntong hininga ako tas tumango. Nakita ko kung pano naging interesado ang mukha ng tatlo kaya alam na this kung ano na ang susunod.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now