23

6K 88 8
                                    

BEA

"Ano masakit pa ulo mo?"si trey.

Di ako sumagot nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Ni ayaw kong igalaw ang ulo ko kase nahihilo ako.

"Sige pa. Inom pa more."si trey pa rin at tumayo na sa pagkakaupo sa bed ko.

"Nag alibi na nga lang si ate ly kay bundit kase nga po hinahanap ka."sabat ni jia. "Kaya yare ka kay ate ly mamaya."

"Galingan mo ang explanation kung ayaw mong magalit ang kapitana naten."panakot ni gizelle.

Bakit ang dame yata nila ngayon dito? Wala kayang pasok ang mga 'to?

"Tara na nga girls."si trey. "Wala tayong mapapala sa taong nagtutulog tulugan na lang."

Narinig ko ang mga yabag nilang papalabas ng room at pagsara ng pinto.
Saka pa lamang akong dumilat at muling pumikit din kase umiikot ang paningin ko. Sabayan ng sakit ng ulo. Hays! Spell hangover? B.E.A.

Pinilit kong tumayo kase naiihi na talaga ako at di na talaga kayang pigilin pa.

( Parang feelings mo lang ganern? Di na kayang pigilan, nag susumigaw na. )

Wag mo akong umpisahan. Ang aga aga.

(Okay.......... Mamaya na lang.😜)

Pagka ihi ko ay nakaramdam ako ng may parang gustong lumabas sa lalamunan ko at bago pa ako magkalat ay tinungo ko ulit yung toilet bowl at dun sumuka! YUCK!

Nang mailabas ko na lahat ng nainom ko kagabe ay medyo umokay na pakiramdam ko. Naligo na rin ako kase naaamoy ko na ang sarili ko at di na maganda ang Amoy,di na pang-papi!hehehe....

Pagkapaligo ko ay bumaba na ko, nakaramdam na ko ng gutom. Tahimik na ang buong dorm kaya sure akong nagsipasukan na sila. Kung meron mang naiwan pa rito sure ulit ako na nasa kanya kanyang room na at nagpapahinga ng sandali. Ako, wala akong class ngayon ay meron pala dapat pero nag text na yung isa nameng classmate na wala daw si prof kaya swerte ako,parang ayoko ko kaseng pumasok ngayon kaya buti naman nakisama si Prof. Hihihi...

"Buti nakabangon ka pa."

Halos mapatalon ako sa pagkagulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Papasok na sana ako sa kusina para mag breakfast ng may nagsalita nga.

"Magugulatin ka na ngayon,ah!" Si maddie
pala! Tas ang loka tinawanan pa ko. "You should see yourself, bei. Nakakatawa itsura mo! Hahahahaha......"

"Sige lang tawa pa Madayag. Kabagan ka sana."ako at nag make face sa kanya.

"Grabe sya oh. Ano? Gutom ka na? Tara sabay na tayo."masayang aya nya at hinila ako papasok sa kusina.

"Wala kang morning class?"tanong ko.

"Meron."simple nyang sagot ng di ako nililingon.

Nagpresinta syang maghanda ng breakfast namen,actually, meron naman ng lutong agahan at nasa ref lang yun. Kame ng bahala ang magpainit kung sino ang gutom.At yun na nga ang ginagawa ni madz.

"Ikaw?"tanong nya sa kin at gets ko na ang tinutukoy nya.

"Wala si prof eh."

"Lucky break!"sya at inilapag sa mesa ang isang mug na kape.

"Para sa kin ba 'to?"nagtataka Kong tiningnan si maddie. At tumango lang sya bilang sagot sabay talikod sa kin. "Madz,you know naman na milk ang iniinom ko di ba?"malumanay kong sabe baka masamain nya. Matampuhin pa naman ito, parehas sila ni jho.

(Uy,naisingit pa talaga! )

Manahimik ka.

"Alam ko."tas muling humarap sa kin na may dala ng mangko. Inilapag nya rin ito sa harap ko. "Kainin mo rin daw yan."tas naglagay pa ng kutsara.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now