28

5.1K 63 0
                                    

JHO

"Ano,bati na ba ang mag beh?"si kim at tumabe sa kin.

Nasa sala kame ngayon ng dorm.Wala na kameng next class kaya naghihintay na lang kame ng oras ng training.Di naman kame mag kaklase pero nagkataong ang iba ay walang prof at ako ay wala talagang klase.

"Di ba nagkausap na kayo kahapon." si ate mae tas inalok kame ng hawak nyang potato chips.

Nagkibit balikat lang ako at sabay taas ng paa sa sofang kinauupuan namen. "Di ko alam eh." totoo naman.Di ko alam ang status namen ngayon ni beatriz" tas napa pout pa ko sabay pangalumbaba.

Pagkatapos kase nameng magusap kahapon sa locker room ng arena ay sabay kameng lumabas ng arena.Sya pa nga ang nagbitbit ng gym bag ko at magkatabe kame ulit sa loob ng bus pauwi dito sa eliazo.Akala ko nga dito na rin sya matutulog kagabe pero nagpaalam ulit sya kay ate ly na uuwi daw sya  sa kanila.At kaninang morning training ay pinansin naman nya ako,yun nga lang ako ang unang bumati sa kanya.Di na rin namen napag usapan pa yung naging usapan namen kahapon kahit sabay kameng nagbreakfast sa mcdo.

Nararamdaman ko ang pagiging cold nya sa kin kahit may napagusapan na kame sa issue namen pero lam nyo yun bes,ang labo. Para ngang walang pinatunguhan yung paguusap namen kahapon eh.Pero later gagawa ako ng paraan para magkausap kame ni beatriz ng maayos at malinaw.At sana maging okay na ulit kame ng beh ko. Nakakamiss  kaya sya.☹☹☹

"Grabe pala magtampo ang isang bea de leon." si ate mae.

"Sinabe mo pa,ate."si kim.

Napabuntong hininga tuloy ako. "Talaga!"

"Ate jhow,may naghahanap sayo sa lobby."

Sabay sabay kameng napatingin sa kapapasok lang na si ponggay na galing sa klase nya.

"Okay."walang gana kong sagot at di pa rin kumilos sa pagkakaupo ko.

"Sino daw,pongs?" si kim na ang nagtanong para sa  kin.

Nakihalubilo sa min si ponggay at umupo sa single sofa na kaharapan namen. "Lalake eh."

"Aba may suitor si marag."  tukso ni kim sa kin  pero di ko pinansin yun busy si brain kung pano ko didiskartehan si beatriz mamaya para makapagusap kame ng maayos.At sisiguraduhin kong magbabati na talaga kame.

"Sana tinanong mo yung name ng guy." kinikilig na sabe ni ate mae.

"Ako pa mga ate? syempre  naitanong  ko na agad agad!" naka smile netong sabe. "Baham.Baham yung name nya!"

Mabilis akong napatingin kay ponggay na ang lapad ng ngiti sa kin at ang tingin netong parang nanunukso.Napatingin din ako sa dalawang katabe ko na nakatingin din pala sa kin.Nagtatanong ang mga mata nila at mabilis akong umiling sa kanila.

Wala akong alam bakit andito si baham? Promise!✋

"Yieeeee......." tukso ni ponggay sa kin kaya muli sa kanya ako napatingin at pilit akong ngumiti sa kanya.

"Babain mo na baka makita pa ng iba nateng teammates,makuyog pa yun." biglang nagiba ang mood ni ate mae.

"At baka dumating bigla si bea."dagdag pa ni kim na naglalaro na ng games sa phone nya.

Tumango naman ako at tumayo na.Nagsapatos muna ako bago bumaba,actually,naka ready na kame nila kim at ate mae para sa training namen mamaya.Nagpalit na kase kame ng damit namen for training,maging yung gym bag ko ay ayos na magsasapatos na lang ako at gogora na lang kame mamaya para di na hassle pero mukhang mauuna sila sa  kin ngayon dahil meron akong unexpected visitor.

Nagmamadali akong bumaba at ng marating ko ang lobby ay agad kong nakita ang "bisita" ko. Isang malapad na ngiti ang nag flash sa mukha nya ng magkita kame at  kasabay non ang pagtayo nya kaya nilapitan ko na sya.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now